Kabanata 5

79 8 0
                                    

Kabanata 5

Humanities and Social Science ang strand na kinuha ko way back Senior High. Kasama doon ang pagaaral namin ng Discipline and Ideas in Social Sciences at Philosophy. Mga subject kung saan nagaaral kami patungkol sa Psychology. Dahilan kung bakit ginusto kong maging isang Psychiatrist. Ang balak ko ay ang makapasok sa Arc University at doon magenroll ng BS Psychology. Kaya lang dahil mahirap at hindi ganon katalino para makapag-apply ng scholarship napilitan akong magtrabaho. Panganay ako kaya kailangan kong kumilos lalo ngayon at natanggal sa trabaho si Papa.

"Bakit sa Arc ka pumapasok kung taga Merzheil City ka? Mas malapit lang doon ang Mersilyo De Letran 'diba?" Sinubukan kong magtanong kay Israel habang buhat-buhat niya ako. Ang pangit naman kasi kung tahimik lang kaming maglalakad lalo at padilim na. Sa tantya ko ay ala-singko y media na ng hapon.

"Blacklisted ako doon."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano?"

"Bingi ka?" Saglit akong napangiwi.

"I mean bakit blacklisted ka?"

"Ahh, buohin mo kasi agad."

"Oo na! So, ano nga? Bakit?" Bahagya akong umayos ng pagkakayakap sa leeg niya at ipinatong ang mukha ko sa balikat niya katabi ng mukha niya upang makomportable. Habang siya ay nagpatuloy lang sa paglalakad na para bang hindi napapagod.

"Sinunog ko ang buong garden ng Mersilyo De Letran." Pagamin niya bagay na ikinagulat ko subalit hindi ko na lang ipinahalata.

"Sinunog mo because?" Ang tanong ko muling iyon ang nagpatigil sa kaniyang paglalakad.

Nagtataka niya akong binalingan na hindi ko na rin halos napaghandaan. Nahigit ko na lang ang hininga ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa may pisngi ko.

Mabuti na lang talaga at hindi ako nakaharap sa kaniya kung hindi tiyak na naglapat na naman ang labi namin. Napapalunok na nagangat na lang ako ng ulo at bahagya sanang lalayo subalit tumalon-talon ang damuhong kaya naman napabalik ako sa posisyon ko kanina. Naramdaman ko na rin ang paghigpit ng kapit niya sa binti ko at ang malagkit niyang tingin na hindi ko na halos mabalingan.

Jusko papatayin yata ako ni Israel sa kilig.

"Imbis na magulat ka dahil sinunog ko ay nagtanong ka kung bakit. What's with you, Yanvelle?" Gusto kong matawa sa isiping mas nagtataka pa siya na hindi ako nagtatanong. Kung tutuusin nga ako dapat ang nagtataka sa amin. Pero hindi ko iyon halos magawa sa posisyon namin.

Kingna naman kasi, konting tulak na lang pwede na kaming mag-kiss dito. Shemay!

"Hay! 'W-Wag mong bitinin. Bakit nga?" pagiwas ko sa tanong niya. Mabuti na lang talaga at maayos naman pala itong kausap. Bumuntong hininga na lang siya bago muling naglakad.

"Sinunog ko para patayin ang aso ng Dean na nakatali doon." Pagamin niya muli na naging dahilan na ng pagtataka ko. May parte sa akin ang medyo kinabahan sa sinabi niya gayunpaman mas malakas ang parte ng pagtitiwala ko sa kaniya.

"Gusto mong patayin ang aso ng Dean because?" panguusisa ko ulit.

"Maingay," simpleng tugon niya. Doon palang ay alam ko nang may mali nga talaga sa pagiisip si Israel.

Pero hindi kaya nagbibiro lang siya at ako itong uto-uto?

Sa isiping iyon ay nakahinga ako ng maluwag.

Baka nga nagbibiro lang siya. Siguro ay sasakyan ko na lang ang trip niya lalo at gwapo naman siya.

"Ahh ganon. Kaya pala sa Arc ka pumasok." Tumango-tango siya.

The Law of CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon