DAY 297
THEY HAVE been enjoying their new found freedom ever since the reality of their relationship came to the surface. Hindi niya naman na talaga gagustong itago, she wanted the world to know who she really loved and who she wanted to be with. Kakabalik lang nila actually from a three week vacation uli sa Cagayan and she feels refreshed and ready for the world again. Buti na lang at natulungan siya ni Alpha na mag-manage muna for a few weeks uli, alam niyang busy din ito sa paghalili sa pinsan nilang si Kairos lalo na at hindi pa din nagigising si Mikee.
Andrew usually drives her to work bago ito pumunta sa isang community center kung saan ito nagvo-volunteer bilang isang doctor sa mga street children. Ilang beses na niya itong tinanong kung gusto ba nitong magtrabaho sa Murica kasi kakilala niya naman ang pamilyang may-ari noon kaya naman pupwede niyang tulungan si Andrew na makakuha ng spot doon bilang isang fellow pero tumanggi ito. He said na mas gusto niyang may natutulungan sa grassroots level pa lang, alam niyang madami nang magaling doon sa ospital kaya in his mind he wanted to reach out to those who cannot go to those big hospitals.
"Do you remember that park?" tanong nito sa kanya habang papauwi sila. "That where we..."
Tinutukoy nito ang park na malapit sa opisina niya. This was the park where she and Adrian met. It was a good memory before pero dahil si Adrian nga iyon ay hindi niya naman mapanghawakan na masaya yun.
"That's where I met your brother for the first time." Sabi niya dito. "Honey, that's not something I like remembering though."
"Haven't we walked there before?" Sabi naman nito sa kanya. "Akala ko yan yun, sorry."
"It's okay, all parks look the same." She smiled. "Saan mo gustong kumain ng hapunan? Pagod ka buong araw, para huwag ka ng magluto when we get home."
"But I like cooking for you." Nilingon siya nito at nginitian. "I always want to do that for you."
"Super spoiled and pampered ko na sayo, kapag yan tinigil mo magtataka ako." Bobbie laughed. Siguro ay dahil na din sa hindi niya na-experience ang ganito sa isang relasyon noon ay naninibago siya. The moment Andrew stops ay alam niyang may mali na.
"I don't intend on stopping naman. Hindi ka dapat mag-alala. I will love you for as long as you let me love you and maybe long after you don't let me anymore." Hinawakan nito ang kamay niya gamit ang bakante nitong kamay. He has a smile on his lips while his eyes focused on the road.
"Bakit naman kita pipigilan na mahalin ako? Loka-loka ba ako?"
Napagdesisyunan nilang kumain sa is asa mga paborito niyang restaurant. It was always her choice kasi daw kahit ano naman ay kinakain ni Andrew kaya naman siya na ang mamili para siguradong gusto niya ang kakainan nila. It was a restaurant inside a five star hotel at kaya napili niya doon ay dahil na din sa bestseller na seafood platters ng mga ito at gusto din yun ni Andrew. Hindi naman kasi pupwede na mga gusto lang niya palagi ang masusunod.
"Adrian!" Napalingon silang dalawa ni Andrew nang marinig ang tumawag sa pangalan ng kapatid nito. Pilit niyang iniisip kung sino ang lalaking ito since she should be familiar with the people around her ex pero wala sa hitsura nito ang maging kaibigan ni Adrian. "How long has it been since med school?"
"Butch? Ikaw pala yan. Hi. It's been a while, higit one decade na siguro." Nakipagkamay si Andrew sa lalaking bagong lapit sa kanya. "Mula noong matapos tayo ng internship at makapaso hindi na tayo nakapagkita."
"Oo nga eh, it's been that long. Balita ko din kung saan-saan ka nagpunta noong maging doctor ka na. You're not the type to spend long hours in a hospital only." Pagbabaliktanaw pa nito.
BINABASA MO ANG
San Vicente 2: Fallacious ✅
Chick-LitSan Vicente # 02 Power doesn't necessarily make you happy. Robina 'Bobbie' San Vicente is no ordinary woman, she's the big boss of a multi-billion company and is one of the top businesswomen of her time, plus she's just turned thrity! She excels in...