09
Would You Punch Me Now?
Xenon did not satisfy my curiosity with his answer. Anong 'time will tell'? I don't care about time. Why would he say that? I want a direct answer and the words that came out of his mouth did not give me any direction at all!
Ngunit kahit papaano, napapakalma ng papalubog na araw ang damdamin ko. When was the last time I went on a beach? When was the last time I forgot about my revenge?
When was the last time I had peace for myself?
Kailan ko ba huling naramdaman ang ganitong pakiramdam? Tipong... tahimik lang. Ninanamnam ang ganda ng kalikasan. Walang ibang pumapasok sa isipan kung hindi ang sayang nararamdaman sa ganitong oras.
"Close your mouth, Flaire. Baka pasukan ng langaw," Xenon whispered behind my ear then followed it with a low chuckle.
Mabilis ang naging pilig ng ulo ko paharap sa kaniya. I caught him holding his abdomen just to save him from fainting dahil sa sobrang tuwa. Nang makita akong nakatingin ay umayos agad siya ng tayo at nagkunwaring akala mo ay hindi tumatawa kanina.
I glared at him more.
"Nakakatuwa? What's so funny, Xenon?" Pinandilatan ko siya.
"Wala po," He smiled politely.
Ha. I know that smile. Gusto lang makalusot.
"Ikaw talaga-" Naiinis kong sabi pero mabilis niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko upang igaya ako kung saan.
"Halika,"
"Hoy! San mo ako dadalhin?"
"See the stalls? Hanap tayo makakain." Aniya.
I gazed at what he's talking about. We were standing on top of the sands. Sa hindi kalayuan, may malaking bangketa kung saan maraming stalls ng iba't ibang pagkain. The pavements serves as the divider to not let the sand pass through and onto the roadside.
"You pay?" Sabi ko para manigurado na wala akong babayaran.
Natawa siya sa panunuri ko. "Of course. Konti lang pera mo 'di ba? Itabi mo na lang 'yan. Ang bayad mo sa akin, huwag mo na akong awayin o sungitan."
I rolled my eyes. "Mas gugustuhin ko pang magbayad. Mahirap gawin ang hinihiling mo."
Mukhang imbes na mainis ay lalo pa siyang humalakhak sa sinabi ko. Humalukipkip siya bago pinitik ang daliri sa harapan ko.
"Halika na po, mahal na prinsesang masungit at laging nang-aaway. Papakainin na po kita."
Sinamaan ko siya ng tingin, he smiled teasingly. "Stop it!"
"Pikon naman," Nang-aasar niyang bigkas.
Umirap ako at umuna nang lumakad papunta sa tinuro niyang mga stalls. It was a long line alright. Andaming pagpipilian at maraming dumadagsang tao.
I'm amazed on how clean the environment stays even with all of this. Buti at hindi nababastos at napababayaan ang isla.
"Amazing, right?" Biglang sabi ni Xenon sa likuran kong nakasunod sa akin sa paglalakad.
Sinasabayan niya ako habang busy akong tumingin sa paligid at kung ano man ang nais na bilhin.
"Ano na naman?" Naiirita kong tanong. He's so talkative.
"I know what you're thinking."
"Hindi ko tinatanong."
"Pero gusto ko sabihin."
YOU ARE READING
Wrath of the Blazing Sun (Isla del Tesoro #3)
Teen FictionISLA DEL TESORO #3. What happens when a stubborn gangster is forced to live a different life? Can you handle her wrath? Flaire Ruby Gresham was the boss of herself. But her Lolo has had enough. He decided to let her live away from her wild and crazy...