Chapter 10 : Is Juriel an angel?

431 81 2
                                    

CHAPTER 10

CLAIRE's POV

Matagal ko na siyang hinahanap.Matagal ko na siyang hindi nakikita.

Madami akong gustong sabihin sa kaniya.

Mahal ko pa rin siya.

Ngunit lahat ito ay naglahong bigla.

Ano kayang pinapahiwatig ng nararamdaman ko?

Na sumuko na ako dahil wala ng pag asa?

Na Masaya na siya kahit wala ako sa piling niya?

O dahil dala na rin sa haba ng panahon may pumalit na sa puso niya?

Ngunit kung ano man ang tama sa nararamdaman ko.

Panigurado,masasaktan at masasaktan pa rin ako.

Xyvan's POV

Kasalukuyan akong nag aaral para sa quiz namin bukas.Aral...Aral...Aral..Tss. Binuksan ko ang libro ko para magbasa at nagulat ako dahil nakasingit yung notebook na pinaglilistahan ng sagot ng tropa tungkol sa angel.Ang natatandaan ko kase ay pagkabigay ni Xylene nung notebook na yun ay inilagay ko na sa locker kaya nagtataka ako bakit nakasingit ito sa libro.At dahil nasakin na din naman itong notebook na ito sinimulan ko ng basahin isa-isa ang mga naging sagot ng mga kaibigan ko.

Mike-Kulay Puti

Ashton-Bigla na lang susulpot at bigla ding mawawala.Parang multong mabait

Sky-mabait at friendly

Kyle-maganda o kaya gwapo

Kris-Malakas at may powers

Cloud- ang mga pangalan ng mga angel ay kadalasang nagtatapos sa "-iel" tulad ng GabrIEL,UrIEL,MinIEL,ShamsIEL,SeraphIEL

Tulad ng inaasahan pinakamatino ung sagot ni Cloud Tss.

Mga isang oras kong pinagnilayan yung mga naging sagot nila saakin.Nakatitig lang ako dun sa notebook.Tapos bigla pumasok sa isip ko si Juriel.

Nakakapagtaka lang dahil sa ang lahat ng sagot ng mga kaibigan ko ay tamang-tama sa kanya

Kulay puti lahat ng suot niya noong una ko siyang nakita sa garden.Puting damit..puting pambaba...puting sapatos..Puti lahat.

Bigla na lang siyang nawala noong kinakausap ko siya sa garden at kitang-kita yun ng aking dalawang mga mata.

Oo.Mabait naman siya at friendly.Nagpakilala nga siya agad sakin,sinungitan ko lang.

Masasabi ko namang gwapo siya kahit papaano pero sinasabi ko talagang mas gwapo ako sakanya.

Ayon kay Cloud ang pangalan ng angel ay kadalasang nagtatapos sa "-iel" At ano nga ulit ang pangalan niya? jurIEL.

Masasabi ko na bang isang angel talaga ang nakausap ko sa garden?

Pero bakit? Paano?

Siguro kapag sinabi ko to kina Sky iisipin nilang nawawala na ako sa katinuan ko.

Pero kapag di ko to sinabi sa kanila.Talagang mawawala ako sa aking tamang pag iisip.

Isa ba talagang angel si JURIEL? Bakit siya nagpakita sa akin? Anong kelangan niya? At bakit kilala niya si Claire? Anong alam niya? Waah! Mag-aaral na nga muna ako kesa isipin si Juriel at baka bumagsak pa ako.

Aral...Aral....Aral....Aral...Aral.... Grabe 2 minutes pa lang ako nag-aaral tinago ko na agad ang mga libro at notebook ko dahil wala akong maintindihan dito.Husto lang naman ako sa buklat wala naman akong naiintindihan.Haha.

Kinuha ko ulit ang notebook ng kababalaghan (yung notebook na tungkol sa angel) at tinitigan ko na ulit.

Lumipas ang 5 minuto......10 minuto......20 minuto.......30 minuto......1 oras.....2,3,4 at 5 oras ay nakatitig pa rin ako sa notebook.Matutunaw na ata ito sa sobrang tagal ko ng tinitigan.Ala una na pala ng madaling araw at di pa ako natutulog kaya napagpasyahan ko na maligo muna para maaliwalasan ang katawan ko tapos matutulog na ako.Paglabas ko ng banyo may nakita ako na lalaking nakaupo sa kama ko.At pagharap ng lalaki..ay si..."HA?! JURIEL?! Anong ginagawa mo dito?!" takot kong tanong sa kanya.

"Wag kang matakot.Tutulungan kita.Kakampi mo ako.Ako ang nakaatas na tumulong sa iyo.Wag kang mag alala hawak ko ang happy ending ng storya mo" pagkasabi niya ng mga salitang yan ay bigla na lang may kumalat na puting usok sa loob ng buong kwarto.Kasabay ng pagkawala ng usok sa kwarto ay pagkawala din ni Juriel.Hinanap ko siya sa may cabinet ,sa ilalim ng lamesa,sa likod ng kurtina at sa ilalim ng kama ngunit kahit isang bakas ni Juriel ay wala akong nahanap.Nagtataka tuloy ako kung nananaginip lang ba ako ng gising o tunay ko sadyang nakita si Juriel na nakaupo sa kama ko at bigla na lang nawala kasabay ng pagkawala ng usok na puti.

Ano ba si Juriel? Multo? Engkanto? Aswang? Tiktik? Manananggal? O baka tama nga ang hinala ko na isa talaga siyang angel.Hindi ako makapaniwala na may nakausap akong isang angel Si Juriel? Isang angel? At ano daw? hawak niya ang happy ending ng storya ko?

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon