Chapter 14:Transferee

406 71 0
                                    

CHAPTER 14

XYVAN's POV

"Kuya Xyvan! Kuya Xyvan! Making ka! Layuan mo si Xylene kung ayaw mong masaktan kayo parehas sa huli.Tandaan mo,layuan mo na siya! Maghintay ka lamang at sa tamang panahon makakamit mo-"

Butanding! Grabe! Napanaginipan ko si...JURIEL?!?! Ano daw? At ano yung sinasabi niya? Layuan ko si Xylene? Bakit naman? Ano bang mangyayari? Ahhh >__< tiningnan ko ang orasan at saktong alas dos pa lang ng umaga! Tss.Tutulog muna ako.Ayoko namang matulog sa room mamaya.Baka magalit nanaman yung matandang hukluban na yun.Tss.

ZzZzZzZzZzZzZz...

ZzZzZzZzZzZzZz...

ZzZzZzZzZzZzZz...

ZzZzZzZzZzZzZz...

"Layuan mo siya.Masasaktan ka lang sa huli.Masasaktan ka.Masasaktan ka.Masasaktan ka"

Oh! Napabalikwas ako sa kama ng wala sa oras.Letse,ano bang klaseng panaginip yun.Babangaon na sana ako sa kama para maligo na at makapasok na ng maaga tutal ayaw ko ng matulog! Hiyang-hiya naman ako sa mga napapanaginipan ko.Ng mapatingin ako sa orasan ko malapit sa may kama...at nilapitan ko pa ang orasan para masigurado ko kung tama ba ang nakikita ko....saktong alas dos ng umaga ang oras ngayon! Ang natatandaan ko nung nanaginip ko at nagising ako ay saktong alas dos..tapos ngayon? Alas dos ulit? Tiningnan ko kung gumagana ang battery nung orasan at nagana naman.Natatandaan ko nung nagising ako ng alas dos ay hindi ako kaagad nakatulog,mga 2:30 ay gising pa ako kaya imposible...imposible talaga tong nangyayari ngayon.At dahil nga agang-aga ay nakakastress.Tumulog ulit ako at talagang di ko na kinaya ang sakit ng ulo ko dahil sa orasan na yun.

"Dadating siya....Dadating na ang matagal mo ng hinihintay...Ngunit masasaktan ka... masasaktan ka sa pagdating niya.."

Nagising ulit ako sa pagkakatulog ko.Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.Pinagpawisan ako ng sobrang lamig.Hindi ako makagalaw.Nahagip ng paningin ko ulit ang orasan at halos itaob ko na ang kama sa nakita ko..Saktong alas dos nanaman ng umaga.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Hindi ko alam ang nangyayari saakin.

Kinuha ko bigla ang cellphone ko at denial ang number ni Cloud pero di naman niya sinasagot ganun din sina Sky,Kris,Ashton,Mike at Kyle.Kamatis naman oh! Kung kalian ko kailangan sila kelan naman ayaw sagutin! Nakakainis.Sa sobrang takot ko ayaw na gumana ng utak ko.Ni hindi na ako maka ibo sa kama.Ayaw ko tingnan yung orasan.Grabe.Nakakabakla mang sabihin pero,OO! Natatakot ako! Ilang beses ako nanaginip at pagka gising ko lagi ay alas dos ang oras.Sakto pa mismo! Ano ba tong nangyayari sakin?! Parusa ba to sa pagiging badboy ko? Sa panloloko ko sa mga babae? Sa pagsakit sa mga damdamin nila? Bakit parang sobra naman ata to.Halos mahimatay na ako dito.Wala akong maisip na maaari kong tawagan.Tapos biglang naalala ko si Xylene.Oo tama siya nga.Tatawagan ko siya.Akmang tatawagan ko na siya ng marinig ko yung boses sa panaginip ko na nagsasabing "Layuan mo siya.Masasaktan ka lang sa huli.Masasaktan ka.Masasaktan ka.Masasaktan ka"

Agad akong nanigas ng marinig ko yun.Kahit naman na angel si Juriel matatakot pa rin ako sa kanya.At ano ba yung sinasabi niya sa panaginip ko? Masasaktan daw ako? At bakit naman? Nasagot ang lahat ng katanungan ko ng biglang may lumabas na puting usok at kasabay ng pagkawala ng usok ay ang paglitaw naman ni Juriel kung saan man.

"J-j-juriie-"

"Oo,tama ka.Ako nga ito"

"Ano yung sinasabi m-"

"Bago ang lahat,gusto kong sabihin sayo na sa mga desisyon mo nakabatay ang storya ng buhay mo.Isang maling desisyon mo ay makakaapekto dito at higit sa lahat hinding-hindi mo maibabalik ang pagkakataon na nasayang mo.Kaya ang desisyon mo ay pag-isipan mo baka sa huli ang desisyon mo ang mismong makasakit sayo"

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon