Kabanata 22
"Anak, where are you going?" Iyon agad ang naging tanong ni Mom nang makababa ako ng hagdan namin. Masyadong malawak at malaki ang bahay namin para sa aming dadalawa lang naman. Minsan pa nga ay ako lang dahil malimit ay nasa France sya para asikasuhin ang business doon.
"Mall." simpleng saad ko bago nagdire-diretso palabas. Sumunod naman sa akin si Mom kahit na naka-satin dress lang sya. Natigilan tuloy ako. "Mom, it's cold here, get inside!" Hindi ko napigilang mapahiyaw. Alam naman kase nyang malamig tapos lalabas syang nakaganon lang.
"Son, it's already midnight. Wala nang bukas na mall ngayon." Doon ako natigilan.
"But Mom, I need to buy things now! I need it tomorrow!" I can't help myself not to shout out of mix frustration. I need to buy things for me and Yanvelle tomorrow. I need it.
Mabilis na hinawakan ni Mom ang magkabilang braso ko. Bakas ang pagaalala sa mukha nya na tila ba kinakabahan na din sya.
"Okay, okay, calm down first Israel. Ako na ang bahala. Mom will buy you things you like, okay?" Pilit nya akong kinakalma. "Breath son, inhale, exhale." Ginawa ko naman ang gusto nya para kalmahin ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Kung bakit palagi na lang mainit ang ulo ko. Sakit daw ito sabi ni Dra. Mendez. Ito daw iyong IED ko, bagay na hindi ko naman halos ginusto. Hindi ko ito ginusto dahil talagang nakakabaliw kapag inaatake na ako. Isa sa mga napakaraming dahilan kung bakit binabalak kong mag-hiking muna. Umaasang makakatulong iyon sa paggaling ko.
"Mom, I-I want to go hiking tomorrow." anang ko nang makalma. Doon sya natigilan.
"Why?"
"I can't be like this all the time in front of you. I want to take a break. I need to." Nang gabing iyon, ayaw man ni Mom ng desisyon ko ay pumayag sya. Kinabukasan ay inihanda nya lahat ng mga kakailanganin ko at tumulong naman ako. Nag-suggest pa sya na isama ko raw si Alecxis pero tumanggi na ako dahil may ibang tao akong nais isama.
I plan to visit Yanvelle to their house. Pero hindi pa man ako nakakarating sa kanila ay nadaanan ko na sya sa kalsada. Dahil doon ay itinigil ko ang mustang ko sa may gilid. Bumaba at malakas na sumigaw para tawagin ang babaeng ngayon ay naginom ng tubig.
"Hey! Kiss stealer!" Gayunpaman mukhang nagulat sya kaya naman naibuga nya lahat ng tubig. Hindi ko napigilang hindi mapatawa.
Nagpapa-cute pa yata sya sa akin.
Nang lumingon sya ay agad ko syang nginisian. Mukhang namukhaan nya naman ako kaya agad na syang tumalikod na tila hindi nya ako napansin ni kilala. Kaya naman bagamat matawa-tawa ay hinabol ko agad sya. Mabilis ko nang hinawakan ang wrist nya bago pa sya makatakbo papalayo sa akin. Mabilis ko syang pinaharap sa akin subalit nakapikit na sya at kagat-kagat pa ang labi. Lalo akong natawa. Tinigil ko na lang iyon nang saglit syang magmulat ng paunti-unti.
"Ms. Yanvelle Alvarez, right?" Agad syang umiling sa tanong ko.
"Hindi ako yon." Tanggi nya pa sana kaya lang mas mabilis ako sa kanya. Kinuha ko ang biodata nya at ipinakita iyon sa kanya. Subukan nya pang tumanggi at hahalikan ko talaga sya dito. Ibabalik ko talaga ang halik nya sa akin kahapon. "Oo na ako na nga? Ano ngayon?" Sa wakas umamin din. Hindi pa naman ako marunong makipaglaro ng matagal.
"Oh! This is nice, palaban ka." Nangingiting turan ko. "So, let's go?" Doon na nangunot ang noo nya. Pero wala akong panahon para magpaliwanag kaya naman hinila ko na sya.
"Oy! Ano ba? Saan mo ko dadalhin? Kingna kidnapping to!" Natigilan ako sa sinabi nya at mabilis ko na syang binitawan. Actually wala naman akong balak pilitin sya kung ayaw nyang sumama. Yes, gusto ko syang isama pero kung ayaw naman talaga nya ay okey lang sa akin. Basta ba ay makakahalik ako sa kanya ngayon bago man lang ako umakyat sa bundok. "Bakit mo ko binitawan?" Ngunit ang sinabi nyang iyon ang nakapagpatawa sa akin. Hudyat din iyon para sa akin na gusto nya talagang sumama. Aminin nya man sa sarili nya o hindi.
"You're so funny!" Hindi ko talaga mapigilang matawa sa kanya. Iba-iba iyong emosyon ng mukha nya pero kumpara kahapon na talagang nagpipigil sya ngayon ay hindi na. Makulit na din ang tono nya na tila komportable sa akin. Tulala pa nga sya habang nakatitig sa akin ngayon kaya naman para gisingin sya ay pinitik ko ang noo nya.
"Ano ba!"
"Titig na titig ka sakin ahh, balak mo ko kainin?" Nagtataas baba ang kilay ko habang inaasar sya. Subalit natigil na lang nang seryoso nya akong pakatitigan.
"Paano kung sabihin kong oo?" Hindi ko alam pero agad akong napaatras sa sinabi nya. "Tsk! Kung wala kang kailangan sa akin, wag mo na akong gambalain. Naghahanap pa ako ng trabaho Israel." This time ay seryosong-seryoso nang turan nya bago nya ako talikuran. Subalit hindi ko sya hinayaang makaalis. Muli ay hinila ko ang kamay nya.
"Nag-chat ako sayo kagabi, hindi ka nag-online?"
"Hindi ako nagonline, ano ngayon?" Natigilan ako.
"Oh, kaya pala hindi nya alam."
"Anong hindi ko alam?" Nang tanungin nya iyon ay agad kong kinalikot ang cellphone ko bago iniharap sa kanya ang kumakalat na larawan namin sa internet. "Shuta!" Natawa ako sa paraan nya ng pagmumura.
Nang mga oras na iyon ay nagpasya syang sumama sa akin. Hindi ako tanga para hindi maisip na sumama sya sa akin dahil gusto nya hindi dahil sa picture. Gayunpaman ninais kong sakyan ang pinaniniwalaan nya sa hindi ko maintindihang dahilan. Hindi ko nga ba talaga maintindihan o pilit kong hindi iniintindi?
Napabuntong hininga na lang ako.
Masaya ako ngayon, kalmado at payapa iyon ang mahalaga.
"Saan tayo pupunta?" tanong nya habang nakaupo sa passenger seat at nakikinig ng stereo.
♪Ano ang iyong pangalan
Nais kong malaman
At kung may
Nobyo ka na ba
Sana nama'y wala♪Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mapanakaw tingin sa kanya habang nagmamaneho. Gusto ko syang tingnan habang nagpa-play dumb sya na sumama sa akin para sa picture. Pero mas gusto ko syang tingnan habang tinatangay ng hangin ang ilang hibla ng buhok nya dala ng hangin.
♪'Di mo ko masisisi
Sumusulyap palagi
Sa'yong mga matang
O kay ganda o binibini♪Malalim ang iniisip nya kaya hindi nya na siguro napansin ang bawat paglingon ko. Kaya naman malaya akong pakatitigan ang simple nyang mukha. Halata sa kanyang hindi sya mahilig gumamit ng mga kolorete sa mukha. Simpleng-simple talaga sya subalit mas presintableng tingnan ngayon kaysa kahapon. Halatang stress sya kagabi, ngayon ay maayos na sya. Hindi ko maintindihan kung bakit sa mura nyang edad ay nagpapaka-stress sya.
♪O ang isang katulad mo
Ay 'di na dapat pang pakawalan
Alam mo bang 'pag naging tayo
Hinding-hindi na kita bibitawan♪May boyfriend na ba sya?
Nangiwi ako sa isiping iyon ay ibinaling na lang ang tingin sa daan. "Basta, malapit na tayo."
♪Aalagaan ka't 'di papabayaan
Pagkat ikaw sa'kin ay PRINSESA♪I M _ V E N A
BINABASA MO ANG
The Law of Creation
RomanceCompleted Life doesn't happen by itself, we need to make it happen. (2nd Law of Karma) *** In her relentless pursuit of a better life for her family, Yanvelle's world spirals when a chance encounter with Israel-a mysterious stranger-leads to a kiss...