11

54 2 0
                                    

11

Tara Na Nga

Ilang beses niyang isinigaw ang pangalan ko. At kung ilang beses siyang sumigaw, ganon din ang bilang ng pagbilis ko sa pagtakbo.

I don't want him to catch me. I don't wanna be caught.

Dahil hindi ko alam ang gagawin sa oras na makuha niya ako. Figuratively and literally.

Wala akong ideya sa kung paano ko siya pakikitunguhan. Kaya ang pinili ko ay tumakbo.

Malayo sa kaniya. Sa kanilang lahat.

"Flaire!" Was the last sound I heard before crossing the road in a hurry. Nawala ko siya ng may mga dumaan at naharang siya sa kabilang side.

I glanced at him for one last time.

He was looking at me. Malalaki ang mata at tila ba hindi pa rin matanggap ang nangyayari.

Unti-unting lumambot ang tingin ko. Somehow, for the first time, I felt like someone really cared. Aside from my family.

Napayuko ako sa iniisip. I smirked to myself. What stupidity are you thinking, Ruby?

Napailing-iling ako bago muling tumakbo at tuluyan ng nakawala sa kaniya. He couldn't manage to catch me. And I think no one can ever succeed on doing so.

Patuloy lang ako sa pagtakbo. San ako pupunta? Hindi ko alam. Pero ang nasa isip ko ay dapat makalayo muna ako sa kanila. Bahala ng mapagalitan nina Ruce at Lolo.

Basta kailangan kong makalayo.

Facing Xenon would burst my hearts to shattered pieces. Ayoko.

Flaire Ruby Gresham is in a whirlwind. Kung sa Maynila ay napakaangas ko, bakit tuwing nandito ay para bang nauubos ang angas ko?

Saglit akong napatigil sa isang convenience store. Nasa may tagong lugar 'to. Sakto at bahagyang dumidilim na. Napaupo ako sa isa sa mga upuan na nasa labas. I gazed at my wounds.

Siguro ay medyo malayo na 'to sa kung nasaan sina Xenon. Better than nothing. Dito ba muna ako magtatago? But it would be a risk. Dapat bang sa kabilang mga siyudad na lang?

Napakagat ako sa labi ng maramdaman ang hapdi sa binti. The cut was really painful. Gusto kong umiyak. Pero sa lahat ng sugat na natamo ko, kinaya ko naman.

I wouldn't wanna die just because of this stupid wound.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa convenience store at bumili ng konting pagkain, gamot sa sugat, at inumin.

For now, my plan is to rest. Kakain muna ako pagkatapos kong gamutin ang sugat ko.

Hindi ko mapigilan ang pagpikit sa tuwing nadidikitan ng bulak ang sugat ko. The band-aid helped in easing the pain.

Pagkatapos kong maubos ang pagkain ay napatingala ako sa langit.

Mom, Dad.

Ano bang pwedeng gawin sa buhay ko? It's like I'm chasing something. I'm reaching for so many things that slowly... I'm letting go of myself.

Lumipas ang ilang minuto. Napagpasiyahan kong umalis na.

Hinagilap ko ang phone sa dalang bag. Now my clothes are all dirty. My white shirt is messy. Bukod don, my shorts are not it. Sa lahat talaga ng panahon, ngayon ko pa naisipang isuot 'to? Ayan tuloy, nahiwa! Stupid! Less protection!

May konting dugo sa sapatos ko. Dahilan ng pagtulo ng dugo mula sa sugat ko kanina. I sighed. I'm doomed. Ano na ngayon???

When I caught my phone, I opened it and waited for signal. Halos mabitawan ko iyon nang makita ang napakaraming tawag at text ni Xenon.

Wrath of the Blazing Sun (Isla del Tesoro #3)Where stories live. Discover now