Chapter 18: Tasty Mango and Sweet Potato

338 61 1
                                    

CHAPTER 18

“Ilang beses ko bang sasabihin na ayaw ko sa kanya?!” medyo nataas na rin ang boses ko at medyo nawawala na rin ako sa control ko.  “E Bakit nga ayaw mo sa kanya?!?! WALA NAMANG GINAGAWANG MASAMA SAYO YUNG TAO AH!!!” Kung alam mo lang Xylene..Kung alam mo lang…Una,Hindi siya tao.AHAS SIYA.Pangalawa,marami siyang ginawa sakin! Siya nga ang dahilan kung bakit nag kanda leche leche ang buhay ko! “Walang ginagawa? Huh! Fvck! Layuan mo yan!! Sasaktan ka lang niya!!” ginulo ko na ang buhok ko sa sobrang inis at awa ko sa kahahantungan niya kapag hindi pa rin siya lumayo sa hudas kong bestfriend.  “Bakit ko siya lalayuan ha??! Sabihin mo nga sakin XYVAN FREGIC ASTRANIERE,nagseselos ka ba kay gab??!!” napangiwi ako dahil sa pagtawag niya sakin sa buong pangalan ko.At anong sabi niya?? Ako? Nagseselos kay Gab? Yung talampakan na yun pagseselosan ko?

“Ako nagseselos?? Seryoso ka ba? Bigyan mo nga ako ng kahit isang dahilan bakit ako magseselos,at sa kanya pa??” panghahamon ko sa kanya.Ang lakas naman ng loob niya para sabihin na nagseselos ako,ayoko lang naman na masaktan siya sa huli dahil mahal ko siya…bilang bestfriend.  “Oo kaya nagseselos ka!! Nagseselos ka dahil lagi ko siyang kausap!! Nagseselos ka dahil sa halip na ikaw ang kasama ko tuwing lunch ay siya ang kasama ko.Nagseselos ka dahil mas pinagtutuunan ko siya ng oras ko!! At sa huli,NAGSESELOS KA DAHIL CRUSH NAMIN ANG ISA’T-ISA.” Bigla naman akong  napatingin sa kanya ng sabihin niya yung huling dahilan kung bakit ako nagseselos.Akala niya ba nagseselos ako dahil sa lagi niyang kausap si Gab,lagi niyang kasama si Gab,lagi niyang pinag tutuunan ng oras niya si Gab,special si Gab at dahil crush niya si Gab?? PALAKPAKAN! HINDI NA SIYA MANHID!!

“Pano kung aminin ko sayo na nagseselos nga ako? Anong gagawin mo ha?” nakasimangot at hindi makatinging tanong ko sa kanya.

“So,inaamin mo na nagseselos ka talaga kay Gab?” naniningkit niyang tanong sakin.Para bang bawat salita na binibitawan niya ay may diin sa bawat bigkas niya.Nangingilabot ako,di ko alam ang isasagot ko sa kanya.  “Nagseselos? Hindi ako nagseselos.” Gusto kong purihin ang sarili ko.Hindi ko akalaing magagawa ko pa yung masabi dahil namamawis na ako ng sobrang lamig.  “Hindi ka pa nagseselos sa lagay na yun?? Hmmm?” Inilapit niya ng inilapit ang mukha niya sakin hanggang sa siguro 3 inches na lang ang pagitan namin.Lalo akong hindi makagalaw.Sa mga napapanood ko sa TV lalaki ang gumagawa nitong paglapit-lapit na ganto e.Tss.Baliktad na ang mundo.Hindi mo masasabi kung ano ang mangyayari.Hindi ko nga akalain na mainlove ako dito sa babaeng to e.Tss.Dapat siya ang naiinlove sakin e,Baliktad talaga ang mundo.

Lalo pa siyang lumapit ng lumapit ng lumapit at lumapit ng sobrang lapit… sabay sabi ng “Naligo ka ba? Ang baho mo bestfriend.Amoy pritong daga! Ewww” sa sinabi niyang iyon,automatic na akong napalayo sa kanya at inamoy ang sarili ko.Habang siya halos mamatay na yata sa kakatawa.Pagka amoy ko sa sarili ko mabango naman ako ah! Tiningnan ko siya ng masama habang siya biglang nagtago sa may pader.Pagkakataon ko naman ito ngayon.Ako naman ngayon ang lumapit ng lumapit ng lumapit ng lumapit at hinabol siya.Aba tumakbo pa siya! Most people run because deep down,they want to be chased.Haha. Sus,gusto lang nito magpahabol.At hinabol ko na nga siya hanggang sa ma corner ko na siya.Inilapit ko ng sobra ang aking mukha sa kanya,hanggang sa magdikit na ang mga ilong namin.Pumikit siya…kaya naman halos gusto ko ng maglupage sa sahig at mautas ng kakatawa pero pinigilan ko muna ang sarili ko.Hinawakan ko ng kanang kamay ko ang pisngi niya at hinawakan ko naman ng kaliwang kamay ko ang bewang niya.Bigla siyang dumilat at nanlaki ang mga mata.Hahahaha.Nakakatawa talaga ang mukha niya ngayon.Inilapit ko pa siya sakin sa pamamagitan ng paghila sa kaniya sa bewang.Mukha yatang napalakas ang paghila ko kaya napa subsob siya sa dibdib ko.Hinigpitan ko pa lalo ang hawak sa kanya.Dahan-dahan ko muling inilapit ang mukha ko sa kanya.Nakatitig lang ako sa mga magagandang pares ng mata niya na parang nagsasabi saking mahal niya din ako.Lahat ng nasa isip ko ng mga oras na yun ay naglaho pati na ang plano kong kunwaring hahalikan ko siya  at asarin siya pagkatapos.Parang biglang bumagal ang oras.Muli siyang pumikit at muli kong inilagay ang aking kamay sa kanyang pisngi.Wala akong nagawa kung hindi pumikit na rin at dahan-dahan kong nilakbay ang pagitang naghihiwalay saaming dalawa.At naramdaman kong dumampi…..

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon