Kabanata 16

55 4 0
                                    

Kabanata 16

Masasabi kong isa ako sa mga nangangarap na magkaroon ng mala-prinsesang buhay kasama ang mga mahal ko sa buhay. Pinapangarap ko na maging mayaman nang makatulong ako sa pamilya ko at matustusan ko ang lahat ng pangangailangan nila. Nangarap din ako ng gwapo at mayamang boyfriend dahilan ng mataas kong standard kaya naman sa loob ng 18 years kong pagiging tao ay wala pa akong nakarelasyon liban kay Israel na ngayon ay boyfriend ko na. Sa totoo lang masyadong perpekto na para sa akin si Israel. May bonus pa nga dahil kahit na gwapo at mayaman siya hindi siya manyak at nirerespeto niya ako. Mabait naman siya minsan kahit mapangasar siya ang naging problema lang siguro ay dahil sa sakit niya.

♪What if...
What if we run away?
What if...
What if we left today?
What if we said goodbye to safe and sound?♪

"Good God! Israel bakit mo sinunog!" balisang hiyaw ko na kay Israel na mukhang ngayon lang nahimasmasan nang biglang umulan. Hindi ko alam kung mabuti ba iyon upang mapatay ang napakalaking sunog na nalikha namin sa kabundukan ng aliwalas o ano? Subalit alam kong malaking problema ito.

♪What if...
What if we're hard to find?
What if...
What if we lost our minds?
What if we left them fall behind
And they're never found?♪

"V-Velle, what should I do? I didn't mean it. You said your in cold. My plan is to set up fire but—"

Hindi na niya matapos-tapos ang sasabihin dahil pareho kaming problemado na umabot sa puntong hindi na namin alintana kung basang-basa na kami ng ulan.

"But ano? Nakalikha ka ng malaking sunog! Nagsunog tayo ng kabundukan Israel! Malaking sunog! Punyeta naman!" Hindi ko na napigilang hindi maging histerikal sa nangyayari.

Shit! Hindi na ako makapagisip ng rasyonal dahil tiyak na hindi na lang ang mga mata namin ang nakasaksi ng sunog na kami din ang gumawa.

♪And when the lights start flashing like a photo booth
And the stars exploding
We'll be fireproof♪

"Why are you shouting at me! Yes, its my fault okay, but— don't shout! It's not like I meant it! It was accident, Velle!" hiyaw na din niya pabalik kung kaya naman hindi ko na napigilang mapahilamos ng mukha.

Kita ko na naman kung paano siya mawalan ng pasensya. Inaatake na naman siya ng sakit niya.

"You're looking at me like I did it on purpose! Why? I though you love me! Aren't you?" Hindi ko maintindihan kung bakit biglang napunta sa ganito ang usapan namin. Labas ang love sa usapan namin dahil in the first place ang problema namin ay ang sunog. Pero hindi ko siya magawang kwesyonin dahil alam kong may sakit siya kaya siya ganito. Kailangan kong magpasensya kasi nga may sakit siya.

"You liar! Bitch! Slut! Whore!" Kailan man ay hindi ko hinayaan ang sarili kong tawagin ninuman ng ganon kung kaya naman sa inis ko ay nasampal ko na siya.

Ang hirap-hirap niya nang intindihin!

"Please Israel! Kahit ngayon lang kausapin mo ako ng ayos! Umayos ka naman! Kasi nahihirapan na ako!" Masyado na akong nag-o-overthink sa mga nangyayari at lahat iyon ay parang sasabog sa utak ko. Hindi na lingid sa kaalaman kong krimen ang pagsisimula ng sunog lalo sa kabundukan.

Makakasuhan kami nito! Makukulong kami!

♪My youth
My youth is yours
Tripping on skies, sipping waterfalls♪

Pero imbes na umimik siya ay natulala lang siya sa akin. Panay pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan na mukhang ipagpapasalamat ko. Nang iwan namin kanina ang lugar ay napakalawak na nang naabot ng sunog, iyon ang ikinababahala ko. Oo, naapula nang biglang pag-ulan ang sunog pero huli na iyon para maibalik ang mga nasunog na halaman o kung ano sa lugar na pinaggalingan namin.

The Law of CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon