Chapter 27:VANCOLE pt.2

220 10 3
                                    

Wala ako sa sarling pumunta sa buffet.Ni hindi ko nga maintindihan yung sinabi kanina ni Nicole.Gutom na talaga ako,yun lang ang alam ko ngayon.Basta kakain muna ako.Pagkain ang kailangan ko ngayon.Tss.Bawal magutom ang gwapo.

Kumuha na ako ng kanin at dumiretso na sa mga pang-ulam.Kinuha ko sa kamay nung lalaking nagseserve yung pangsandok at tsaka ako sumandok ng akin.
"S-sir.Kami po dapat ang magseserve ng meal ninyo"
"Ha?" Wala sa sarili kong tanong.
"K-kami po yung magseserve dapat.S-sorry po sir" nanginginig niyang kinuha yung pansandok sa kamay ko samantalang ako naman ay naguguluhan sa mga nangyayari.
Nilagyan niya ako ng isang pirasong karne sa plato ko at nagsimulang mag lagay naman sa ibang tao na nakapila sa likuran ko.What? Ito lang ang ibibigay niya saakin? Hindi to pwede.Hindi talaga.
Kinuha ko ulit yung pansandok sa lalaki at nagsimula na ulit kumuha ng mga pang-ulam.Nang biglang may sumulpot sa tabi ko.
"Tyanak!" Sigaw ko sabay turo sa katabi ko.
"Hindi ako salamin.Tss.Van for Hire!" sabi nanaman niya saakin sabay sabunot nanaman.Natapon tuloy yung sinasandok kong pagkain sa damit ko.Sa maganda kong damit.Sa maganda at mahal kong damit.Sa maganda at mahal at napakalinis kong damit.Oo sa damit ko.Sa damit ko talaga.
"What the fu--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang sinabunutan nanaman niya ako at may bonus na this time,may kasama ng hampas! Oh diba? Package na.Kaya 'san ka pa? Edi wow.
"Ano? Ano? Ituloy mo! Ituloy mo! Napaka sama mo nagsasabi ka ng mga ganun!" Tuloy pa rin siya sa pagsabunot at pagyugyog sa'kin.Ano ba yung tawag dito? Hmm.Ano nga yun? Yung mahilig manakit.Ano nga yuuuuuun.Letter S yun.Ugh.Nevermind.
"Ahhh! Itigil mo na yan! Aray! Aray!" Hinawakan ko ang kamay niya at iniharap siya saakin.
"Anong problema mo dude?!" Hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya.Tumingin ako sa kanya ng mata sa mata at hinigpitan pa ang hawak ko.
"Gutom na ako hahahaha.Alis diyan,ako muna ang kukuha ng pagkain!" Sabay kawala niya sa hawak ko.Umuna siya saakin at binigyan siya nung lalaking nakatuxedo ng pang-ulam.Unfair.
Nagdiretso na ako sa upuan na naka assign sakin at nagsimula ng kumain ng katiting na pagkain na ibinigay nung lalaki.Tss.Grabe isang subo ko lang yata 'tong binigay niya saakin.Ito ang ayaw ko sa mga kasal na ganito e.I mean kainan na ganito pala.Yung sila yung naglalagay ng pang ulam sa plato mo.Tapos yung kanin lang yung ikaw yung kukuha.Nakaka disappoint.Kumuha ako ng napakadaming kanin kase nga gutom na gutom na talaga ako tapos ganun lang yung ibibigay nilang ulam.Isang pirasong karne?! Saan naman yun makakarating? Hanggang lalamunan ko lang yata yun e,di pa kayang dumiretso sa tiyan ko!
"E bakit ba reklamo ka ng reklamo? Daig mo pa ang babae ah.Hahaha" Biglang humangin ng malakas at nakita ko na nasa tabi ko na lang bigla si Claire.Angel ba 'to o multo?
"Dapat ko pa bang sabihin kung bakit ako nagrereklamo? Alam mo nanaman ang lahat eh! Kanina mo pa yata binabasa ang isip ko.Tss.
"Hahaha! Ok lang yan! Gusto mo ikuha kita ng pang-ulam?" Alok naman niya bigla saakin na siya namang ikinalapad ng aking ngiti.
"Hindi nga?!" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.Na halos isigaw ko na sa sobrang saya ko sa alok niya.Buti na lang hindi ako napapansin ng mga tao dito.Mapagkamalan pa ako na nasisiraan ng ulo.Nah.Masyado pala akong gwapo para sa isang nasisiraan ng bait.
"Oo!! Oo!!" Mas mabilis pa sa kidlat kong sagot.
"Hmm.Wag na pala" pagkasabi niya nun biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at bigla siyang tumalikod saakin.Bago pa siya tuluyang maglakad papalayo saakin ay bigla siyang nagsalita.
"Hindi na kailangang ikuha pa kita ng pang-ulam mo.Mukhang may kumuha na yata para sa'yo." Pagkasabi niya nun ay bigla na lamang ulit siyang naglaho at ang puting usok na lamang ang naiwan sa kinakatayuan niya kanina.Kasabay ng paglaho ni Claire ay ang pagdating naman ni nicole na may dala-dala namang isang plato na punong-puno ng iba't-ibang ulam.Umupo siya sa tabi ko at inilapag ang plato na puno ng pang-ulam sa harap ko.
Tiningnan ko siya na parang nagtatanong pero nginitian lang niya ako at nagsimula na siyang kumain.Masyado talaga akong gutom para intindihin ang mga bagay-bagay kaya kumain na lamang ako.Mamaya na lang siguro ako magpapasalamat sa kanya.
"Oi akin yan! Wag mo nga 'yang kuhanin,sabi ng akin yan! Ang takaw-takaw mo!" Sabi niya saakin habang hinahampas ang kamay ko na kukuha nung ulam.
"Pa share naman ako! Ang damot-damot mo naman e! Oi di ako matakaw ha! Mas matakaw ka kaya.Tss kaya ka natab--" Hulaan ninyo ang sumunod na nangyari? Oo,sinabunutan nanaman ako.
"HINDI AKO MATABA!!!!!" Halos makalbo na ako sa ginagawa niya.Ang sakit grabe.
Kumuha ako ng kutsara at nagsandok ng pagkain,ipinalsak ko sa bibig niya yung pagkain at tumigil naman siya sa pang-aabuso sa aking kahinaan.Gwapo lang naman ako,bakit ba nila ito ginagawa saakin.Tss.
"Hmm.Anshharap nhaman nito" sabi niya habang nanguya.
"Manners please.Wag ka ngang magsalita ng may laman ang bibig mo.Tss." nagsimula na ulit akong kumain.Hindi kami tumigil ng pagkain hanggat 'di namin nauubos yung dala niyang pang-ulam.
Kung kanina reklamo ako ng reklamo dahil gutom na ako,ngayon halos sumabog na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan.Bigla akong dinalaw ng busog.Hindi ko na kayang kumain pa.

Badboy Meets His Long Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon