Chapter 28: Meet Up

171 11 3
                                    

Maliligo na nga lang ako.Pero medyo maaga pa naman.Pero sige na nga.Tss
Nag-alis na ako ng damit ko at pumasok na sa banyo at syempre naligo na ako.Binilisan ko lang ang pagligo ko dahil medyo malamig.Mga 10 mins.lang akong naligo at lumabas na din ako sa banyo.
"Argh! Ano ang isusuot ko dito?!" Bigla ko na lang ginulo ang buhok ko sabay titig sa mga damit na nasa harapan ko.May kulay grey,red,white,at black na suit na nakahanger sa may kabinet.Kinuha ko yung grey at isinukat iyon.Kampanteng-kampante na ako sa suot ko dahil bumagay naman ito saakin ng bigla kong maalala na bakit nga pala suit ang isusuot ko? Parang masyado namang pormal.

Hinubad ko na ulit yung grey na suit at nagsimula na ulit titigan ang mga damit na naka hanger sa cabinet ko.
"Mag polo na lang kaya ako?" Oo para akong nasisiraan ng ulo dito kasi kinakausap ko ang sarili ko.Tss.
"Plain shirt na lang siguro?" Kinuha ko yung plain shirt at itinapat sa katawan ko.Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang hawak-hawak yung plain shirt na nakatapat sa katawan ko.
Bakit ganun? Parang walang bumagay saakin.
Nakakita ako ng yellow na shirt at napangiti ako.Hindi ko alam bakit gusto ko ang color yellow.Kakaunti man ang taong nagagandahan sa yellow wala akong pakialam sa kanila.Ang manly kaya ng kulay dilaw.DIBA?! Sumang-ayon na lang kayo.Wala naman kayong magagawa kasi nakikibasa lang kayo sa kwento ng buhay ko -.-
Wala ng pagdadalwang-isip pa sa dilaw na plain shirt,agad ko na iyong hinablot at isinuot.Ang gwapo ko talaga.Pero...hindi kaya parang bakla ang itsura ko dito? Aww ang ganda pa naman nitong damit na'to.Tss.
Hinubad ko yung damit at nagsimula nanamang titigan ang mga damit na nakakalat.Masisiraan na yata ako ng ulo.Kelan kaya ako makakapili ng damit na susuotin ko? Sa inihaba haba ng oras ng pakikipagtitigan ko sa mga damit ko ay wala din akong napala.Ganun naman lagi,ibinigay ko ng lahat pero sa huli ako rin ang walang mapapal-- Ugh.San ko ba 'to nakukuha.Saang lupalop ko nanaman nahuhugot ang mga salitang sinasabi ko? Tsk.
Dahil nga wala akong mapili sa mga damit ko ay dali-dali kong sinuot ang damit ko kanina at sumakay sa kotse.Pinaharurot ko ang kotse papuntang mall.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa mall ay ramdam ko agad ang tingin ng mga tao sakin.Wala ako maisip ni isang dahilan kung bakit ganun sila makatitig sakin.Nagbubulungan sila sabay tawa.Tiningnan ko ang damit ko,ok lang naman,ang pantalon k-- wtf?! Sino nga ba naman daw ang pupunta sa mall ng naka boxers?! Sa sobrang pagmamadali ko pala hindi ko na naisuot ang pantalon ko! NAKAKAHIYA.
Sa sobrang pagkagulat ko at pagkapahiya ko ay dali-dali akong pumasok sa unang store na nakita ko.Buti na lang walang tao sa store na pinasukan ko,sakto.
Wala ako sa sariling kumuha ng kahit anong damit at pantalon na mahablot ko at dumiretso sa fitting room.
Aaktong hahawiin ko na kurtina ng biglang may sumigaw.
"Xy?! Ikaw ba yan? Huy?" Agad akong napalingon at tama nga ang hinala ko.
"Oi Xy! Ikaw nga!! Hahahaha!" Sabi ni Xylene.Agad naman siyang tumakbo papalapit sakin at hinatak ako sa loob ng fitting room.
"Uyyy! Long time no seeeeee" sabi niya sabay gulo ng buhok ko.
"Ano ka ba?! Baka kung anong isipin ng mga tao na ginagawa natin dito." Sagot ko naman sa kanya sabay hawi sa kurtina at akmang lalabas na kahit di ko pa nasusukat yung damit na kinuha ko kanina.
"Teka lang! Mag usap muna tayo! Namiss kaya kita! Hmmp! Namiss mo ba ako?" Ano? Anong isasagot ko? Sasabihin ko ba ang tunay kong nararamdaman? O habang buhay ko na lang itatago? Tulad pa din ng dati,bibigyan na nga lang niya ako ng pagpipilian,dun pa sa parehas akong masasaktan.Ang saya diba?
Hindi ko alam.Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko.Naruto tulungan mo ko.
"H-Hindi a-ah.Hindi kita namiss." At yun.Mas pinili ko na lang na itago ang tunay kong nararamdaman.Ayoko nanaman kaseng magmukhang tanga nanaman sa isa pang pagkakataon.Dati binigyan niya ako ng chance na magpakatanga at dahil ako nga si tanga sumugal ako.
"H-ha? Bakit?" Halata sa mata niya ang biglang pagkalungkot.Bigla siyang tumungo at parang bigla ding nawala ang sigla niya sa katawan na parang kanina lang ay nag uumapaw.

Ano? Anong bakit? Anong tingin mo sakin? Mamimiss kita? Pagkatapos mong kampihan si Gab.Pagkatapos mo kong kalimutan dumating lang yang Gab na yan. Pagkatapos mong sabihin na kalimutan ko ng may bestfriend ako.Pagkatapos mo akong halos itakwil.Pagkatapos mo kong ipagpalit kay Gab.Matapos mong ipagpalit ang bestfriend mo dyan sa "boyfriend" mo.Matapos mo kong iwan sa park,matapos mo kong pagbabaan ng tawag.Matapos mo kong saktan.Ano sa tingin mo,mamimiss kita?!

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon