Chapter 22: Her Mission

285 62 0
                                    

CHAPTER 22

Ano? Anong ibig niyang sabihin? I can't handle the truth? Bakit? Ano ba ang katotohanan? May tinatago ba siya sakin? May kailangan ba akong malaman?

"Oh! Hinay-hinay ang tanong.Ang dami ng tanong mo grabe.Sumasakit ang ulo ko sa'yo" at yun nanaman siya sa pambabasa ng isip ko.Minsan yung gusto kong sabihin sa kanya di ko pa sinasabi alam na niya agad.Cool huh?

"Sagutin mo yung tanong ko." Sabi ko sa kanya na parang hindi mapakali.

"Alin dun? Yung isa o yung isa?"

"Yung isa"

"Ahmmm.Alin dun? Hihi." Tss.Ang kulit niya talaga.

"Nevermind.Tara alamin na lang natin kung ano ang misyon mo at mamaya na lang natin pag-usapan yung mga tanong ko" sabi ko sa kanya.

"Osige! Punta tayo sa lugar na pwede tayong makapag-isip ng ayos.Hmm. Tara sa park!" At pagkasabing-pagkasabi niya nun parang gusto kong lamunin ako ng lupa.Nag flashback lahat ng nangyari sa park.Simula dun sa mga nagkakachupuyan sa mga puno sa park tapos nung nag walk out si Xylene hanggang dun sa pagpatol ko dun sa lalaki at yung pag-iyak nung babae.Tss.Dun pa nga lang sa mga nagkakachupuyan parang ayaw ko ng bumalik ng park.Ayoko na talaga dun.Bakit ba sa dinami-dami ng lugar na pede niyang maisip dun pa niya gusto pumunta? Tss.

"Sa mall na lang kaya? Sa dagat? Sa simbahan? Sa tabing daan o kaya naman dito na lang tayo sa bahay" pagsa'suggest ko naman sa kanya kaso tinaasan lang niya ako ng kilay at tsaka umiling.

"Gusto ko sa park,madaming puno.Fresh ang air" sabi niya sabay singhot ng hangin.Nako kung alam lang niya kung anong nangyayari sa likod ng mga punong gustong-gusto niya.

" 'Di ka ba na inform na polluted na sa park? Nagkalat ang mga pollutants dun" sabi ko naman sa kanya habang kinukumbinse pa rin siya na huwag na lang sa park pero walang epekto pa rin sa kanya.

"Polluted? Weh? Agad-agad?" Ang slow niya.Di niya gets ung mga pollutants na sinasabi ko.Gets ninyo naman diba? O baka nahawa na din kayo sa kaslow'an nitong isang 'to.Tss.

"SINONG SLOW?!" hala patay na.

"Yung ano movement ng sun" what the? Bigla na lang yan lumabas sa bibig ko.

"Ahh.Ok!" Ang slow niya talaga.Hindi niya ba manlang naisip na hindi nagalaw ang sun.Ung earth yung nagalaw papaikot sa sun.Tss.

"Sa park na talaga?" tanong ko ulit sa kanya baka sakaling magbabago ang isip niya.

"Yep! Sa park!" sagot naman niya saakin ng may pagkalawak-lawak na ngiti.

"Sure ka ng sa park?"

"Oo"

"Talaga? Dun na?"

"Oo nga"

"Sa park?"

"Yupp!"

"Talagang-talaga? Sure na sure ka na sadya?"

"Oo nga aba! Ang kulit mo naman."

"Nasa huli ang pagsisisi"

"Who cares?"

"Pero sure ka na talaga?"

"Oo ngaaaaaa.Kulit.Hayst"

"Park na talaga? Wala ng iba?"

"Oo"

"Park talaga gusto mo?"

"Yup! Masarap simoy ng hangin dun"

"Sure na?"

"Sure na sure"

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon