Chapter 20:Breaking someone's heart

327 65 0
                                    

CHAPTER 20

Naglalakad-lakad ako ngayon sa park.Pumunta ako dito para mag unwind pero parang lalong akong naiistress sa nakikita ko.Wagas maglandian ang mga tao dito.Ang daming nagkakachupuyan dito.Parang gusto ko silang batuhin ng kariton.Motel na ba to? Tss.Kita ng isa tong public place tapos dito pa sila ng pagdayo ng ganun.PDA tss.Mga tao nga naman ngayon.

Nagdadabog ako ngayon at lantaran kong pinariringgan ang mga tao dito.

"Motel na pala tong park,di naman ako nasabihan" palinga-linga kong sabi para kunwari hindi ko sila pinariringgan.Kung mataman sila sa sinabi ko edi kasalanan na nila yun.Wala akong pakialam sa kanila.Tss.

"E bakit ang bitter naman ata ng bestfriend ko ngayon?" napalingon ako sa may likod ko at nakita si Xylene na nakangiti.Teka..nakangiti? Akala niya ba ok na kami? HELL NO!

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at ibinaling na ulit ang tingin ko sa dalwang tao na nag P'PDA sa harap ko mismo,ni hindi man lang natamaan sa sinabi ko kanina.Ang dami na talagang manhid sa mundo,nagkalat na sila sa iba't-ibang dako.May kakilala nga ako,halata na ng lahat ang feelings ko,siya na lang ata ang hindi.MANHID! Manhid ba talaga siya? O tinatago ko lang talaga ang feelings ko sa kanya dahil takot akong mareject niya?

TINATAGO.

MINSAN,KAYAMANAN

MADALAS,FEELINGS KO

Ahh!! Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.Tss.Pero manhid nga ba talaga siya? O talagang ayaw lang niya? Tss.Pero kahit ano man ang tamang sagot masasaktan pa rin naman ako.Takot pa rin naman akong masaktan,kahit na sanay na ako.Yung tipong sanay ka na sa mga pananakit nila,na hindi na bago sayo ang mga ginagawa nila pero kahit sabihin mo sa sarili mo na hindi ka apektado masasaktan ka pa rin sa huli at kahit gaano ka katatag iiyak at iiyak ka pa rin pagdating ng point na yun.Tss.San ko ba hinuhugot lahat ng sinasabi ko? Para na akong babae nito.Tss.Sobrang drama.Nakakabakla.Not my style.Maybe Fregic,the good side of me, His style.But Im Xyvan now and I HATE DRAMAS! Pain makes people change.And I already changed.Everything has changed 'cause there's no permanent in this world.

"Huy! Bakit hindi ka namamansin dyan? Pabebe ang bestfriend ko Hmmp!" nasira ang pagdradrama ko sa isip ko ng biglang nagsalita nanaman si Xyl-I mean yung babaeng ayaw ko banggitin ang pangalan.Tss.Galit ako sa kanya! GALIT AKO SA KANYA DAHIL SINAKTAN NIYA AKO! At nandito pa rin pala yung babaeng yun? Akala ko umalis na yun.Sana nga lang umalis na lang siya.Tss.

"Huyyyyy!!!" pumunta siya sa harapan ko tapos hinihila-hila ako.Tss.Sige konti pang lambing bibigay din ako.Gusto ko sanang sabihin yun kaso baka mabasag ang seryoso kapaligiran.Poker face lang ako nun at parang walang naririnig at nakikita kaya siguro bigla siyang nainis at biglang sumigaw/nageskandalo sa park na halos magpatigil sa lahat ng tao na nag P'PDA -___- at sa iba pang tao na nasa park ng mga oras na yun.

"Bakit ba ayaw mo akong pansinin?! Lagi ka namang ganyan e! Basta-basta ka na lang hindi namamansin tapos lagi mo na lang akong pinanghuhula ng dahilan kung bakit ka ganun!! Lagi na lang ba ako ang mag aadjust sayo?!" sigaw niya saakin kaya nagtinginan lahat ng tao sa kanya.

"Hindi mo kase ako naiintindihan!!" hindi ko na nakayanan kaya hindi ko sinasadyang sagutin siya sa paraang pasigaw din.Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatingin saamin ngayon pero wala akong pakealam.

" Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maiintindihan kita dahil ayaw mo naman akong hayaan na intindihin ka!! " pasigaw na sabi niya ulit sakin.Parang naluluha na siya na hindi ko maintindihan.Para tuloy akong nagi'guilty.Tss.Hindi naman ako ang nagpaiyak sa kanya diba? Diba?

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon