CHAPTER 10

2K 62 20
                                    

DAY 60

"HERE WE ARE." Sabi ni Andrew habang binubuksan nito ang pintuan ng bahay.

Bobbie is taking her time bago lumapit sa lalaki. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya sa harapan niya. Is this the house that he asked his father to buy? This tiny thing? Punishment ba ito? Hindi siya makapaniwala. Oo, hindi panget yung bahay. Modern naman ito pero hindi fit sa isang tao na mataas din naman ang estado sa buhay. Sabagay, Andrew is not one to boast pero, hindi pa din niya gets.

"This is your house?" She asked him for the third time.

"Yeah." Tumango ito bago siya nilapitan at kinuha ang maleta niya. "Bakit ang dami mong dala?"

"Madami akong kailangan." Hindi niya man lang nilingon ito. She is still in disbelief. Adrian lived a very spoiled and affluent lifestyle. Hindi mo ito makikita na may kung ano lang na gamit. He even drives a Mercedes Benz and that's just one of his many cars. "Bahay mo talaga to?"

"Oo, bahay ko talaga. Hindi magbabago ang hitsura niya kapag tinitigan mo." Tumawa ito bago binitbit ang gamit niya papasok. Dito siya titira for four days. Dito.

"It's too...uhm...alam mo naman na honest ako." She can't make coherent sentences. At least three times bigger ata ang bahay niya sa sa bahay nitong si Andrew and she considers her place small kasi siya nga lang mag-isa. "This is too shabby for a Dela Merced. Kung si Adrian ang papuntahin mo dito mamamatay yun."

"He probably will." Natawa nanaman si Andrew sa sinabi niya. He was always a good sport. Either that or mabait lang talaga ito. "He's never been here. Si Papa lang ang nakapunta dito. He went here twice before he died last year."

"Bakit ito ang pinabili mo?" She asked. "Madaming pera ang tatay mo. He must've set you up with a huge amount before he died."

"I am comfortable here, masaya naman ako. I've learned to love this kind of quiet. Sabi ko nga sayo, my father cut me off. Wala na ako makukuha kahit na namatay na siya." Oo nga pala. Pero kaya naman wala siyang mana ay dahil tumanggi siyang maging katulad ng mga ito. He had dreams na hindi nito maaabot kung hindi siya umalis. "Binigyan niya ako ng pera, he did set me up kasi nagsisi siya nang umalis ako. It was what he last did before he was gone."

"You turned out well anyway." She tapped his shoulder. "Kaya ko naman to, four days lang naman."

The inside of the house was immaculately clean. Spacious naman at may malalaking bintana. The house has three medium sized rooms pero walang aircon. There was also just one big bathroom so that means they have to share. Maayos din naman ang furnitures at mga appliances sa bahay. Thankfully, may internet din. She'd say this is more or less a 300 square meter lot, house was built probably on just half of it since may lawn si Andrew.

The house is located inside a subdivision, mas malaki ang lote ng bahay ni Andrew sa iba kaya hindi dikit ang bahay nito sa iba kumpara sa mga katabi nito na halos dikit-dikit na. May malaki din puno sa labas kaya malilom doon. It's actually a quaint place na makakapagpahinga ka pero mukhang hindi kaya ng katawan niyang magtagal dito.

"Andrew!!!" Lumabas siya sa banyo dahil talo pa ang ice water sa lamig ang tubig na lumabas sa shower. Feeling niya nagising yung kaluluwa niya dahil sa lamig na yun. "Wala kang heater?"

"Wala." Umiling ito. Nakaupo ito ngayon sa sala habang nanunuod ng balita. "I like cold showers. Tsaka wag ka ngang lumalabas ng ganyan Bobbie. You're nearly naked."

"As if naman hindi mo pa nakita. Kahit na nga tanggalin ko yung towel eh. Nakita mo naman na to." Akmang huhubarin niya ang towel nang makita niyang pumikit talaga si Andrew. Natatawa nanaman siya sa reaction nito kaya nilapitan niya ang lalaki sa sofa. She made sure that her skin touches his. "Paano ako maliligo? Ang lamig!"

San Vicente 2: Fallacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon