"IS BOBBIE SAN VICENTE actually excited to get married?" taas kilay na tanong sa kanya ng kaibigang si Nadya.
They are now in a fancy restaurant for a bachelorette party, she really didn't want that pero her friends insisted. Sabi nga ng mga ay malapit na siyang bitayin o mamamatay sa sakit ng ulo dahil sa magiging asawa niya. No one really thought that Adrian was any good. Matibay lang talaga siya kasi hindi siya papayag na si Adrian lang ang magpapatupi ng tuhod niya o ang tatalo sa kanya. Eh ano kung babaero ito? It's not as if papayag naman siyang hindi makinabang sa kahit na ano ang meron si Adrian. Parang business niya lang yan. She will salvage what she can and use it to her advantage.
"I am not. It's just marriage." She shrugged.
"Bakit ka ba naman kasi magpapakasal?" Tanong naman ni Paula, ang isa pa niyang kaibigan.
"Kasi makikinabang muna ako." She said, she knows that it was probably a good chunk of the truth. "Nakapag-market research na ako at madami ang makukuha ko sa kasal namin."
"Ano pa ang pakinabang mo sa kanya? He has been cheating for 2 years. Bakit ang tibay mo? Mahal mo?" Medyo nagulat siya sa tanong ni Gertrude. Ito ang pinaka-best friend niya sa mga ito. She's been with her since high school at lahat-lahat ay alam nito tungkol sa kanya.
"Mahal?" She laughed. "Alam niyo kung ano lang ang mahal ko."
"Power, money, and family!" Halos sabay-sabay na sagot ng tatlo.
Yes. Yun lang ang mahalaga sa kanya at hindi magbabago yun. Ano ba ang magbabago sa pagpapakasal niya? Not even her surname. She will retain the use of San Vicente, it's still legal anyway. Ang magbabago lang ay ang civil status niya. She will be married, that's just about it.
Hindi rin nga niya plano ang magka-anak for a long, long while. Baka kapag 38 na siya. Ang dami pa niyang gustong gawin sa buhay niya. She has only started, and she will not stop going, not yet.
"Correct kaya don't mind me and the wedding. Publicity lang yun and besides, I have Adrian wrapped around my pretty little fingers." She waved her hand and smirked. That man will do her every bidding.
"Okay lang ba talaga na wala ako sa kasal mo? Sorry talaga, alam mo naman na ang hectic nung client ko." Tanong sa kanya nito. She's looks so apologetic pero she doesn't really mind, business should really come first.
"Dear, ayos lang. As I said, it is just a wedding. Besides, mas okay yang inaasikaso mo ang business natin." Bobbie meant it, kasal lang naman talaga iyon.
Naging kasosyo niya ang kaibigan sa isang trading business. Si Gertrude mismo ang gumawa ng business plan and she just read it and knew na okay naman, it was worth investing her money into. She wanted to help her friend out kaya naman nag-infuse siya ng kapital. She even told her na unti-unti nitong bilhin ang shares niya para naman maging sole owner na ito. Gertrude wasn't born with all the privileges she had, she was from a middle class family at bilib siya sa sipag nito para umangat sa buhay from her own hard work.
"Thank you, I will see you when I get back." She smiled but her eyes still looked kind of sad.
"Ang drama ninyo! At ang boring dito. Bar naman tayo." Tudyo ni Nadia, ang party girl ng grupo.
"Ikaw talaga! Alak nanaman ang gusto mo!" They all laughed. Late na pero bar pa din ang gustong puntahan.
"It's late and we've drunk so much. May flight pa itong si Gert." She said, dismissing the idea of them going bar hopping. "At kahit di ako excited sa kasal ay kailangan maganda pa din ako kaya kailangan kong matulog na mga bruha."
"Okay, okay." Pagsuko naman ni Nadya. "Kailangan nga din pala naming maging maganda kasi andoon ang mga pinsan mo. Baka makapatid kami ng San Vicente."
BINABASA MO ANG
San Vicente 2: Fallacious ✅
Romanzi rosa / ChickLitSan Vicente # 02 Power doesn't necessarily make you happy. Robina 'Bobbie' San Vicente is no ordinary woman, she's the big boss of a multi-billion company and is one of the top businesswomen of her time, plus she's just turned thrity! She excels in...