Kabanata 19
After that day, nawalan na ako ng balita sa kaniya. Hindi ko na siya nakita at kailan man ay hindi na hinanap pa. Sa loob ng apat na taon sa kolehiyo ay nagpanggap akong patay sa pagaaral. Nag-dorm din ako kasi ayokong umuwi. Naaalala ko lang ang huling beses ko siyang nayakap. Naalala ko lang lahat ng sakit at babalik lang ako sa mga oras na kami pa.
Nagaral ako ng BS Psychology habang pinagsasabay ko ang pag-pa-part time sa isang sikat na branch ng Love Cuisine dito sa Belguim.
Masaya naman kahit papaano kasi kasama ko naman ang mga kaibigan ko sa iisang school. Hindi nila ako pinababayaan o hinahayaang magisa. Subalit sa bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon na nagdaan. Kailanman ay hindi ko siya nakalimutan. Hindi siya nawala sa isip ko kagaya ng kung paanong nakaukit na siya sa puso ko.
After ng apat na taong pagaaral ay nakapagtapos ako at sa loob ng tatlong taon ay nakapagpatayo ako ng klinika sa Lemeryo. Kaunti lang ang nagpapakunsulta subalit masaya naman ako sa ginagawa ko kaya naman okay lang. Sakto lang din ang kinikita ko para tustusan ang pangangailangan sa bahay na pinatayo ko gamit ang pera sa pagtatrabaho ko sa Mendez Mental Institute. Nag-try akong hanapin si Israel doon kung nandon pa siya pero wala na siya doon noong mga panahon na nagtatrabaho ako.
Hindi ko naman magawang pakialaman ang mga record doon dahil confidential. Nang makapagipon pa ay nagpasya na akong umalis at magpatayo ng maliit kong klinika lalo't may mga regular na pasyente naman na ako.
"Ma'am sa tuwing inaatake po si baby ng anxiety ay ipainum niyo po ito. Pampakalma lang po iyan pero ang mabisang gamot po para bumalik ang sigla ng bata ay ang malimit na pagkausap ng mga tao sa paligid niya. Lagi ninyo po siyang kusapin para hindi niya po maramdamang nagiisa siya. Mas maganda rin po kung ipasyal ninyo siya sa lugar na mapapasaya siya." Nakangiting pagkausap ko sa nanay ng huli kong pasyente sa araw na ito.
Ang pasyente ko ay batang nasa edad limang taon. Nakaranas ng child abuse sa sarili niyang ama kaya naman nagkasakit ang bata ng anxiety. Sa totoo lang walang gamot para doon kundi self healing. Ang mahirap nga lang ay bata siya kaya naman hindi niya maiintindihan kung walang gagabay sa kaniya. Mabuti at dumating ang ina na galing abroad kung kaya naman naasikaso niya ang anak.
"Salamat po Doc." Tumayo na ako nang tumayo siya at nakipagkamay.
"Wala po iyon. Trabaho ko po ito, ingat baby." pahabol pa akong kumaway sa bata bago bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair ko nang makalabas na sila. Malalim akong napabuntong hininga at balak na sanang balikan ang isinusulat kong case study nang tumunog ang cellphone ko. Walang tingin na sinagot ko iyon dahil iisa lang naman ang taong tumatawag sa akin.
"Ano na naman iyon Lilly wala ka nanamang flight ngayon ano? Kaya nakakapangabala ka." Nangingiwing turan ko. Isa na siyang ganap na flight attendant ngayon. Bagay na pangarap niya lang noon.
"Gaga, kasal ni Rebecca Lei ngayon 'diba? Invited kaya tayo 'di ka inform?" Natigilan ako sa ibinalita niya. Mabilis tuloy na bumaling ang tingin ko sa invitation.
"Aba, ngayon pala ang kasal ng impakta?"
"Baliw, move on ka na 'te. Ilang taon na 'yan." Natawa na lang ako bago tumayo. Inalis ko ang lab coat ko at nagpasyang kunin na ang bag ko at ang wedding invitation para magtungo na sa Dalahican Quezon kung saan ang venue. Beach Wedding iyon kaya naman okay lang kahit na anong suot.
Nang makalabas ako ay bumungad sa akin ang secretary kong si Mildred.
"Doc, aalis na po kayo?"
"Oo, paki-resched na lang lahat ng mga pasyenteng na-schedule ko for two days, may pupuntahan lang ako. Pakisabihan mo na din sila then you can take a day off. 'Wag kang magalala buo pa rin ang sahod mo." Mabuti na lang at madaling kausap si Mildred. Nakangiting iniwan ko siya doon at lumabas na ng klinika.
BINABASA MO ANG
The Law of Creation
RomanceCompleted Life doesn't happen by itself, we need to make it happen. (2nd Law of Karma) *** In her relentless pursuit of a better life for her family, Yanvelle's world spirals when a chance encounter with Israel-a mysterious stranger-leads to a kiss...