Untitled Part 31

181 3 1
                                    

"Hahaha nakakaramdam ako na may nagseselos ma bata!" Wow. Wow talaga. Nakakaramdam pala siya? akala ko manhid din sya. Psh. Ako nagseselos? Talaga lang ha? HAHAHA. Asa, hindi nagseselos ang mga katulad ko. Marami pa namang iba, bakit ako magseselos? At kanino naman ako dapat magselos? Dun sa waiter? Psh hahaha sobrang halata naman na mas gwapo ako dun. Wala sa diksyunaryo ko ang salitang selos.

"E bakit ang defensive mo Fregic? Hahaha." Luminga-linga ako. Si Claire ba yun? kinakausap niya ba ako?
"Oo! Hay nako porket may Nicole ka na kinalimutan mo na ako hmmp. Nakakatampo ka naman." Si Claire nga! Hindi ako nagkakamali. Si Claire yung kumakausap saakin. Pero nasaan siya? Hindi ko siya makita. Luminga-linga lang ako baka sakali na madaanan ko ng tingin ang isang nagtatampong anghel.
Wala akong makita, baka naman nag-iba siya ng anyo? Baka naman sumanib siya sa katawan ng ibang tao? o baka naman naging halaman, table, baso, kutsara, tinidor, plato, pader o kung ano mang bagay? Ilang minuto akong nagmasid sa paligid ngunit wala akong makitang kakaiba.
"Hoy Van!" Anong nangyayari sa'yo?" Nababaliw ka na ba? Kanina ka pang linga ng linga d'yan. Sino ba namang hinahanap mo?"
Hindi ko pa rin talaga makita si Claire. Nasaan kaya siya ngayon? Nandito kaya siya?
"Van! Yuhoooo?"
Dapat nakikita ko siya.Kung nakakausap niya ako gamit ang isip, ibig sabihin nakikita niya ako. Nakikita pa rin ba niya ako ngayon? Bakit hindi ko na siya maparinig? Bakit hindi na siya nagsasalita? Bakit hindi na niya ako kinakausap?
"Hoy!!!!"
"Ha?"
"Anong ha ka d'yan? kanina pa kaya kitang kinakausap hindi ka naman nasagot kahit isang salita man lang tapos parang may hinahanap ka, sino bang hinahanap mo?"
Ano bang dapat kong isagot sa kanya? Dapat ko bang sabihin na hinahanap ko ang girlfriend ko dati na inahas ng besfriend ko sakin at namatay siya dahil nabangga siya ng isang sasakyan at bumalik siya para sa isang misyon. Dapat ko bang sabihin yun?

"Ha? Wala. Wala ah. Haha. " tipid kong sagot sa kanya.
"Sus wala daw? Anong wala e kanina ka pang parang may hinahanap d'yan!" sabi niya sabay kunot ng kilay niya. Tumingin siya sa gilid at likod niya, maya-maya ay nilibot niya ng tingin ang buong lugar. Patagal ng patagal , pahirap ng pahirap din maipinta ang mukha niya. Ibinalik niya ang kaniyang tingin saakin.
"Wala naman akong makita , sino ba naman kase ang hinahanap mo?"
"Wala nga, ang kulit mo. Ubusin mo na nga yag kinakain mo kung hindi iiwan na kita at ikaw na ang magbabayad niyang lahat ng inorder mo, bahala ka. " agad naman siyang tumahimik at inubos na ang kanyang mga kinakain . Bilib din ako sa babaeng ito , hindi ko akalain na mauubos niya talaga lahat, as in lahat ng inorder niya. Inaakala ko pa naman na mabubusog na siya kaagad tapos pagsisisihan niya ang pag order niya ng madami tapos mag sosorry siya sakin tapos ibibigay na niya lahat ng pagkain sakin

Hindi naman tumagal at naubos na din naman niya kaagad yung mga pagkain. Luapit nanaman yung waiter kanina. Inabot niya ang resibo saakin at hindi ko ito kinukuha sa kamay niya. Nakahalata yata si Nicole na wala akong balak na kuhanin yung resibo kaya siya na ang umabot nito. Nagngitian pa nga sila. Pshh.
"Oh? Magkano? Bayaran mo na." sabi ko kay Nicole na ikinakunot naman ng noo niya
"Sabi mo libre mo 'to? Niloloko mo ba ako? omg wag kang magloko ng ganyan wala akong dalang pera!"
"Ikaw ang kumuha ng resibo , ibig sabihin ikaw ang magbabayad. Hindi mo ba yun alam? Kung sino ang nakuha ng resibo siya ang magbabayad." Diretso kong sabi sa kanya na lalo namang ikinakunot ng noo niya. Tinitigan niya ako ng seryoso kaya naman ginawa ko ang lahat ng kaya ko upang maging seryoso ang mukha ko at hindi tumawa. Ang hirap pala talagang magpigil ng tawa, sobrang natatawa ako sa ekspresyon ng mukha niya.
"Seryoso ka talaga?" Parang naiiyak na siya, pakiramdam ko tuloy ang sama kong tao.
"Unang-una , oo masama ka talaga. Ngayon mo lang nalaman? Pangalawa, tao ka pala? Hindi ka masamang TAO, masama ka lang!" rinig kong sabi ni Claire. Lumingon ako sa may bandang kanan ko at parang pamilyar ang mukha nung waitress. Mga ilang segundo kong pinag-isipan kung sino ang kamukha niya.
Muntik na akong mahulog sa upuan ko ng magregister sa utak ko kung sino ang kamukha niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon