Chapter 8 : Where is the notebook?

484 82 0
                                    

CHAPTER 8

Lunch na at tuluyan na akong nawala sa mood.Pati ba naman kase pag idlip ko sa klase kung ano-ano ang napapanaginipan ko.

Naglalakad kaming magkakaibigan ng mapansin kong may kulang.

"Hoy.Parang may kulang?" puna ko.

"Ha? Wala ah? Sino naman ang kulang?" sabi ni Mike.

"Oo nga parang kulang tayo ah." Sabi ni Ashton.

"Sino namang nawawala?" nagtatakang tanong ni Sky.

"Aba.Ewan ko." Sabi ni Cloud.

"Teka...Si Kyle!!!!" sabay-sabay nilang sigaw saakin matapos ang isang minutong pagtulala.Mga slow talaga mga to.Tss.

"Tss.Ewan ko sa inyo.Di ko kayo kilala ang ingay ninyo!!" pang aasar ko sa kanila sabay lakad sa naka RESERVED seat saming tropa.Iba na talaga pag gwapo.Tsk.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng dumating si Kyle.

"Oh? San ka naman nagsusuot at bigla ka ng nawala?" sabi ko sa kanya habang nginunguya ang pagkain ko.

"Ah.Wala.Dyan lang sa tabi-tabi.Haha." Tipid na sagot naman niya saakin.

Tutal nandito na rin naman siya Bakit kaya di ko na itanong ung dapat kong itanong sa kanilang dalawa ni Cloud.Sila na lang ung di ko pa natatanong e.

Nginuya ko muna lahat ng nasa bibig ko at saka bumuwelo sa pagtatanong sa kanila.

"Ahhh.Kyle! May tatanong ako pare" sabi ko pagkatapos uminom ng tubig.

"Ano un?" sagot niya habang isinusubo ang ulam niya.

"Seryosong tanong to ah.Di ako nagbibiro.Sagutin mo ito ng maayos kung ayaw mon-" pagbabanta ko sa kaniya na kung sakaling magloloko siya sa pagsagot sa tanong pero hindi niya ako pinatapos magsalita.Bastos.

"Oo alam ko ang kaya mo.Hindi ako magloloko tulad ng iniisip mo.Tsk" sabi niya.

"Oh sige itatanong ko na.Ano ang unang napasok sa isip mo pag sinabing angel?" seryosong tanong ko sa kaniya.

"Maganda o kaya gwapo! " tiningnan ko ang mukha niya para makitang nagjojoke lang siya pero seryoso siya sa sagot niya.Tss.Sige na nga.Rerespituhin ko yung sagot niya kahit hindi naman karespe-respeto.

Pagkatapos ko tanungin si Kyle bumaling naman ako sa nakaub-ob na si Cloud.Umaasa ako na siya ang may pinakamagandang sagot.Siya ang pinakamatalino saamin puro libro kasi ang hawak niya.

Pinindot-pindot ko ang pisngi niya hanggang sa magising siya.

"Oi may tatanong ako importante."Bungad ko sa kanya,pagkadilat na pagkadilat pa lang niya ng mata niya.Haha.

"Ge." Napakahabang sagot niya sa akin.

"A-a-ano ang.....Ala wala pala.Tulog ka na ulit." Ayoko itanong sa kanya di ko alam kung bakit.

"Ano nga yun? Ganan na pala ngayon? May lihiman na?" pangongonsensya niya saakin.

"Ano ang....Ano ang......Ano ang..... pinakamahal na gamit mo?" Pagsisinungaling ko sa tunay na tanong ko.

"Xy,wag mo nga akong niloloko.Alam kong hindi yan ang tunay mong itatanong saakin.Itanong mo na kase marami pa akong gagawin.May quiz pa kaya tayo sa math baka nakakalimutan mo" sabi niya saakin kaya napilitan akong itanong ang tunay kong tanong.

"Ano ang pumapasok sa isip mo kapag sinasabing angel?" medyo kinakabahan ako sa isasagot ni Cloud.

"Angel? Sa pagkakatanda ko ang mga pangalan daw ng mga angel ay kadalasang nagtatapos sa "-iel" tulad ng GabrIEL,UrIEL,MinIEL,ShamsIEL,SeraphIEL." Tuloy-tuloy niyang sabi saakin.

Sa wakas,Natanong ko na silang lahat...

Lahat ng alam nila sa mga angel ay inilista ko sa isang notebook....

Teka?! Nasaan yung notebook na yun?!

Kanina hawak ko lang yun ah.Bakit nawala yun e ingat na ingat ko naman?!

KUNG ANO PA NGA YUNG INIINGATAN MO NG LUBOS YUN PA ANG NAWAWALA.Malas.

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon