Chapter 4 : Alone

725 101 3
                                    

CHAPTER 4

CLAIRE'S POV

Bakit ganon? Bakit? Si Fregic ba talaga siya?

Bakit parang nagbabago na siya..

Hindi na siya ang Fregic na kilala ko...

Hindi siya ang Fregic na minahal ko...

XYVAN'S POV

"Fregic,anak mag babakasyon kami ng papa mo sa Paris.Hindi ka naman maisasama kasi may pasok ka." Bungad sakin ni mama pagbaba ko ng hagdan.

"Ma,Diba sabi ko sa inyo wag ninyo na akong tatawaging Fregic.Diba? Wag ninyo sabihing nakalimutan nyo nanaman?" sabi k okay mama.

"Ay sorry naman anak.Alam mo naman natanda na si mama" sabi ng aking mama habang nabelat pa.Hayy d ko alam kung anong nagustuhan dito ni papa.Isip bata talaga si mama parang si papa lang...Ahhh siguro yun yung nagustuhan ni papa sa kanya haha.

"Ma? Iiwan nyo nanaman ako. Bakit ba ayaw nyo ko laging pasamahin tuwing magbabaksyon kayo ni papa? Tss.Baka malaman ko na lang na may kapatid na ako ha!" may tonong pagtatampo kong sabi kay mama.

"Oi! D ah!! " parang guilty na sagot sakin ni mama.

"Xy! Ano ba gusto mo girl o boy?" singit ng papa kong pogi sa usapan naming ni mama.

"Pa! Boy! Hahaha! " nang aasar kong sagot sa aking ama sabay tingin kay mama.

"Anong tinitingin tingin mo dyan Xyvan Fregic Astraniere? Nako! Nako! Nagmana ka talaga sa tatay mong kalbo! "

"Pa! kalbo ka daw oh? Payag ka nun?" paamboy kong salita. Oo ganan ako kakulit sa bahay.Masiyahin at makulit ako sa bahay pero pag labas na ng bahay nag iiba na ang ugali ko.Bukod kay GAB at CLAIRE ang pamilya ko lang ang pinagkakatiwalaan ko..Pero dahil nga wala na si.....

C-claire... at si Gab? Ayun traydor,plastic,mang aagaw,sakim,ahas,ganid,mang gagamit,walang kwenta,panget,kalbo,mapayat,mahaba ang buhok sa kili-kili,hindi nag to'toothbrush,mabaho at kung ano-ano pang masama ay maaari mong ipang describe sa kanya.

So yun,Wala na si Claire at Gab.Pamilya ko na lang ang pinagkakatiwalaan ko kase alam ko na hindi nila ako sasaktan tulad ng ginagawa ng mga TAONG PINAGKATIWALAAN KO DATI.Na kahit ano pa ako,tanggap nila ako.

"Di ako kalbo ha! Tss." Sabi ni papa. Sa kanya ko nga pala namana ung "tss" haha.

"Aww.Tampo ka na nyan? Sorry na my love so sweet" sabi ni ma kay papa sabay kiss.Eww hellooo? Andito pa ako Tss.

"Wala akong nakita yuck.Mama,Papa! Pumunta na nga kayong Paris! D na ata kayo makaintay para gumawa ng kapatid ko,dito nyo pa ata balak simulan.Alis na kayo dalii! Shooo!" pagtataboy ko sa dalawa.

"Sure kang ok ka lang dito mag isa?"cool na sabi ni papa bago ko saraduhan ang gate.

"Tinatanong pa ba yan? Sanay na akong naiiwan pa.Sanay na akong mag isa." Sabay ngiti ko kay papa.

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon