CHAPTER 28

1.6K 40 7
                                    

"IT HAS BEEN how many hours?" Nagmamadaling pumasok si Bobbie sa command center kung saan naroon ang mga mamumuno ng search and rescue.

She was briefed by Alpha about the accident habang papunta sila dito. They took the chopper para naman mabilis lang silang makarating. Kung kaya niya lang na bilisan ang paglipad ay sana mas napaaga pa sila. They were flying low since maulan pa and they don't want to have an accident themselves.

"Halos apat na oras na. May pumasok na ma'am na search team. May team na din na pumasok para mag-clear ng daan para sa medical team." Tumango-tango siya.

Wala siyang ibang magagawa kundi ang maghintay as of now. Hanggang walang clear na assessment sa lugar ay hindi siya pupwedeng pumasok kasi ayaw niyang mag-alala pa din ang mga pinsan niya lalo na at delikado pa at may risk pa ng isa pang landslide.

"Ma'am Bobbie," may iniabot sa kanyang bote ng tubig si Marci. Assistant ito ng pinsan niya. She was sent here by Alpha to monitor habang sinusundo siya nito sa airport sa Maynila.

"Thank you Marci." She tried to stretch her lips to a smile.

"Ikaw din boss, uminom ka na muna." Binuksan na nito ang bote at iniungos kay Alpha. "Kanina ka pang hindi umiinom."

"Thanks." Sabi lang nito.

Napalingon siya sa monitor at sa iba pang mga aparatos na andoon nang may magsalita mula sa isa sa mga iyon.

"Sir, may nakita na kami. May dalawang nurse kaming nakasalubong. Sinusubukan nilang humanap ng tulong. They'll lead us to the accident site." Report ng isa sa mga nakadeploy.

"Can they ask kung nasaan si Dr. Dela Merced?" Si Alpha na mismo ang nagtanong, pinipigilan kasi niya dahil hindi lang naman si Andrew ang goal nilang iligtas.

"Bok, pakitanong kung nasaan si Dr. Dela Merced." Tanong naman ng isa sa mga tao sa main station.

"Hindi daw alam ng mga nurse kasi nawala daw noong nag-land slide." Huminto ang mga itong magsalita. "Andito na kami sa main site. May apat na casualties dito. Yung isa daw ay narevive nila pero kailangan ng medical attention."

"Is it safe to go in?"

"Clear na kami dito sir, pwede na pumasok ang medical team. We'll try to meet them halfway. Yung able bodied dito ang magbuhat sa na-revive nila. May mga sugatan pa din dito, yung iba minor lang. papasok pa kami para mahanap ang iba pa." Pagrereport uli ng mga ito.

"Akin na ang ibang gear, susunod na ako." Bobbie said. Hindi na niya kaya, she needs to do something right now.

"Robina, hindi pa sila sigurado." Pagpipigil sa kanya ng pinsan. "Hayaan mo muna sila."

"Kuya, alam ko naman ang gagawin ko." Nagsimula na siyang magtali ng buhok. Wala na din nagawa ang mga tao kundi iabot sa kanya ang gear na hinihingi. "I did training for this. Alam ko to."

While she was rehabilitating from her gunshot wound ay nag-aral siyang first aid at basic life support she wanted to be ready if hindi man para sa kanya ay sa pamilya niyang maaaring malagay sa panganib. Makatapos naman nung mas maayos na siya ay nag-mountain climbing naman siya to ease out of her stress and undisclosed trauma from the incident, getting shot entails a bulk of psychological trauma, ilang buwan din siyang hindi makatulog ng ayos mula noon. Kaya alam niyang kaya niya ang papsuki niya, she likewise knows when to retreat especially when the terrain becomes harder for her.

"Sasama ako sayo kung ganun." Kumuha na din ng gear ang pinsan niya. She can't help but feel a bit emotional about this. "Pasaway ka talaga Robina."

"It's not me kung hindi." She tried to laugh but no laughter came out, natatakot siya para kay Andrew ngayon.

"Sir, sigurado po ba kayo na papasok kayo? Delikado po sa loob." Tama naman nga ito pero hindi na niya mapigilan. Hindi niya kayang maghintay lang para sa wala.

San Vicente 2: Fallacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon