05

75 3 1
                                    

05

Radon and Geleil

"Ruby, would you like to go in your room? It's upstairs. Sa bungad ang pinili naming kwarto para hindi ka maligaw." Ngumiti si Ma'am Genesis Ashenbert.

"Yes, Ma'am..."

"Ma'am? No! No! Call me Tita! It's fine..."

"You can call me Tito too. No need for any formalities. I hope you enjoy life here. Iba sa kinalakihan mo so it may seem weird but you'll feel at home soon too..." Dagdag ni well... Uh, Tito Rom.

Galing sa entrance ng mansion ay pumasok sa loob si Xenon Ashenbert mula sa pagkaka-iwan ko sa kaniya kanina.

"Wala pa sina Kuya, Ma?"

"Busy ang Kuya mo pati sina Krypton at Radon..." Sabi ni Tita Genesis.

Napakunot ang noo ko. "Kuya?" Naguguluhang tanong ko.

"Yeah. I'm the second son. Si Kuya Zennon ang panganay. Pagkatapos ko, si Krypton. Ang bunso namin ay si Radon." Si Xenon ang sumagot. "Ako ang ka-edaran mo sa aming lahat."

Tumango ako. You already mentioned that earlier though. I was just confused but thanks for the detailed explanation.

Nag-iwas ako ng tingin ng magtagal ang titig sa akin ng binatang 'to. I couldn't say thank you properly and got frustrated kaya nagpaalam na lang akong umakyat sa kwarto ko.

"Ma, should I guide her-"

"No, I' m fine." Agad kong putol sa kaniya para hindi na siya sumunod sa akin.

He looked at me with doubt na tila ba alam niyang kailangan ko ng tulong niya. I shook my head. "It's really fine..."

Ilang saglit pa siyang natigilan bago unti-unting tumango. The atmosphere became a little awkward kung hindi lang sumabat sina Tita Genesis.

"Well then... Go on to your room, Ruby. Please make yourself feel at home. Bukas, you can tour the island for as long as you want. Just be safe. Pasama ka kay Xenon." Malaki ang ngiting sabi niya bago bumaling sa anak na biglang may kung anong nagningning sa saya.

"Gagala? Sure! Sure! I'll come with her." He looked at me with excitement.

Pakiramdam ko ay nabagsakan ako ng kung ano. How could I possibly turn him down when he himself... Mas excited pa sa akin? I'm not... That heartless but... Only a bit.

"Y-Yeah..." Sambit ko bago tumalikod at nagsimulang umakyat sa hagdan. "Sure."

Ilang bulong na usapan na lang ang narinig ko hanggang makapasok sa kwarto. I felt so tired that after I came in ay agad na akong naglinis at humiga sa malaking kama na nakaayos.

I didn't even bother opening my luggages since I don't see the need for it right now. Sa susunod na lang ako mag-aayos ng gamit. For now, I would like to... Rest.

"Good night, Flaire!" I heard a familiar voice outside and after that, the sound of a closing door.

I sighed. Ano 'to? Malapit pa kwarto ko sa lalaking iyon? Oh my gosh.

I've always thought that cold boys are my standards. Iyong tipong sa 'yo lang mabait. However... No one ever warned me about someone like him. The bright and lively boys that are gifted with high humors who steal your heart without any visible warnings. Magugulat ka na lang, pati ang kaluluwa mo ay pag-aari na niya, ang utak mo, siya lang ang laman.

Aren't they more dangerous than the cold ones I used to prefer?

I just hope na... Please God, not him. Literally, not him. I can't stand him.

Wrath of the Blazing Sun (Isla del Tesoro #3)Where stories live. Discover now