Kabanata 13
Alam ko sa sarili kong mas importante ang pangarap ko kaysa sa kahit anong bagay sa mundo. Alam na alam ko iyon bago ko pa nakilala si Israel. Buo ang isip ko na kahit hindi ako masyadong matalino kagaya ng iba ay alam kong kakayanin ko dahil may pangarap ako. Subalit sa mga nagdaang araw na kasama ko si Israel, alam kong saglit rin akong nakalimot. Ay mali, sinadya kong makalimot upang makasama siya.
♪What would I do without your smart mouth?
Drawin' me in, and you kickin' me out
You've got my head spinnin', no kiddin'
I can't pin you down♪Siguro ay totoo ang sabi nila, na kayang makalimutan ng isang tao ang lahat alang-alang sa nararamdaman niya. Na minsan sa buhay natin, kaya nating ipaubaya ang lahat ng posibilidad na mangyari sa hinaharap makasama lang ang taong mahal natin.
Mahal? Mahal ko na ba talaga siya agad?
♪What's going on in that beautiful mind?
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me
But I'll be alright♪Maging ako ay hindi sigurado sa nararamdaman ko. Pero kung may bagay man akong sigurado, iyon ay wala akong balak iwan si Israel o ni ang lumayo sa kaniya.
Hirap man kami pareho ni Kim ay tinulungan ko siyang maipasan sa likod niya ang pinsan niya hanggang sa makarating kami sa tent. Walang imik niyang inilapag si Israel sa loob habang ako ay nakamasid lang sa kaniya. Gayunpaman nang makalabas na siya at maisara ang tent ay agad na akong nagtanong.
"M-May sakit siya hindi ba?" Kinakabahan ako sa magiging sagot niya pero pinilit ko ang sariling hindi ipahalata iyon ng sobra. Tiningnan niya lang muna ako mula ulo hanggang paa na para bang inaanalisa ang kabuuhan ko.
"Nagapang ka na?" Hindi ko inaasahan ang magiging tanong niya subalit hindi ako si Yanvelle Alvarez para sa wala. Hindi ko hinahayaan ang sarili kong bastus-bastusin ng kung sino lang.
"Gusto mong tusukin ko 'yang mata mo at sipsipin lahat ng dugong lalabas dyan? O baka naman gusto mong dukutin ko na lang 'yan?" mariing turan ko. Walang halong pagbibiro o ano. Doon na siya napaatras at bahagyang napalunok. "Ulitin mo pang sabihin 'yan sa akin at ako mismo ang tatadtad d'yan sa dila mo." Huminga ako ng malalim bago ako muling nagtanong. "Ngayon uulitin ko, may sakit ba siya?" Dali-daling napatango si Kim. Tumawa pa ang loko na akala mo ay nakikipagbiruan ako sa kaniya. Imbis na magtanong ulit ay hinintay ko siyang umimik na mukhang napansin naman niya kaya dali-dali siyang nagsalita.
♪My head's under water
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind♪"IED, IED ang sakit niya."
Muli ko siyang tinitigan ng mariin para ipakitang gusto ko pang makarinig ng marami patungkol doon.
"K-Kumalma ka kaya muna, sasabihin ko sa'yo kapag kalmado ka na."
Sa sinabi niyang iyon ay mabilis kong binago ang ekspresyon sa aking mukha. Huminga muli ako ng malalim bago napiling talikuran siya.
"Sumunod ka sa akin."
Naramdaman ko namang agad siyang tumugon sa sinabi ko kung kaya naman naglakad ako patungo sa tabing ilog at doon naupo. Walang araw ngayon marahil ay uulan mamaya. Naramdaman kong uupo sana si Kim sa tabi ko subalit agad ko siyang pinagtaasan ng kilay.
"Sinabi ko na bang umupo ka d'yan?" Dahil sa pagpuna ko ay agad siyang napatayo ng tuwid. Tumikhim na lang ako at pinaupo na siya isang dipa ang layo sa akin para naman hindi na siya mapahiya. "Ano iyong IED?" tanong ko pa rin bagamat may ideya ako na tungkol iyon sa anger issue.
BINABASA MO ANG
The Law of Creation
RomanceCompleted Life doesn't happen by itself, we need to make it happen. (2nd Law of Karma) *** In her relentless pursuit of a better life for her family, Yanvelle's world spirals when a chance encounter with Israel-a mysterious stranger-leads to a kiss...