Kabanata 8

64 7 0
                                    

Kabanata 8

Kahit naman mahirap lang kami. Tinuruan naman ako ng nanay kong matutong maligo araw-araw. Tipong kahit wala na kaming makain, gagawa ng paraan si Papa Robert at Mama Teressa na makapaghanap ng pera mabayaran lang ang tubig namin. Hindi nagkulang ang mga magulang ko sa pagpapalaki sa akin at iyon ang bagay na ipagmamalaki ko.

Gayunpaman kahit anong kagustuhan kong maligo ngayon araw ay mukhang napakaimposible na niyon lalo at pagabi na. Bundok ito at napakaimposibleng may makita ditong tubig. Gusto ko na sanang bumaba kaya lang hindi naman kayanin ng konsensya ko na iwan na lang basta ang walang malay na si Israel. Mabuti na lang talaga at maayos pa ang pagkakatayo ng tent kanina kung kaya doon ko siya ipinasok. Medyo mabigat siya kaya nahirapan talaga ako sa ginawa kong pagkaladkad sa kaniya.

Sa katunayan ay nagaalala na talaga ako kay Israel. Kinakabahan din ako dahil baka napasama ang pagpapatulog ko sa kaniya. Hanggang ngayon ay tulog pa rin siya at hindi pa rin nagigising. Gayunpaman sa maghapong nagdaan ay wala akong ibang ginawa kundi kalikutin ang iphone 11 niyang cellphone na kataka-takang wala namang password. Medyo nahirapan ako sa paggamit gayunpaman ay nagawa ko makapag-picture-picture doon. Infairness naman kasi, ang ganda talaga ng camera.

Balak ko sanang mag-online kaya lang walang signal. Kaya naman nagtyaga ako sa pag-pi-picture, saglit na paglalaro at pagpapatugtog. Mabuti na lang talaga at medyo matagal iyong ma-lowbat pero kung malowbat man ay hindi na magiging problema dahil may power bank na dala si Israel.

Nagpasya akong pumasok na sa loob ng tent nang makapagsiga na akong muli ng apoy. Bitbit ang delata na may lamang sausage ay pagapang akong lumapit kay Israel na tulog pa rin.

Ano na kayang nangyari dito? Bakit kaya tulog pa rin siya?

Dahil doon ay kinakabahang nakagat ko na lang ang labi ko. Matapos ay nagpasiyang ibaba muna ang hawak para i-check kung humihinga pa ba si Israel. Ang balak ko lang sana ay itatapat ko ang daliri ko sa ilong niya para damhin kung humihinga pa siya. Subalit ang biglaang pagkilos ni Israel at paghatak niya sa akin paibabaw sa kaniya ang naging dahilan ng malakas kong pagtili.

"Ang ingay mo." Natigilan ako dahil sa sobrang husky ng boses niya. Mukhang babagong gising talaga. Subalit ang tuluyang nagpalaki ng mata ko ay nang maramdaman ko ang umbok sa pagitan ng hita niya.

Shuta!

Mabilis sana akong tatayo subalit agad na ipinulupot ni Israel ang kamay niya sa bewang ko. Ngumiti pa ang loko at bahagyang ibinaon ang mukha niya sa leeg ko at doon suminghot.

"Ang asim." Tila masaya niya pang puna sa akin.

"A-Ano ba bitaw! Bitawan mo ako!" Naghaharumintado na ang puso ko sa ginagawa niya ngayon at talaga ikinapupula ko na iyon kung posible man sa morena kong balat. Kaya naman bago pa ako atakihin sa sobrang kilig ay nagpumilit na akong umalis subalit talagang malakas si Israel.

"Ano ba! Israel naman!" Parang kanina lang ay sinisigaw-sigawan niya ako. Ngayon ay ganito siya kalambing na para bang wala siyang ginawa kanina. Sa patagal ng patagal ay pa-weirdo siya ng pa-weirdo. Seryoso.

"Give me a kiss please, hon." Nanlaki ang mata ko nang bahagya pa siyang ngumuso. Kung kaya naman agad kong tinampal ang labi niya at nang makakuha ng tyempo ay umalis na ako doon. Tumayo at lumabas dala ang latang kinakain kanina.

"Grabe! May sapak yata 'yon." Hindi ko napigilang maikomento habang pinapaypayan ang sarili. Lumapit ako sa may siga ng apoy at doon naupo. Panay ang pagrereklamo ko sa kapangahasan ni Israel bagamat sa loob-loob ko ay talagang nagta-twerk na sa kilig.

"Nakakainis! Sana pala ay hindi na lang ako pumasok doon. Sana pala ay iniwan ko na lang siya. Sana pala ay umuwi na ako." Pagiinarte ko pa habang kumakain ng sausage. Nang makita kong lumabas na si Israel sa tent na may dala na ring lata at bottled water ay mas itinodo at nilaksan ko na ang pagiinarte.

"Sana pala ay hindi ko na siya binantayan. Sana pala ay hinayaan mo na lang siya. Sana pala ay umuwi na talaga ako." Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Basta ang alam ko lang gusto kong gawin ito. Nagpapapansin siguro.

"Tama na 'yang kadadak-dak mo d'yan. Oh, tubig," anang nito nang makalapit siya sa akin. Inabot niya ang dala niyang bottled water matapos ay umupo siya sa malaking kahoy na inuupuan ko rin. Panay ang pagngisi-ngisi niya habang nakatingin sa akin nang tanggapin ko ang tubig nang hindi siya nililingon.

Ang balak ko sana ay magiinarte ako na kunwari ay ayaw ko siyang pansinin subalit lahat iyon ay natapos nang mag-make face ang loko. Mukhang alam niya pinagmamasdan ko siya sa peripheral vision ko kaya naman ang lakas ng loob magduling-dulingan, magpangiwi-ngiwi at magpa-cute.

Nang matawa na ako ay tumigil na siya.

"Huli ka!" masayang turan niya kaya naman pinilit kong pigilan ang tawa ko.

"Gago ka! 'Di counted iyon, ulit!" Sabi ko na tila naglalaro kami ng laro na ang matawa ay talo. Dahilan iyon ng pagtawa niya.

"Ano 'to, laro?" Tuloy ay nagtawanan na lang kami. Subalit sa likod ng mga tawa ko ay alam kong may kaba dahil talagang kakaiba ang paiba-iba ng mood swing ni Israel.

Natatakot akong baka hindi magtagal ang tawanan namin at mamayamaya ay magalit ulit siya katulad kanina. Kaya naman bilang pagiingat ay umisod ako palayo sa kaniya ng bahagya. Mukhang napansin naman niya iyon dahilan ng bigla niyang tanong.

♪I'll be the one
That stays 'till the end
And I'll be the one
That needs you again♪

"Natakot ba kita?" Tango lang ang isinagot ko sa kaniya. Tuluyang humupa ang tawanan at nabalot ng katahimikan ang paligid.

♪And I'll be the one that proposes
In a garden of roses
And truly loves you long after our curtain closes♪

Ang pinaghalong lamig ng dalisay na hangin dala ng mga puno sa bundok at ang usok mula sa pagsisiga ay naghahalo. Sinasabayan iyon ng tunog ng kuliglig na tila sa loob ng halos isang araw ko dito ay naging musika na sa aking pandinig.

"I'm sorry, mainitin lang talaga ang ulo ko. Sobrang sensitibo ko at, at, hehe sa totoo lang hindi ko na alam." Sa pagkakataong iyon ay hinayaan ko lang siyang umimik. Pinakinggan ko lang si Israel sa kung ano man ang sasabihin niya sa akin. Subalit ang bigla niyang pag-iyak ang hindi ko napaghandaan. "Shit! Why am I crying?" Ang tanging nagawa ko sa puntong iyon ay ang yakapin siya.

♪But will you still love me
When nobody wants me around?♪

"Shhh!" Bahagya ko ring hinagod ang likod niya at hinayaan siyang masaganang umiyak sa balikat ko.

"This is so gay," rinig ko pang bulong niya. Halata sa kaniyang naguguluhan din siya sa nangyayari sa kaniya. May takot at hiya sa katotohanang umiyak siya sa harapan ko.

"Ano ka ba, hindi naman nakakabakla ang pagiyak nangangahulugan lang ito na tao ka pa rin at may emosyon. At saka hindi ba pwedeng pagod ka na lang sa mundo?" Pangaalo ko sa kaniya. Mas isiniksik niya ang mukha sa akin at umiyak doon. Humigpit din ang yakap niya na hinayaan ko naman na.

"Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko Yanvelle. Sobrang gulo ko na. Natatakot ako." turan niya na tila isang batang inaway ng kalaro nya at nagsusumbong na sa nanay niya. "My head will soon explode in so much confusion. Help me, Yanyan." Hindi ko maintindihan subalit nang sabihin niya iyon ay humigpit na rin ang yakap ko sa kaniya. Mula doon ay nabitawan ko ang isang pangakong hindi ko alam kung mapapanindigan ko nga hanggang huli.

"Pangako, tutulungan kita. Nandito lang ako, hindi kita iiwan."

I M _ V E N A

The Law of CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon