"THIS IS THE BEGINNING OF A NEW ERA." Manghang-mangha si Bobbie sa speech ng kanyang Lolo Geraldo.
She was bright-eyed and all ears sa lahat ng sinasabi nito sa entablado. Kahit na nga mahihirap pa ang ilang mga salita para sa isang sampung taong gulang na bata ay pinipilit pa din niyang pakinggan. Her grandfather is her ultimate inspiration.
Anniversary ngayon ng San Vicente Holdings at isinama siya ng kanyang ama dahil na din mapilit siya. He wanted to leave her home kasi daw mabobored lang siya at baka magmaktol lang doon, besides maiiwan naman na daw ang mga pinsan niyang maliliit pa sa mga bahay ng mga ito. Tinawagan pa nga niya ang kanyang lolo para kumbinsihin nito ang kanyang ama para isama siya nito. Palibhasa her father thinks of her as a burden kasi daw malikot siya.
"Robina," tawag sa kanya ng ama. "Bakit hindi ka muna makipaglaro kina Azumi? Andoon sila sa gilid oh."
"Azumi is just five years old Papa, she's the one who's too young to be here." She pointed it out.
She really did not want to stop listening. Nakaupo pa nga siya ng ayos para hindi siya mapagalitan. She wanted to hear every single word her lolo said. Sabi kasi nito ay mahalaga na malaman nilang magpipinsan ang halaga ng negosyo nila.
"I want to listen more to Lolo." She said without taking her eyes off from her grandfather.
"Anak, masyado pang mahirap intindihin para sa bata ang sinasabi ni Papa. You will get bored." He explained pero buo na ang isip at loob niya. She will listen more.
"I understand it naman po Papa. I am smart remember?" She shot her father a quick glance. "I will be like lolo. I will be a great entre...entrep...what is it again Papa?"
"Entrepreneur," he laughed slightly. "Kita mo na."
"Yes, that. I will be like lolo." She smiled as she looked at her grandfather. "I will be the best entrepreneur, the best businesswoman."
"Your Kuya Kairos will probably be the one taking over the whole company, anak." Hinaplos nito ang buhok niya.
"Ang daya naman! Bakit di pwedeng ako?" Hinalukipkip niya ang mga braso niya. Ang daya naman nga kasi. Hindi porket matanda na ang Kuya Kairos niya ay ito na ang bida. Kaya niya din naman. She just has to grow up a little bit more.
"Kairos is the eldest among all your lolo's grandchildren and his father is the oldest son too. Tradisyon lang talaga na siya ang hahawak." Her father lightly squeezed her cheeks.
"How about me?" The dreamer in her was really sad.
"You will have your own company to manage anak." He said, assuring her. "But for now, grow up slowly and enjoy that time for yourself."
***
Tama nga ang tatay niya noon. She should have grown up slowly. Dahan-dahan lang. Kasi ganun lang pala kabilis na mawala ang kabataan niya. One's youth is indeed fleeting. Hers flew out the window ling before she realized it.
Heto na siya ngayon, thirty years old. Oo nga at naging businesswoman nga siya. May sarili na nga siyang kompanya na hinahawakan. She's even grown SV Investments to what it is today in just six years of handling it. Isa na ito ngayon sa mga top five na affiliate companies ng SV Holdings.
"Ms. Robina San Vicente?" Napalingon siya ng may tumawag sa kanya.
Imbes na makalapit ang babae sa kanya ay may ilang bodyguards nang humarang dito. Hindi naman kasi ito ang unang pagkakataon na masusugod siya if ever.
BINABASA MO ANG
San Vicente 2: Fallacious ✅
ChickLitSan Vicente # 02 Power doesn't necessarily make you happy. Robina 'Bobbie' San Vicente is no ordinary woman, she's the big boss of a multi-billion company and is one of the top businesswomen of her time, plus she's just turned thrity! She excels in...