Chapter 9 : Bestfriend

468 82 1
                                    

CHAPTER 9

Ngayon ay nililibot ko ang buong campus,nagbabakasakali na maibalik ang talagang akin.

Sana naman walang mangahas na buksan at basahin ang laman ng notebook na yun.Makakapatay ako.

Pumunta ako sa room na nilabasan ko bago ako pumuntang canteen para mag lunch,baka sakaling naiwan ko lang sa upuan pero wala.

Pinuntahan ko na ang lahat ng lugar na pede ko puntahan para lang Makita yung notebook nay un pero wala talaga.Nakakainis naman.

"Ahhm.Mukhang ito ang hinahanap mo?" may isang magandang tinig galling likod ang bigla na lang nagsalita sa kalagitnaan ng pagkainis ko.

Inis kong hinarap ang nasa likod ko....

Teka....??

"Xyvan,naiwan mo yan kanina sa room kaya tinago ko muna.Kanina pa kita hinahanap pero hindi kita mahanap kaya hindi ko kaagad naibalik sayo.Sorry" pagpapaliwanag niya.

"....." wala akong masabi.Ang ganda niya kase.

"Hey? HEY! Wala ka ata sa sarili?" Shooot.Kakahiya to.

"Ha? Pasesnsya na.Haha.S-salamat nga pala :)" nauutal ko pang sagot sa kaniya.

"Ok lang :) sige una na ako ha? Kitakits na lang mamaya" sabi niya saakin habang nakangiti.

Tumalikod na siya at nagsimulang lumakad paalis.

Tatawagin ko sana siya kaso nakalimutan ko yung pangalan niya kaya sinutsutan ko na lang siya at sa kagandahang palad tumingin siya saakin.

"Ye?" cool niyang sabi.

"Ahmm.Ano nga ulit pangalan mo miss seatmate?" tanong ko sa kanya ng nakangiti.

"Ano ba naman yan nakalimutan mo na agad ako? Ang dali mo naman ako kalimutan" nagtatampo niyang sabi saakin habang naka pout.Aww.Ang cute-cute niya talaga.

"Haha di naman.Sabihin mo ulit yung pangalan mo promise di ko na yan makakalimutan"promise ko sa kanya.

"Promise promise ka pa di mo naman tutupadin.Tapos ano? Masasaktan nanaman ako? Ganan naman kayo e.Promise ng promise hindi naman tutupadin kaya lagging may masasaktan.Hmmp" naka pout pa rin niya sabi sa akin habang naka pamewang.

"Bakit? May nag promise ba sayo na hindi tinupad?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ano ba ang dapat kong isagot sayo? Ahmmm.Oo?" naiilang niyang sagot saakin.

"Sino naman yun? Anong promise ang hindi niya tinupad?" curious kong tanong.

"Yung bestfriend ko.Sabi niya kase walang iwanan.Pero ngayon? Wala na siya.Iniwan niya ako.Naniwala pa naman ako sa kanya na walang iwanan tapos siya pala yung mang iiwan.Naniwala ako sa kanya.At yun ang pinakamalaking kasalanan ko...na naniwala ako sa kanya." Naiiyak niyang sabi saakin.

"Wag kang mag alala.Hindi naman pare-pareho ang tao sa mundo.Oo may darating sa buhay mo na sasaktan ka lang ngunit mag intay ka lang at may sasalo sayo at pupunan ang pagkukulang nila.Oo sinaktan ka nila.Pero balang araw ay matatagpuan mo rin ang taong ituturing kang prinsesa.Wag kang matakot na magtiwala.Buksan mo ulit ang puso mo.Malay mo yung totoong magmamahal sayo nasa harap mo lang kausap mo pa" biglang lumabas ang mga katagang iyan sa bibig ko.Di ko alam kung saan yang lupalop nakuha.

"HAHAHA! Nakakatawa ka talaga!" sabay kurot niya sa pisngi ko.

"Pano ko masisigurado na di mo sisirain ang promise mo tulad nila?" tugtong pa niya

"Kase hindi ako tulad nila." Simple kong sagot at napatawa naman siya.Dinugtungan ko pa ang sagot ko sa kaniya.

"Kase ang promise ko nagmumula dito..." kinuha ko ang kamay niya at itinapat sa puso ko.

"Hmm.Di ko pa sure kung iba ka sa kanila.Pero may tiwala naman ako sayo.Ge Bye Bestfriend kitakits mamaya" sabi niya saakin.

 Tinawag niya akong Bestfriend?? Bestfriend niya ako?? Pinagkatiwalaan niya ako?? May tiwala siya na di ko sisirain ang promise?? Hindi siya magkakamali.Iingatan ko siya.Hindi ko siya sasaktan,Hindi tulad ng pinadanas sa kanya ng iba..Papahalagahan ko siya.Siya ay hindi tipo ng taong sinasaktan saktan lamang.Sana lang di ako mainlove sa kanya tulad ng mga napapanood sa TV at nababasa kung saan-saan.Sana WAG.

Pero isa lang ang  gusto kong gawin....Gusto kong punan ko ang pagkukulang ng iba sa kanya..

Kase alam ko ang pakiramdam ng maiwan at masaktan ng taong pinagkakatiwalaan mo ng higit pa sa sarili mo.

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon