Chapter 6 : Who's Juriel?

680 92 0
                                    

CHAPTER  6

Pagkatapos ng pangyayaring yun sa garden,nawala na ko sa sarili ko buong maghapon.Di ko alam kung nag iilusyon ba ako o talagang nawala yung bata.Ah!Naalala ko na yung pangalan niya.Siya si Juriel.Parang pamilyar ung pangalan na  un.Juriel? Juriel??? Hmmp.Ano bang meron sa batang yun?

Kinalibutan talaga ako ng bigla siyang nawala.Multo kaya yun? O baka naman natitimang lang ako?

Pero hindi eh.Kitang kita talaga ng dalawang mata ko na may mga batang naglalaro sa garden.Pinaalis ko pa nga sila at nakipagsagutan pa tong si Juriel sakin.Naka puti pa nga siyang damit.Lahat ng suot nya ay puti.Tapos may bronze siyang buhok tapos parang anghel yung ngiti niya sakin kanina habang sinasabi niya yung pangalan niya sakin kahit na wala akong pake at-TEKA?! Parang ANGHEL na ngiti? Hindi kaya?!?!

"PAREEEEE!!!!" sigaw ko kay Mike.

"O? problema mo?" tanong niya habang nakain ng hotdog sandwitch.Tss.

"Mag bigay ka ng pumapasok sa isip mo pag sinabing ANGEL?" tanong ko sa kanya habang naglalaway sa kinakain niya.Tss.Di pa kaya ako naglu'lunch.

"ANGEL? Hmmm.Puti.Kulay puti." Sagot niya sakin sabay baling na ulit ng atensyon niya sa kanyang first love.Ang hotdog sandwitch.Tss.Di naman siya mamahalin pabalik ng hotdog sandwitch na yan.

"Salamat pare! Oh Juice iyo na lang mabulunan ka pa!" sabi ko sa kanya sabay bigay ng juice na hawak ko at sabay layas na din.

"HOOOYYYY!!! HINTAYYY!!!" sigaw ko kay Ashton habang patakbo na lumalapit sa kanya.

"Oh? Anong kelangan mo sakin? May problema ka? Ano? Sabihin mo? Bakit?" tuloy-tuloy niyang sabi saakin.Tss.

"Nagmamadali ka ata? May lakad?" sabi ko sa kanya.

"Sorry may date pa kasi ako" sagot naman niya saakin.Aba ang loko kumindat pa sakin.Panget-panget naman.

"Teka? Kakabreak nyo pa lang ni April ah? May bago ka na?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ganan talaga pogi eh.Tsk." pagmamayabang na sabi niya saakin.

"Nagagaya ka na din kay Sky! Hay nako.Wala ka atang siniseryoso sa mga nagiging girlfriend mo kaya kapag nagbe'break kayo parang baliwala lang sayo.Parang ok lang.Parang walang nangyari." Sermon ko sa kanya.

"Ikaw lang naman kase ang seryoso sa tropa eh! At ikaw lang din sa tropa ang hinding-hindi maka move-on! Hahahaha! Kaya naman ikaw lagi ung nasasaktan at nagiging kawawa sa huli! Pag nagmahal ka kase mahal lang,hindi mahal na mahal para kapag nasaktan ka masakit lang,hindi masakit na masakit" balik na sermon naman niya saakin.

"E pano naman kung iyon na ang huli mong pagkakataon para maipadama sa kanya ang pagmamahal mo? Sasayangin mo pa ba kahit na alam niyong mahal ninyo ang isa't isa? Pano kung wala ng ibang pagkakataon? Pano kapag kung kelan narealize mo na dapat noon pa ay ibinigay mo na ang buo mong pagmamahal ay huli na pala ang lahat?" pagda'drama ko sa kanya.

"Ewan ko sayo.Sayo pa rin naman nakasalalay ang mga desisyon." Sabi niya saakin.

"Pero isa lang masasabi ko" bigla kong singit.

"Ano un?" nagtatakang tanong ni Ashton saakin.

"Kahit na anong desisyon ang gawin natin,mangyayari at mangyayari pa rin ang mga pangyayari na nakatakda at gaano man ito kasama o kabuti,lahat ng ito ay may dahilan sapagkat lahat ng nangyayari sa mundong ito ay may dahilan" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"San mo ga yan nakukuha? Parang nagiging makata ka na ah!" Mapang-asar na tugon niya sa akin.

"Ala.Ewan ko din pare.Simula nung nagpakita si Juriel nawala na ako sa katinuan ko." Wala sa sarili kong sabi sa kanya.

"Naks! Sino yun? Bagong chicks? Naka move on ka na? Magpapaparty ako! Wait tatawagan ko lang ang tropa pati mga kaklase natin.Buong school tatawagan ko.Hintay lan-" Akmang tatawagan nga niya ang mga kaklase namin ng bigla ko siyang hinampas ng librong dala-dala ko.

"Gag* Lalaki si Juriel.Tingin ko mas bata siya sakin.Yun nga yung dahilan kung bakit kita hinabol habol pa kanina.May itatanong ako sayo." Sabi ko.

"O? Ano naman yang itatanong mo? Papatayin kita kapag wala yang kwenta!" may pagbabanta niyang sabi saakin sabay pakita ng kamao niya.

"Baka mauna pa nga kitang patayin.Tss." wala sa mood kong sagot sa kanya.

"Oh? Ano nga yun?" Medyo naramdaman na niya na wala ako sa mood.Tss.Kala ko manhid siya.

"Tssss.Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag sinabing angel?" seryosong tanong ko sa kanya habang siya naman halatang pinipiigil ang tawa niya.

"Ha? HAHAHAHAHAHA!" halos mautas na siya kakatawa.

"Anong meron? Nahilig ka sa angel? Bading ka? HAHAHA!" Dugtong niya.

"Tss.Sasagutin mo ko o sasagutin mo ko?" Pokerface kong sabi sa kanya.

"Ow! Chill! Oo na sasagutin ko na! Eto nama-"

"Dami pang satsat?" Putol ko sa kakadrama niya Tss.

"Oo na! Hmmm.Angel? Siguro bigla na lang susulpot tapos biglang ding mawawala! Parang multo, kaso sila mabait hindi sila nakikita?." Seryosong sabi ni Ashton

"Ge.Alis na ako.Salamat?" sabi ko sa kanya sabay tapik sa kanya sa balik.

Tumakbo na ako sa locker para kuhanin ang nga kailangan ko at yung mga subjects na may assignment.

Bukas ko na lang tatanungin si Sky,Kyle, at Cloud.Tss Si Cloud nga pala ang pinaka matino.Baka siya yung magbibigay ng pinaka magandang sagot.Ihuhuli ko na lang siya.

Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay na sa bag at itinapon ko na ang mga balat ng candy na nilalanggam  na.

Naglalakad ako palabas ng gate ng makakita ako ng isang lalaking natakbo.Teka.....parang pamilyar ang mukha niya....

Bronze Hair......

White outfit....

Angel face....

Angel Smile.....

Oh! Juriel! 

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon