"MARTINA, darling." Tinawag ni Bobbie ang four year old daughter nila ni Andrew para paghandain na ito sa sasabihin sa ama. "Can you please come here?"
Bobbie wanted to tell Andrew. Hindi niya alam kung alam na ng asawa and he's just feigning ignorance, bahala na ito. Gusto niya lang talaga na ma-surprise ito kahit na minsan. It's been two months just like last time pero ngayon ay wala siyang kahit na anong pinagbago. The only sign she got was that her period didn't come, that's it. She covered that up by blatantly saying to Andrew that she has her period and that she's having cramps.
Hindi alam ni Martina but today, she's going to tell her para ito ang magsabi sa ama. Martina's been asking for a baby sibling since last year and this is also a surprise for the little girl.
"Yes mama?" Lumapit ito sa kanya, gulo-gulo ang buhok at may kung anong amos sa mukha.
"Have you been eating chocolates again?" Tanong niya dito bago buhatin ang bata at iupo sa may counter. "You're having too much sweets. Mamaya super hyper ka nanaman."
Humagikgik muna ito bago mabilisang pinunasan ang mukha. "I love chocolates po mama."
"Okay, spill it. Sino ang nagbigay sayo ng chocolates? We didn't bring any from Manila." Tanong niya dito. Hindi pa kasi sila bumibili ng groceries kasi nagdala ng mga initial stock nila sa bahay ang isang katiwala nila at tagabantay sa bahay kapag wala sila. "Auntie Mikee or Papa?"
Umiling-iling ito. "Not them."
"Then who? Did a stranger give you that?" Bigla siyang nagpanic at kinapkap ang bulsa ng anak para makita ang tsokolate.
"Uncle Kairos did." Masayang sabi ni Martina. "He gave me the healthy chocolate daw po but it's kind of bitter but's okay."
"Galing nga sa Uncle Kairos mo if that's the case." Siya naman ang natawa. Who else would think to give a kid dark chocolate?
"Mama, when we go back can I go and sleep with Auntie Mikee? I want to play with the cows and the chickens again." Kita niya ang very demonstrative expressions ng anak. Naaaliw talaga siya kapag ganitong ang bibo nito. She's also very talkative and kind of a mini her when she's annoyed.
Madalas ang anak niya kay Mikee at Kairos dahil may mga panahon na busy silang mag-asawa at ayaw naman nilang iwan lang ito sa mga yaya kaya minsan ay sinusundo ito ni Mikee para dalhin sa Pampanga o sa bahay ng mga ito sa Manila. Mikee absolutely adores Martina like her own kaya naman kampante sila ni Andrew na doon iwanan si Martina kapag kailangan. Hindi pa kasi binibiyayaan ng anak ang mag-asawa kaya naman yung lahat ng motherly at fatherly affection ng dalawa ay sa mga pamangkin nabuhuhos. Everyone in the family prays that they get to have their own kids one day pero kung hindi man dumating, all the kids in the family absolutely adores them anyways.
Sila ni Andrew ay nagbabalanse ngayon sa pagpapalaki kay Martina at ang kanilang mga trabaho. Of course si Martina ang priority pero minsan may mga bagay pa din sa trabaho nila na kailangan gawin. Kaya malaki ang pasalamat nila na may one month silang bakasyon palagi dito sa Cagayan de Oro kaya naman nakakapag-bonding silang mag-anak ng walang istorbo sa trabaho.
She's now thirty seven and Andrew just turned forty the past month. Hindi niya akalain that she'd be spending her best life as a mother and a wife. Alam niya na gusto niya ng pamilya but she always thought na baka hindi naman yun ang maging sentro ng buhay niya. She didn't think she'd be this kind of person and it's indeed a happy surprise.
BINABASA MO ANG
San Vicente 2: Fallacious ✅
ChickLitSan Vicente # 02 Power doesn't necessarily make you happy. Robina 'Bobbie' San Vicente is no ordinary woman, she's the big boss of a multi-billion company and is one of the top businesswomen of her time, plus she's just turned thrity! She excels in...