Kabanata 2

97 9 0
                                    

Kabanata 2

Conservative, iyon yata ang isang description sa akin ng mga taong nakakakilala sa akin. 'Conservative si Yanyan kaya walang boyfriend' 'Taas ng expectation niyan ni Yanvelle sa lalaki' o hindi naman kaya 'Magmamadre na yata 'yan.'

Ilan lang sa mga bagay na naririnig ko mula sa mga kaibigan kong alam ang lahat sa akin. Gayunpaman gaano man nila ako kakilala, mas kilala ko pa rin ang sarili ko kaysa sa kanila. Sa totoo lang kasi wala naman kasing taong higit na mas kilala ka kung hindi ang sarili mo lang. Ikaw lang ang nakakaintindi sa sarili mo at iyong mga tao sa paligid mo, lahat sila kilala lang ang mga bagay na gusto mong ipakita sa kanila.

Kasi sa totoo lang, hindi naman ako ganoon ka conservative. Hindi ako santa at mas lalong hindi ko balak magmadre. Sadyang mataas lang talaga ang standard ko at wala pa sa isip ko ang mag-boyfriend sa ngayon.

Pero, bakit nga ba hinalikan ko si Israel? Bakit ko ginawa iyon?

Iyon ang bagay na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko bagamat maghapon na rin akong naghahanap ng panibagong mapagtatrabahuhan ngayong araw.

"Kuya pabili nga ng tubig," anang ko sa nagbebenta ng tubig sa may kanto. Bahagya ko pang ipinapaypay sa sarili ko ang mga dokumentong hawak ko. Mabilis naman niya akong inabutan ng tubig na ininom ko naman.

"Ito po ang bayad."

Inabot ko dito ang sampung pisong natira sa akin subalit agad itong umangal at sinabing kinse na daw ang tubig. Napilitan tuloy akong maglabas ng limang piso.

Sa nangyari kahapon ay agad talaga akong kumaripas ng takbo matapos kong halikan ang lalaki. Inisip ko na magdamag kung ano bang nangyari sa akin at ginawa ko iyon. Lahat ng posibilidad ay inisip ko na at nag-end up lang ako sa salitang 'nababaliw na ako' bagay na sagot sa katanungan kung bakit ko siya hinalikan.

Gayunpaman bagamat panay ang pangangastigo sa sarili ay nagagawa ko pa ring mangiti sa isiping hindi na masamang maging first kiss ko ang Israel na hindi man lang ako binayaran na iyon. Gwapo naman siya, kaya okay lang.

Oo na, ako na nga ang maharot.

"Hey! Kiss stealer!" Ang sigaw na iyon mula sa kung saan ang naging dahilan ng pagbuga ko sa tubig na hindi ko pa man nalulunok.

Shuta! Sayang ang kinse.

Agad kong binalingan kung sinong sumigaw bagamat hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy. Medyo, feelingera ako minsan inaamin ko, pero minsan lang iyon.

♪Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag na lang muna
Hintayin na lang ang hanging
Tangayin ang salita

Gayunpaman mukhang sa pagkakataong ito ay hindi nga ako nag-pi-feeling. Ako nga ang tinutukoy ng lalaking nakatayo sa harapan ng isang mustang habang naka-shade pa siya at nginingisian ako. Sa pagkakataong iyon ay nawala na yata bigla ang uhaw ko. Para pa ngang kaya kong tumakbo ng mabilis maiwasan lang ang lalaking kahapon lang ay ninakawan ko ng halik.

♪'Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala

Agad na akong tumalikod na tila hindi siya napansin at umakmang tatakas subalit mukhang hindi niya ako tatantanan. Hindi ko na ikinagulat nang biglang may humila sa wrist ko pabalik.

Sa internet ko nakilala si Israel Delo Santos. Kagaya nga ng sabi ko, nagkausap kami through chat about sa online service ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit imbis na siya ang magtago sa akin dahil hindi nya ako binayaran ay ako ang parang nagtatago ngayon.

Shuta naman kasi Yanyan! Bakit mo ba kasi hinalikan? Wet ka 'te?

Napapapikit na lang ako at hindi na napigilang kagatin ang labi nang paharapin niya ako sa kaniya. Naroon pa rin ang inosente niyang mukha gayunpaman ay malokong ngisi.

♪'Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana 'di magbago ang pagtingin

"Ms. Yanvelle Alvarez, right?" Agad akong umiling sa tanong niya.

"Hindi ako 'yon." Tangging patiwakal ko. Pero huli na para itanggi ko dahil kinuha na niya ang dokumentong hawak ko. Naroon at inilabas niya pa ang biodata ko. Nangingiwing nagangat na lang tuloy ako ng tingin.

Kainis!

"Oo na ako na nga? Ano ngayon?"

"Oh! This is nice, palaban ka." Nangingiting turan niya bagay na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o ikakakaba. "Now, let's go?" Doon na nangunot ang noo ko.

Anong let's go ang pinasasasabi nito?

Subalit mas nagsalubong ang kilay ko nang hilahin na niya ako papunta sa mustang niya.

"Oy! Ano ba? Saan mo ko dadalhin? Kingna kidnapping 'to!" Balak ko na sanang maghihiyaw nang bigla naman niya akong bitawan. Doon naman ako biglang nagtaka. Hindi pa man kami pumapasok sa loob ay binitawan na niya ako, hindi ba dapat ay papasukin niya muna ako? 'Diba ganon sa mga wattpad story?

"Bakit mo ko binitawan?" Hindi ko na naman muli napagisipan ang sinabi ko. Kaya naman nang matawa na siya ay doon na ako sinampal ng kahihiyan.

Naman Yanyan!

"You're so funny!" tawang-tawang turan niya pa. Tumagal iyon ng ilang minuto, pinakatitigan ko naman siya. Gwapo kasi talaga siya. Kung susumahin sa lahat ng lalaking nakilala ko si Israel talaga ang pinaka top 1.

Kaya nga bagamat pang-college na ang research niya at kaka-graduate ko pa lang ng highschool ay tinanggap ko pa rin. Gwapo kasi talaga siya mapa-picture sa social media at personal. Medyo famous din siya kasi halos libo ang mga likers niya sa facebook.

Natigil na lang ako sa panonood sa kaniya nang maramdaman kong may pumitik sa noo ko. Medyo malakas kaya masakit.

"Ano ba!" angil ko kay Israel na siyang pumitik sa akin. Inaano ko na naman ba siya?

"Titig na titig ka sakin ahh, balak mo ko kainin?" Nagtataas baba ang kilay niya na tila nangaasar. Doon ko naman siya seryosong tinitigan.

"Paano kung sabihin kong... oo?" Sa puntong iyon ay tila siya na ang kinabahan. Umatras ang gago palayo sa akin na tila ba na-trauma sa ginawa kong paghalik sa kaniya kagabi.

"Tsk! Kung wala kang kailangan sa akin, 'wag mo na akong gambalain. Naghahanap pa ako ng trabaho Israel." This time ay seryosong-seryoso nang turan ko bago ko siya tinalikuran. Subalit kagaya nang nangyari kanina ay naramdaman ko na naman ang kamay niya sa wrist ko. Gusto kong kiligin sa lambot ng kamay niya, gusto kong kiligin sa ginagawa niyang paghila lalo sa isiping isa ito sa mga eksenang pinapangarap ng libo-libong kabataan. Pero hindi ito ang tamang oras para kiligin. Kailangan kong makahanap ng trabaho ngayon araw, hindi ako mapagaaral ng kaharutan.

"Nag-chat ako sa'yo kagabi, hindi ka nag-online?" Iyon ang ibinungad niya sa akin nang muli akong mapaharap sa kaniya.

"Hindi ako nag-online, ano ngayon?" Malakas na ang loob ko ngayon na imik-imikan siya dahil mas lamang na ang kahihiyan na nararamdaman ko kaysa ang bayad sa thesis na hindi niya binayaran. Ganito akong klaseng tao, kapag nahihiya ako mas nilalaksan ko ang loob ko kaysa ipakitang nahihiya ako.

Nahihiya na nga ako, ipapakita ko pa ba?

"Oh, kaya pala hindi niya alam." Tumatango-tango pa siya na tila sarili ang kinakausap. Gayunpaman malinaw ko siyang narinig dahil hindi naman ako bingi.

"Anong hindi ko alam?"

Ang lakas ng loob ko sa pagtatanong ay natigil nang iharap niya sa akin ang cellphone niya. Doon na nanlaki ang mata ko lalo nang makita ang larawan ko habang magkahalikan kaming dalawa sa harap ng Arc University.

Nakapost iyon sa Arc University Secret Files. Ni hindi man lang na-i-blurred doon ang mukha ko, lantad na lantad ang kuha.

"Shuta!" Hindi ko na napigilang mapamura.

I M _ V E N A

The Law of CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon