Chapter 15:BestShitFriend

400 64 0
                                    

CHAPTER 15

XYVAN's POV

"Okay class.Get one whole sheet of paper,may surprise quiz tayo." Sabi ng matandang hukluban.

"Hala may quiz,patay!"

"Di pa naman ako nag-aral"

"Sus madali lang yan"

"Dapat pala nag-aral ako kagabi.Ano ba yan"

"Pahinging papel"

"Patay wala akong ballpen"

Puro yan ang maririnig mo sa room namin.Tss.Ang iingay nila.Nakakasakit ng ulo.

"Okay class..Number 1!"

*After 30 mins*

Hay.Natapos na rin yung quiz na yun.Quiz pa bang matatawag yun? 100 items?! Tss.Mga tatlo lang ata ang sigurado kong sagot dun e,mali pa nga ata ang spelling.Nakakainis pabigla-bigla naman yun mag quiz -__-

Naghihimutok pa ako ng biglang may humatak saking babae.

"Uhmm.Hi.." panimula niya.

"Hello? Kilala ba kita?" pagkasabi ko niyan,biglang lumungkot ang mukha niya.Uhmm.May nasabi ba akong mali?

"Hindi..." sabi niya na parang paiyak na.

"Bakit mo ako hinila?"tanong ko sa kanya.Hmm.Idedescribe ko siya. Ok lang naman ang itsura niya.Maganda,kaso di ko type.Maamo ang mukha niya at katamtaman lang ang height niya.Osige,cute na din.Mahaba ang buhok.Maputi din siya.At lalo siyang naganda kapag ngumingiti siya.Sige na nga type ko na.

"Ano kase...ano....Prince Van!!!!! Pwede pa hug??? Pleaseeeeee" sabi niya sakin sabay nag puppy eyes.Haha sabi na nga ba,ako pa rin ang pinaka pogi sa campus na to.Walang binatbat yung gwapong? Transferee daw.Tss.

At dahil likas na gwapo ako "Osige ba" at niyakap ko siya.Sobrang damot ko naman kung ang simpleng yakap ay ipagkakait ko pa sa mga fans ko.Tutal maganda naman siya,ok lang.

"Whaaaa!! Thank you!! Para sakin mas pogi ka pa rin dun sa transferee " at tumakbo na siya papalayo.Noong medyo malayo na siya bigla ulit siyang tumakbo papalapit sakin.At nagulat ako dahil hinalikan niya ako sa pisngi at pagkatapos nun bigla ulit siyang tumakbo papaalis.Akala ko aalis na talaga siya pero nung medyo malayo na ulit siya humarap ulit siya sa pwesto ko at tumakbo nanaman papabalik.Sa takot ko na baka humantong pa sa rape ay tumakbo na ko.Ayokong ma rape noh.Alam kong pogi ako pero ayokong ma rape.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang maabot ko ang tuktok ng building.Di pa ako nakakarating dito ah.Pinagmasdan ko lang ang mga room at nilibot ko ang building.Malaki siya pero halatang hindi nalilinis dahil puro alikabok at madaming spider webs.Matagal na ko sa campus na to pero hindi ko alam na may ganto dito.Ang alam ko lahat ng building dito ay nagagamit.Naglibot-libot pa ako sandali at ng mapagod ako ay humanap ako ng maaari kong masandalan.May nakita akong isang bukas na room at ng pinasok ko ito ay malinis naman at ang ganda.Parang hindi siya room...Parang hotel! Ang ganda! Nabigla ako dahil may nakita akong kama.Oo,kama.Parang hotel room talaga to grabe.Ng pinasok ko na ng tuluyan ung room,halos mapanganga ako dahil hotel nga talaga to! Kumpleto sa gamit! Nagtataka tuloy ako bakit ngayon ko lang to nakita at bakit ito lang ang kaisa-isang room na malinis at bukas di man lang naka lock.At dahil nga sa sobrang pagod ko sa kakatakbo dahil sa takot kong ma rape ay nakatulog ako sa kama.

"XYVAAAAAAAAAAAAAAAANNNN!!!!!!!!! GISIIIIIIIIINGGGGG!!!!!!" nabalikwas ako dahil sa lakas ng sigaw ng kung sino man.Tss.Hindi ko maimulat ng ayos ang mata ko dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha ko.Ng maimulat ko na ng ayos ang mata ko nakita ko si Cloud at Sky na parang takang-taka sakin.

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon