Chapter 11 : My Angel

438 73 0
                                    

CHAPTER 11

JURIEL's POV

Alam kong nagtataka kayo kung ano ang papel ko sa storya na to.Hindi po ako yung tinutukoy na "long lost angel" ha.

Ako ay isang guardian angel lang :) Guardian Angel na nag-iingat at nag mamahal sa kanyang alaga.Matagal ko ng alaga  si Fregic.Oopps.I mean si Xyvan.Alam ko ang lahat sa kanya.Alam ko kung ano ang mga DAHILAN NIYA SA BUHAY.Tuwing nasasaktan siya,alam ko lagi yun .At sa tagal ko na rin siyang binabantayan masasabi kong nakakaawa na siya sapagkat  madali siyang magtiwala at magmahal ng tao kaya sa huli lagi siyang nasasaktan.Pero kahit na lagi siyang nasasaktan hindi siya naiyak.Pinipilit pa rin niyang ipakita sa tao na malakas siyang tao,na hindi siya nasasaktan kahit sa loob-loob ay halos mapunit na ang kanyang puso sa sobrang pagwasak dito ng mga taong pinagkakatiwalaan niya.

Motto niya ang "Boys don't cry" pero simula noong araw na yun.... Hindi na niya ginagamit ang motto niya.

Oo.Hindi halata kay Xyvan na nasasaktan siya.Pero tao lang siya...Nagmamahal,nagtitiwala at nasasaktan.

XYVAN's POV

Hanggang ngayon isa pa ring malaking palaisipan saakin ang mga binitiwang salita ni juriel.Hawak daw niya ang happy ending ng storya ko? Ibig sabihin alam na niya ang kakahantungan ng storya ko? Itanong ko kaya sa kanya?

Magiging masaya kaya ang ending? o  Tragic? Ano kayang mangyayari sakin? Nakaka curious naman.

Katatapos lang namin kumain ng lunch at nag paiwan muna ako sa garden.Ewan ko,parang may nagbubulong sakin na pumunta ako dito.Weird pagka upong pagkaupo ko nagtaasan agad ang mga balahibo ko sa katawan at biglang lumakas ang kabog ng aking puso sa di malamang dahilan at may bigla akong narinig na tinig galing sa aking likuran...Dahan dahan ko itong nilingon at laking gulat ko ng makita ko si Juriel na nakatayo na sa harapan ko habang puting-puti ang suot na abot sa kanyang tenga ang kanyang ngiti.

Nagwika siya "Alam kong ikaw ang tipo ng taong hindi kayang kamuhian ang taong nakasakit sa iyo, sa halip mas lalo mo pa siya minamahal at pinagkakatiwalaan ngunit kanyang sinisira lamang ang iyong tiwala na pinagkaloob mo at winawasak ang puso mong pinagkatiwala sa kanya.At yan.....yan ang dahilan kung bakit ka nagbago...Naisip mo na oras mo na para maghiganti...na pagbayarin sila sa mga ginawa nila sayong pananakit.Mas nanaig ang poot sa iyong puso.Nandito ako ngayon para ika'y paalalahan kaibigan.Magbabalik ang taong minahal mo na lubhang nakasakit saiyo,magbabalik siya.Ngunit hindi ko matiyak kung katulad pa rin ng dati ang nararamdaman mo sa kanya.Hindi ko matiyak kung kasabay ng pagbabago mo ay ang pag iiba na rin ng nararamdaman at ng puso mo.Basta't magbabalik siya...... dahil ito ang nakatakda...at hinding-hindi mababago ninuman ang itinakda...Magiging masaya ang masaya at masasaktan ang dapat masaktan kung kinakailangan.At hinding hindi ito mapipigilan." kasabay ng huli niyang mga salita ay bigla-bigla na siyang naglaho at ang tanging naroroon ay ang puting usok.Kinabahan ako sa huli niyang sinabi..yung masasaktan ang masasaktan kung kinakailangan at hinding-hindi ito mapipigilan.

Ano kaya ang nakatakda? Sino daw yung minahal ko na lubhang nakasakit saakin?

Sino ang magbabalik? Sino? Wala akong maisip.

Bigla na lamang may bumagsak na kung anong bagay ngunit hindi naman ito kalakasan.

At kasabay ng pagbagsak ng bagay na ito ay bigla akong pinawisan ng malamig..

Biglang tumahimik ang kapaligiran na kani-kanina lamang ay puno ng sigawan at usapan ng mga tao.

Kinalibutan ako...Hindi ako makagalaw...Naninigas ang katawan ko.....Nahihilo ako...Ramdam kong may tao sa likod ko....Ngunit hindi ako makatalikod.....Ramdam kong papalapit na siya ng papalapit....Pinipilit kong tumalikod para Makita ang tao sa aking likuran....Nagdidilim na ang aking paningin...mula sa likuran ay may yumakap saakin at binanggit ang aking pangalan....ANG PANGALAN KONG TANGING SIYA LANG ANG NATAWAG....

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon