Kabanata 7

67 6 0
                                    

Kabanata 7

Tuwing umaga sanay ako na pilitin ang sarili kong gumising ng alas tres. Hindi upang mag-ensayo, tumakbo o ano kundi upang magsaing para sa agahan. Initin ang inulam sa gabi para kainin bilang agahan. Magpakulo ng mainit na tubig pang kape sa umaga. Ganon naman talaga kapag walang pera. Gayunpaman hindi naman namin masasabing kahirap ang tawag doon. Pagtitipid siguro upang may maipangbili ng mas kailangan.

Ngunit ang umaga ko ngayon ay kakaiba dahil talagang nagising na ako ng tanghali sa sobrang komportable ng aking tulog. Masaya akong napahikab at nagunat-unat subalit agad iyong natigil nang mapansin kong hindi na pamilyar ang kinalulugaran ko.

Shuta! Hindi ganito ang kwarto ko ah!

Sa puntong iyon ay doon na lang nagbalik sa isip ko ang mga nangyari. Ang pagsama ko kay Israel na mag-hiking sa Mount Aliwalas. Nangiwi ako doon subalit mas nangiwi nang marinig ko ang bahagyang pagtunog ng aking tiyan.

"Nagugutom na ako," naibulalas ko na lamang iyon habang hawak ang kawawa kong tiyan.

"Kaya nga lumabas ka na d'yan." Halos mapatalon ako nang marinig ang katagang iyon mula sa labas. Boses niya pa lang ay alam kong si Israel siya.

"A-Ayoko!" mabilis na tugon ko. Takot na baka kung ano na namang gawin niya sa akin.

"Bakit ka ba galit? Hindi pa rin ba tayo bati? Nilamok ako magdamag dito, hindi pa ba iyon sapat?" bakas ang iritasyon sa boses niya, nangiwi naman ako. Hindi niya man lang alam kung bakit ako nagalit kagabi. Gayunpaman kahit papaano ay masaya ako dahil hindi niya pinilit na pumasok sa loob ng tent habang tulog ako kahit pwede naman niyang gawin iyon.

"'Wag ka na ngang magsalita, na-bi-bwiset ako sa'yo!" bulyaw ko bago nagdesisyong alisin ang mga harang sa pintuan ng tent at doon lumabas.

Balak ko pa sanang magdadakdak subalit ang lahat ng iyon ay nabitin sa ere nang bumungad sa akin ang malalaking sunflower na hawak ngayon ni Israel. Dahil doon ay agad na natikom ang bibig ko. Mabilis pa sa alas kwarto akong nagtunghay ng tingin sa kaniya na ngayon ay nakatayo lang sa harapan ko habang nakayuko sa akin.

♪I've tried to tell you
So many times this feelings of mine
But it's not that easy
Letting you know
How I love you so♪

"Peace offering." saad niya. Nakangiti naman siya subalit walang emosyon ang mga mata niya. Iyong para bang pilit ang ngiti.

♪Complete me, you complete me
I've never felt this way♪

Teka, napipilitan ba ito?

"H-Hindi ko kailangan niyan." Pinilit kong umimik para naman maramdaman niyang hindi ako madadala sa pabula-bulaklak niya. Mula doon ay tumayo ako para magpantay na kami. Hindi ko din pinahalata ang gulat ko, maging ang pahaging na kilig dala ng kaharutan.

"At saka 'wag ka ngang ngumiti kung napipilitan ka lang! Ang plastik mo!" Hindi ko na napigilang magreklamo. Tila naman masunuring tuta si Israel na agad nawalan ng ngiti sa labi. Gayunpaman ay iniabot niya pa rin ang bulaklak.

"Anong gagawin ko d'yan?"

♪Complete me, you complete me
Like words and melody♪

"Try mong kainin." Ako na ang nangiwi sa sinabi niya. "Tanggapin mo na, nangangalay na ako." Wala naman akong nagawa kung hindi kunin iyon. Hindi naman iyon dahil sa marupok ako. Hindi talaga.

"Saan mo ito nakuha?" tanong ko sa kaniya nang magsimula na siyang maglakad habang ako ay sumusunod lang. Bumebwelo pa ako ng pagtatanong kung may pagkain ba para makakain muna ako bago umuwi.

The Law of CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon