DAY 90
"WHY DO I HAVE to go here with you? Maputik Andrew." Pagrereklamo niya sa lalaki.
Naglalakad sila ngayon sa loob ng isang malaking palengke sa bayan. Maputik kasi maulan na at kakatapos lang ng malakas na ulan mula sa kaninang umaga.
"Sabi mo sa akin kanina hindi ka pa nakakapunta sa ganito." Sinabi niya ba yun? Bakit naman niya sasabihin yun?
Oo nga at hindi pa naman talaga niya ever na-experience na magpunta sa isang palengke. There is no need. May grocery naman at may mga staff siya na gumagawa ng mga household chores. She's always just been focused on studying and then handling the business. There was no time for anything else. Kahit na anong luxury sa buhay ay hindi niya masyadong nagagawa. Madami nga siyang pera pero hindi naman niya ma-enjoy ang buhay.
"Did I?" Nag-isip pa siya uli. "Bakit naman today pa tayo nagpunta eh ang putik-putik. Yung shoes ko ang dumi na."
"Matutuwa ka dito. Everything here is fresh kumpara sa grocery. Tuturuan din kitang mamili ng mga bagay-bagay." He extended his arm and offered his hand.
"Binobola mo nanaman ako." Pero ngumiti siya at inabot ang kamay nito. Nasasanay na siyang ngumiti. Kahit na sa simpleng buhay na ganito ay nasanay na din siya.
It has been three months pero aminado siya na masaya siya sa tatlong buwan na ito. There is no way na ipagpapalit niya to. She had three or more years with Adrian pero none of it compared to this. Ngayon niya lang narerealize na masaya pala na may ganitong tao sa buhay. Andrew is by far the best person she's ever met outside of her family.
"Ang dumi ko na oh." Instead na mainis ay natatawa na lang talaga siya. She should have worn something else. Dapat din nakapantalon na lang siya kasi ang dumi na ng legs niya tuloy ngayon.
"Pupunasan ko," then there he was bending down and wiping the gunk on her legs. Walang arte sa kahit na anong parte ng katawan basta siya. Nasasanay na ata siya at kahit na hindi siya vocal ay masaya siya sa piling nito. She's safe and warm. It somehow feels like home to her now.
"Aba'y hijo may nobya ka na pala?" Napatingin sila sa bandang kanan dun sa nagtitinda ng isda. Mukhang kilala nito si Andrew kasi ngiting ang matandang ginang sa lalaki.
"Ah." Ngumiti lang si Andrew habang tumatango. Tinuloy nito ang pagpupunas ng legs niya until every speck of dirt was removed. Wala man lang kaartehan ito o takot na may tumitingin dito dahil sa ginagawa.
Kaso lang napaisip si Bobbie, akala niya ba ay gusto siya nito? Bakit hindi niya sabihin sa iba? Masama ba na girlfriend siya nito? May mali ba? Kasi diba parang ganun na nga sila ngayon? He said that he loved her, bakit ayaw nito na sabihin na girlfriend siya nito?
Makatapos nila sa wet area ng palengke ay nag-ikot naman sila sa gulayan at iba pang mga ingredients. Madami din siyang natutunan sa mga sinasabi sa kanya ng lalaki. It was a fascinating experience at nag-enjoy naman siya. Tinanong siya nito kung ayus lang sa kanya na kumain sa palengke kasi masarap daw ang pagkain dun sa maliit na restaurant doon.
"Masarap lahat ng pagkain nila dito pero yan ang pinakamasarap talaga." Nilapag nito ang isang tray na puno ng mga ulam sa la mesa nila.
He was the one preparing the table and wiping the utensils. Wala kasi siya sa mood for some reason. Naiirita pa din siya na hindi sinagot ni Andrew yung matanda kanina at tumawa lang. Ano ba siya nito?
"Ayaw mo na sa akin?" She asked casually.
"Ako? Bobbie, hindi ganun kadali yun mawala." He smiled.
"Eh bakit hindi mo sinabi na girlfriend mo ako kanina? Bakit tumawa ka lang?" Bobbie felt silly asking that question. Hindi niya ever kinailangan na tanungin yun.
BINABASA MO ANG
San Vicente 2: Fallacious ✅
Literatura FemininaSan Vicente # 02 Power doesn't necessarily make you happy. Robina 'Bobbie' San Vicente is no ordinary woman, she's the big boss of a multi-billion company and is one of the top businesswomen of her time, plus she's just turned thrity! She excels in...