Kabanata 25
"Bakit ka nagpa-partime?" Mabuti na lang talaga at hindi sya nagpumilit na makuha ang sagot ko.
"Ayoko naman talagang mag-partime. Wala naman sigurong may gustong mag-partime kung may pera naman diba?" Paninimula nya ng pagkekwento. Nakinig naman ako habang kumakain. "Pero dahil nga wala naman kaming pera. Kailangan." dagdag nya pa. "Alam mo ba, pangarap ko kaseng tumira sa isang maganda at malaking bahay. Iyong bahay na bato at hindi gawa sa kawayan. Iyong bahay na pinto ang pintuan at hindi kurtinang pangharang lang." Natigilan na ako at napalingon sa kanya. Lumingon din naman sya sa akin kaya naman nagtama ang kapwa mga mata namin. Nakangiti lang sya sa akin habang ipinapaliwanag iyong mga bagay na pangarap nya. "Gusto ko iyong bahay ko may swimming pool tapos jacuzzi. Maganda rin kung may rooftop." Bakas sa mukha nyang masaya sya. Bakas sa mukha nyang gustong-gusto nyang mangyare sa kanya ang mga iyon sa hinaharap. Teka, ito ba iyong sinasabi nilang pangangarap? Halata sa kanyang nagiilusyon lang sya pero bakit masaya sya? Masaya bang magilusyon? Masaya ba ang mangarap? "Gusto ko ring magkaroon ng kotse. Tama na siguro ang Lamborghini. Tapos bibili ako ng maraming damit, alahas at sapatos. I-i-spoil ko ang sarili ko, ang kapatid ko at ang mga magulang ko." ngiting-ngiting anang nya. Nagtataka ako at gustong magtanong subalit pinagkasya ko ang sarili sa pakikinig sa kanya. "Marami pa akong pangarap, pero walang paraan para makuha lahat iyon kundi ang magsikap."
Nang matapos sya ay hindi ko napigilang magkomento. "Pero mahirap ka." Nangiwi naman sya.
"Kaya nga magsisikap diba?" paliwanag nya sa akin. Bagay na hindi ko naman maunawaan. Kapag ba talaga nagsikap, iyong mga ilusyon nya na tinatawag nyang pangarap ay makakamit nya? Iyon bang mga pangarap ay iyong mga bagay na gustong makuha? Pero bakit ako, sabihin ko lang kay Mom ang lahat ay naibibigay na nya? Bakit kailangang kumilos at magsikap? Bakit kailangan nyang magpakapagod? Bakit sya mahirap? "Alam mo kase Israel, sa mga katulad naming mahirap walang mangyayare kung hindi kami gagalaw. Hindi kagaya nyong mayayaman na nganganga lang may magsusubo na sa inyo ng kailangan nyo." masama ang mukhang komento nya.
Sa puntong iyon, naintindihan ko sya. Oo nga naman, kami na mayaman mabilis lang makuha ang gusto. Pero silang mahihirap kailangang magsikap. Pero kung tutuusin mali din sya, hindi lahat ng gusto ng mga mayayaman ay nakukuha nila. Minsan pa nga ay malaki ang lamang ng mga mahihirap dahil iyong mga bagay na gusto ng mayayaman ay meron sila. Katulad na lang ng pamilya. Buo ang pamilya ni Yanvelle, habang ako. Watak-watak na nga kami, magulo pa. Sa puntong iyon doon ko napagtantong may pangarap din pala ako. Na sa loob-loob ko ay nangangarap pa rin ako ng buong pamilya, bagay na kailanman ay hinding-hindi na mangyayare pa.
"I have a hand Yanvelle. Hindi ko kailangang magpasubo." turan ko na lang upang ilihis sa drama ang usapan. Doon naman sya natawa matapos ay hinawakan ang ulo ko saka iyon ginulo. Nagtaka ako at talagang natigilan.
"Ang cute mo naman." nangingiting saad nya pa habang ginugulo-gulo ang buhok ko. Kaya naman bago pa nya tuluyang magulo iyon ng sobra ay hinawakan ko na ang kamay nya para pigilan sya. What is she doing? "Sorry!" mabilis nyang turan at balak na sanang bawiin ang kamay nya ngunit hindi na ko iyon pinakawalan.
Hindi ko mapigilang hindi alalahanin kung paano nya hawakan ang buhok ko. Masarap iyon sa pakiramdam. Natutuwa ako.
Subalit ang bigla nyang pagkagat sa labi nya ang nagpawala sa isip ko ng ginawa nya kanina. This girl is such a pain on the crotch.
"K-Kuya Israel nasasaktan na po—" tuluyan akong nawala ng kontrol sa sarili nang marinig kong tawagin nya akong kuya. Nakakabwiset iyong pakinggan kung kaya naman mabilis ko na hinapit ang batok nya palapit sa akin at hinalikan sya. Hindi na lang dampi ang halik na naibigay ko sa kanya. Hindi na lang din iyon simpleng paglalapat dahil alam ko sa sariling nangaangkin na ako. Inaangkin ko na sya. Nararamdaman ko ang pagpupumiglas nya gayunpaman ay nagpatuloy lang ako. "Hmmm!" Subalit nagulat ako ng bigla nya akong kagatin kaya naman wala sa sariling naitulak ko sya.
"Bitch!" galit na hiyaw ko pa. That time, I knew I was fucked up.
Masama ang tingin nya sa akin. Namumutla na rin sya at kita ko sa mga mata nya ang takot. Subalit doble naman ang naging kaba at biglaang panlalamig ko nang makita syang mangiyak-ngiyak na. Alam ko sa sarili na aatakihin na naman sana ako ng episode ko. Subalit nang makita syang naiiyak, lahat ng init ng ulo ko naglaho at nauwi sa pagaalala.
"H-Hey."
"Umalis ka! Labas!" galit na bulyaw nya. Bagay na nagpakunot ng noo ko sa puntong ito ay hindi na dahil sa inis bagkus ay dahil na sa kaba.
"W-What? Hey Yanvelle—" hindi ko nanatapos pa ang sasabihin ko nang muli syang sumigaw.
"Umalis ka Israel o ipupukpok ko ito sayo!" ani nya nang mahagip ang mono pad na nasa gilid.
"Yanvelle, hindi mo ko pwedeng paalisin! Saan ako tutulog?"
"Wala akong pakialam kung saan ka matutulog! Ayaw kitang makita! Alis!" bulyaw nya muli.
"What the hell is wrong with you? You can't just order me anything that you want woman! I'm Delo Santos!"
"Umalis ka! Alis sabi!" Tuluyan na nyang ibinato sa akin ang monopad na nahawakan nya.
"Aray! What the hell woman!"
"Umalis ka sabi e!" Muli nya akong pinagbabato ng mga bagay na nahahawakan nya.
"Masakit na ha!"
"Alis ka nga e!"
"Bakit ka ba nagagalit dyan?" Napapahiyaw na tanong ko. Hindi sya sumagot, gusto nya lang akong paalisin.
"Umalis ka na kase!"
"Is it because I kiss you torrid? That's why you're mad?" Hindi pa rin nya ako sinagot at pinagbabato lang ako ng mga gamit sa loob ng tent.
"Tangina ka umalis ka sabi!"
"Fine! Fine! Fine! Stop it Velle!" Hindi ko na napigilang mapasigaw ng malakas. Natigilan naman sya gayunpaman ay masama pa rin ang tingin sa akin. "I—" I'm sorry. Bagay na hindi ko masabi-sabi at hindi ko pa kailanman sinasabi sa kahit na sinong nakakakilala sa ako o nakikilala ko dala ng mataas na pride. Napabuntong hininga na lang ako bago nagbitaw ng salitang kaya kong sabihin. "I will leave."
Nang gabing iyon, first time kong maranasang matulog sa ilalim ng puno. Bagamat malamok, malamig at talagang hindi safe ay kinaya ko pa rin.
Subalit hindi naging maganda ang tulog ko. Hindi lang dahil sa malamok at malamig bagkus ay dahil na rin sa pagiisip kay Yanvelle at sa naging away namin. Ayaw kong makitang naiyak sya. Hindi ko gustong iyakan ako ng isang napakainosenteng batang kagaya nya. Pero hindi ko maitatangging cute talaga syang tingnan. Umiiyak man, tumatawa o naiinis maging kapag nagagalit. Gustong-gusto ko talagang pagmasdan ang paiba-iba nyang reaksyon at gusto ko pang makita ang iba.
Nang gabing iyon, muli ako nangarap at humiling na sana ay mas tumagal ang ang mga panahon na magkasama kaming dalawa. Dahil gusto ko pa syang makasama. Gustong-gusto ko pa.
I M _ V E N A
BINABASA MO ANG
The Law of Creation
RomanceCompleted Life doesn't happen by itself, we need to make it happen. (2nd Law of Karma) *** In her relentless pursuit of a better life for her family, Yanvelle's world spirals when a chance encounter with Israel-a mysterious stranger-leads to a kiss...