Chapter 23:Good Boy? NO?

306 63 1
                                    

CHAPTER 23

"Ha? Ano?" Sa halip na maintindihan ko ay lalo yata akong naguluhan sa mga nangyayari.

"Ano ka ba naman!" panghihimutok niya saakin.Nanawa na yata sa kaka explain sakin kase kanina pa siyang nag eexplain kaso sa kasamaang palad ay wala akong maintindihan kahit isa.Ang gwapo ko talaga.

"Bakit mo aayusin ang buhay ko?" tanong ko sa kanya.Bakit nga ba niya aayusin? Sira ba ang buhay ko at kailangan niyang ayusin? O ako ang sira? Sira ulo? Sira ulo ako oo,pero gwapo ako.

"Aba malay ko! Bakit ako ang tatanungin mo? Tanungin mo kaya ang sarili mo! Hmmp." Hindi ko din naman alam kung bakit niya pa kailangang ayusin ang buhay ko.

"Hindi ko din alam.Maayos naman ang buhay ko ah?" kampante kong sabi sa kanya.Tunay naman diba? Maayos ang buhay ko.OK FINE! Dati! Tss.

"Arrgh! Oo na! Magulo ang buhay ko! Wala na ngang kwenta ang buhay ko e! Isang araw bigla na lang nagkagulo-gulo ang lahat! Tss.Pero hindi ko kailangan ng tulong mo,magagawa ko 'to ng mag-isa.Hindi ko kailangan ng tulong mo,hindi ko kailangan ng tulong ninuman." Pagkasabing-pagkasabi ko nung mga huli salita biglang napansin ko yung kwintas na suot niya.May parang...parang...

"Anong nangyayari sa hourglass?" bigla kong tanong sa kanya sabay turo doon sa kwintas na agad naman niyang ikinagulat.

"Hala! Tingnan mo ang ginawa mo! I hate you!" Ano namang ginawa ko sa kanya? Anong kinalaman ko sa biglang nangyari sa hourglass na nakasabit sa kwintas? Malinis ang konsyensya ko.

"Anong malinis ang konsensya ka dyan?! Hindi ka ba nakikinig kay Juriel kanina?! Kapag naging black ang kulay nung dilaw na buhangin sa loob ng hourglass at unti-unting nag fade isa lang ang ibig sabihin nun!!!"

"Ano?" walang kamalay-malay kong tanong sa kanya.

Napa facepalm muna siya bago niya sagutin ang tanong ko. "Hindi ko ginagawa ng maayos ang misyon ko!! At ikaw! Ikaw nga ang misyon ko!! Alam mo naman siguro ang mangyayari kapag hindi ko nagawa ang misyon ko diba?"

"Hmm.Hindi e" sagot ko sa kanya habang kinakamot ang batok ko.

"Lahat na yata hindi mo alam e! Ano ka ba naman! Kapag hindi ko nagawa ang nakaatas saaking misyon ay maglalaho n ako ng tuluyan."

"Maglalaho? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko ulit sa kanya.Kailangan talaga nating magtanong para malaman natin ang mga bagay-bagay na dapat nating malaman.

"Maglalaho.Parang ano...Hmm.Parang hindi ako na ako nag eexist.Wala ng makakakita saakin,kahit sino.Maging ikaw." Pagpapaliwanag niya.Bigla namang lumungkot ang mukha niya at eto nanaman ako nagi'guilty.

"SORRY NA,hindi ko naman intesyon na pabagalin ang paggawa mo ng misyon mo.SORRY dahil sakin may posibilidad kang maglaho.Huwag kang mag-alala,hindi ko hahayaan na maglaho ka,hindi ko hahayaang pumalpak ka sa misyon mong ito,hindi ko hahayaang mahirapan ka pa dahil sakin.Tutulungan kita,pangako yan" umilaw yung kwintas.Tumingin siya saakin,tiningnan ko din siya.Hindi maitatago ng mata niya ang saya dahil ako mismo ang saksi sa saya na nakikita sa mata niya ngayon.Sana lang yung saya na yun ay dahil sakin at hindi lang dahil umilaw yung kwintas.

"Yey! Look!" sabay pakita niya saakin nung kwintas. "Umilaw siya! Magbait ka ha! Para magawa ko yung misyon ko." Sabi niya saakin at kinurot niya ang pisngi ko.Naramdaman ko nanaman yung pamilyar na pakiramdam,malakas na hangin na halos magpatindig ng balahibo ko.Medyo nasanay na din naman ako pero tuwing nagkakaroon kami ng body contact hindi ko pa rin maiwasang magulat.

"Tss.Tapos?" sabi ko sa kanya.Hawak-hawak ko yung pisngi kong kinurit niya,ang sakit-sakit kaya! Tss.

"Hmmp! Hindi ka ba masaya na umilaw yung kwintas? " tanong niya sakin ng napakaseryoso ng mukha.

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon