Chapter 17: I'm br(OK)en

327 65 0
                                    

CHAPTER 17

Lahat na ata ng maaaring kong maramdaman ngayon ay nararamdaman ko.Halo-halo na ang emosyon ko.Halata sa mukha kong ang biglang pag-iiba ng emosyon at napansin naman ito kaagad ni Xylene.

“Oh? Bat ganan ang mukha mo bestfriend?” nagtatakang tanong nya sakin.  “Ha? Ok lang ako.OK LANG AKO.Ok lang” sagot ko naman sa kanya ng nakasimangot.  “May sakit ka ba?” at tiningnan nya kung mainit ba ako.Agad ko namang inalis ang kamay nya na inilagay nya sa noo ko at sinabing wala akong sakit.Hindi pa rin sya naniniwala sakin kase daw parang pinagsakluban ng masamang espirito ang mukha ko.Para na lang maniwala siyang “OK LANG AKO” ngumiti na lang ako at tinigilan na rin nya ako ng pangungulit.Manhid ba siya o ano? Halata naman kase na hindi umabot sa mata ang ngiti ko.Tss.

Tiningnan ko ng masama si Gab.At may lakas pa siya ng loob magpakita sakin ngayon?! Sa lahat ng ginawa at pang gagago niya sakin.Oo,siya ang sinisisi ko kung bakit namatay si Claire,kung bakit nag kanda leche leche ang buhay ko.Kung bakit hirap na akong magtiwala.Matapos ko siyang ituring na kapatid ko na,ito lang ang igaganti niya sakin? Natatandaan ko pa dati..ung nangako siya sakin..Pero di naman niya tinupad.

*FLASHBACK*

Xy! May itatanong ako sayo” sabay akbay sakin ng bestfriend kong si Gab.Siya ang pinaka pinagkakatiwalaan kong kaibigan at itinuturing ko na siyang kapatid.

“Ano yun?” tanong ko naman sa kanya sabay abot sa kanya ng binili kong kape sa foodcourt.Paborito niya kase ang kape kaya noong dumaan ako sa foodcourt kanina ibinili ko siya.At dahil magbestfriends kami kailangan niyang bayaran yung kape.Wala ng libre sa mundo haha.

“Wow kape! Salamat bestfriend.Bait mo talaga” abot tenga ang ngiti niya sakin niyan.  “May bayad yan bestfriend!” at halos ibuga niya sakin yung kape na kani-kanina lang ay sarap na sarap siya sa pag inom.At sumimangot siya ng sobra sobra.

“Hoy! Wala ng libre ngayon sa mundo! Bayaran mo yan ha.O kaya libre mo na lang ako ng lunch” nakangiti kong sabi sa kanya.

 “Ehhhh!!!!!! Xy naman! Wala akong pera ngayon! Pag nagkapera  ako babayaran kita promise” sabi niya at itinaas pa ang kanang kamay niya na parang nagpapanatang makabayan.

“Kelan ka pa kaya magkakapera? Baka kapag natunaw pa  ang Eiffel Tower sa sobrang init dahil sa global warming!!! Pano kapag bigla kang lumipat ng school? Ed hindi mo na ako nabayaran!” sabi ko sa kanya ng tatawa-tawa.

“Dinamay mo pa ang Eiffel Tower! Baliw! At bakit naman ako lilipat ng school? Ed wala ka ng bestfriend? Ed mag-isa ka na lang? Ayaw ko nga! Mahal kaya kita.” Sabay nag flying kiss siya sa akin.Agad ko naman siyang inupakan sa ginawa niya.Tae.Nababakla na ata tong bestfriend ko. “At sa mukha pa lang nina Sky,Mike,Ashton,Cloud,Kyle at Kris mukhang iiwan ka ng mga yun!” sabi   niya na may kasama pang pag iling.   “Alam mo Gab simula noong bata pa ako malas ako sa bestfriend,lagi nila akong iniiwan…”panghihimutok ko sa kanya.At di ko namamalayan nagpapalagutok na pala ako ng daliri ko kaya agad akong tinapik ni Gab sa balikat.  “Huwag mo nga yang sabihin! Di ka malas sa bestfriend no! Andito ako oh,hindi kita iiwan” sabi niya sakin na nakapagpagaan ng loob ko.At kinindatan pa ako ng loko.Bakla nga ata to.Letse.

“Ganan din yung sinabi nila! Tsk! Iiwan mo din ako e!” pagbibiro ko sa kanya.At ang sumunod niyang sinabi ay nakapagpatunay na iba talaga siya sa mga naging kaibigan ko. “Bakit mo naman ako itutulad sa mga yun? Unang-una mas pogi ako sunod mas cute ako sunod mas cool ako sunod—“ at binatukan ko siya.Aba kanina pa tong pumuri ng pumuri sa sarili ah. “Joke lang naman.Syempre di kita iiwan! Bestfriend mo ako diba? Tapos Bestfriend kita? At ang mag bestfriend hindi nag-iiwanan.Ako,si Gabriel Jakov Bryers na isang totoong pogi nangangakong hindi iiwan tong patpatin na si Xyvan Fregic Astraniere dahil siya ay bestfriend ko!! Whoo! At dahil di ko siya at iiwan at nangakong mananatiling bestfriend niya hanggang sa huli,wala ng bayad ang kape!!” sabi niya ng patalon-talon pa.Hayy. “Oo na nga iyo na yang kape!” at ngumiti siya sakin na parang wala ng bukas.

“Gab! Walang agawan ha! Ayokong magalit sayo!” sabi ko sa kanya ng seryoso.

“Bat naman kita aagawan?! Mas madaming nagkaka crush sakin no! Mas pogi ako sayo!” sagot naman niya saakin ng panay ang tawa.Naka shabu ata to e.

“Siguro nga iba ka sa kanila,wag mo kong gagaguhin ha! Sinasabi ko sayo,pag gumanti ako pati demonyo luluhod sa harap ko.” Seryoso ko pa ring sabi sa kanya.

“Bakit kita gagaguhin?! Mas gago ka kaya sakin!” panay pa rin ang tawa niya. “Bakit naman kita gagaguhin at aagawan?? Bestfriend nga kita diba?” seryosong sabi niya.

*END OF FLASHBACK*

Oo dati ganan ako kasigla.Ganan ako makipag usap at makipag biruan pero dahil nga sa mga nangyari nagbago ako.Dahil sa mga kasinungalingan niya.Sinabi pa niyang sa mukha pa lang nina Sky,Mike,Ashton,Cloud,Kyle at Kris ay iiwan nila ako? E anong nangyari ngayon? Sila na lang ang natira sakin.Wala siyang kwenta.Katulad lang din pala siya nung iba.Iniwan ako,matapos silang pagkatiwalaan,matapos ituring na kadugo,matapos paniwalaan ang lahat ng mga sinasabi nila..INIWAN LANG AKO..

Totoo nga ata na malas ako pag dating sa bestfriend.Akala ko mapagkakatiwalaan ko na sila pero sa huli ako nanamang mag-isa ang naiiwan.Masyado nga ata akong madaling magbigay ng tiwala sa mga tao sa paligid ko.

Hindi ko naisip na ginagamit lang pala ako ni Gab.Napakalaki kong uto-uto! Naniwala naman kase ako sa mga sinabi niya….SA MGA PANGAKO NIYA.Napakasinungaling niya.Ang malala pa inagaw niya sakin ang kauna-unahang babaeng mahal ko at siya ang dahilan kung bakit…..bakit…bakit namatay siya.Simula noong araw na yun kinalimutan ko na ang pagkakaibigan naming dalawa.Para saan pa kung hindi ko kakalimutan? Para lagi na lang akong masaktan kapag naiisip kong  dahil sa kanya dahil namatay ang mahal ko? Para araw-araw akong magsisi na naniwala ako sa mga kasinungalingan niya? Para pagsisihan ko ang araw na naging matalik ko siyang kaibigan? Wag na.Mas mabuti pang ibaon na lang ito para hindi ko na muling mabalikan at hindi na ako paulit-ulit na masaktan.

Oo badboy ako sa tingin ng karamihan.Sa tingin ng mga guro,babae,kaklase,magulang,kapitbahay,principal at pati na rin sa tingin ng mga kaibigan ko.Pero hindi ako likas na badboy na inaakala nila.Dati na akong mabait,masipag at simpleng mag-aaral na walang ginawa kundi mag-aral.Katulad ng iba may mga kaibigan ako,may kaaway at may crush.Simple lang ako noon kahit na maraming nagkaka crush sakin sa school dahil sa pogi daw ako ay hindi pa rin ako nagyayabang at itinuturing ko lang silang lahat ng maayos.

Ganan ako dati,nakakalungkot mang isipin,kabaligtaran na ngayon.

May bisyo na ako ngayon.Nainom ako ng alak at nag sisigarilyo na din.May butas na rin ang tenga ko na dati ay hindi ko magawa dahil sa takot ko sa magulang ko.Kung noon itinuturing ko sila ng maayos ngayon halata namang hindi.Kabila-kabila ang girlfriends ko at kahit isa sa kanila ay wala akong sineryoso.Lagi din akong nakikipag banatan kung kani-kanino.Kahit ata principal basta matripan ko ay uupakan ko.Kung dati laging clean cut ang buhok ko ngayon medyo mahaba na.

Oo nagbago ako.Pero eto pa rin ako si Xyvan Fregic Astraniere.Tao lang din ako.Nasasaktan..Nasasaktan sa nakaraan…Nakaraang gustong balikan at itama ang mga pangyayari para hindi na ako patuloy na nagdudusa ngayon.

Pero isa lang ang masisigurado ko ngayon.Ayaw kong makita ang pagmumukha ni Gabriel.Ayaw ko siyang makita.Lalo nat kasama niya si Xylene.Lahat na lang ba aagawin niya sakin? Magkapatayan na kung kinakailangan.Hinding hindi niya maaagaw si Xylene.Hindi ang bestfriend ko.Hindi man kami matagal na magkaibigan ni Xylene poprotektahan ko siya kay Gab dahil alam kong walang mabuting intension ang lalaking to sa kanya.Tiyak sasaktan lang siya nito.At mahal ko si Xylene.Oo mahal ko siya.Inaamin ko na.Sinabi ko man dati na hindi na ako muling magtitiwala at hindi na muling magmamahal,susubukan ko pa ng isang beses.Mamahalin ko si Xylene at magtitiwala na di nya ako iiwan at ipagpapalit kahit kanino…KAHIT BILANG BESTFRIEND MAN LANG.Pag ako nasaktan nanaman.Magpapakamatay na ako.Pagod na akong mabuhay ng ganito.

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon