Kabanata 26

2 0 0
                                    

Kabanata 26

Nagising na lang ako dahil sa pananaginip. Muli na naman akong dinalaw ng bangungot ng pananakit ni Tito Rey. Hindi na ito nawala at tila ba kinasanayan ko na. Gayunpaman hindi pa rin maganda sa pakiramdam.

Huminga ako ng malalim para kalmahin ang malakas na tibok ng puso ko. Pinunasan ko na din ang noo kong basang-basa ng pawis bago muling nahiga muli.

Sa totoo lang, hindi talaga ako naniniwalang may sakit ako. Kase alam kong hindi ako baliw. Baliw lang iyong mga taong may sakit sa utak at hindi ako ganon. Pero sa nangyare kanina at sa ginawa ko kay Yanvelle. Alam ko sa sarili kong may mali nga talaga sa akin. Hindi ako normal.

Doon ako nakaramdam ng takot. Takot na baka iwan ako ni Yanvelle. Na baka umalis na sya at iniwan na ako. Dahil doon ay napapikit ako. Hindi ko na kayang lumabas para lang ma-disappoint at makita syang wala na. Naitabing ko pa ang braso ko sa mukha.

Damn it! I fuck everything up again. Stupid Israel!

Napabuntong hininga na lang. At akma na sanang tatayo ngunit nang biglang bumukas ang tent ay agad akong napabalik ng higa ulit at mas diniinan ang pagkakapikit.

Nandito pa ba sya?

Pigil ko ang sariling ngisi nang maramdaman kong may kung sino ang nasa ibabaw ko at bahagyang sinasalat ang ilong ko na tila tinitingnan kung humihinga pa ba ako. Doon na ako napangisi at mabili ang kilos na hinatak sya ng tuluyan paibabaw sa akin. Nang tumili sya ay nagmulat na ako. Napangiti nang masilayan muli si Yanvelle.

"Ang ingay mo." Bulong ko pa. Mabilis sana syang tatayo subalit agad kong ipinulupot sa bewang nya ang kamay ko. Ngumiti ako ng lalo bago muling ibinaon ang mukha ko sa leeg nya at doon suminghot. Mabango pa rin naman sya kahit amoy init.

"Ang asim." pangaasar ko.

"A-Ano ba bitaw! Bitawan mo ako!" Pinaghahampas nya na ako pero hinayaan ko lang sya. Gusto ko kung ano ang posisyon namin ngayon. Gustong-gusto ko ang paglalapat ng katawan namin sa isa't-isa. Gustong-gusto ko iyon. "Ano ba! Israel naman!"

"Give me a kiss please, hon." Nakangising pagbibiro ko dahilan ng panlalaki ng mata nya. Natatawang ngumuso pa ako para mukhang makatotohanan. Hindi na ako nagulat ng tampalin nya ang labi ko bago tuluyang tumayo at tumakbo palabas. Matawa-tawang umupo naman ako. Hanggang sa ang tawang iyon ay nauwi na lang sa ngiti.

Masaya ako sa katotohanang nandito pa rin sya at hindi nya ako iniwan subalit may takot sa magiging reaksyon nya mamaya. Dahil hindi na lingid sa kaalaman kong alam na nyang may mali sa akin. Kagaya ng pagtanggap kong may mali talaga.

Napatingala na lang ako at bahagya muling bumuntong hininga. Bago ako nagpasyang kumuha ng delata at tubig saka lumabas na.

"Sana pala ay hindi ko na sya binantayan. Sana pala ay hinayaan mo na lang sya. Sana pala ay umuwi na talaga ako." Pagpaparinig ni Yanvelle sa akin habang nakaupo lang sya sa may kahoy sa harap ng bondfire. Nangiwi na lang ako nang makalapit sa kanya at inabot ang tubig.

"Tama na yang kadadak-dak mo dyan. Oh, tubig." Agad naman nyang tinanggap iyon nang hindi ako nililingon bagay na ikinangisi ko pa lalo. Nagiinarte na naman sya.

Kaya naman ang ginawa ko ay nag-make face ako. Dumila-dila, nagduling-dulingan at nag-play death. Nagpacute pa ako sa kanya at nagpikit-pikit ng mata. Alam ko naman kaseng nakikita nya pa rin ang ginagawa ko kahit na nakatutok lang sya sa apoy. Nang matawa na sya ay tumigil na ako.

"Huli ka!" masayang turan ko kaya naman pinilit nya pang pigilan ang tawa nya subalit hindi na sya nagawa pa.

"Gago ka! Di counted iyon, ulit!" Natawa pa ako lalo.

The Law of CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon