Kabanata 10

57 5 0
                                    

Kabanata 10

Ako iyong tipo ng babae na hindi ganon kakomplikado magisip. Hindi rin ako masyadong emosyonal dahil matibay ang dibdib ko. Hindi ko ipinapakita sa mga taong malapit sa akin ang part ko na pagiging madamdamin. Hindi ko kasi gusto iyong magmukhang kawawa. Siguro kung may pakitaan man ako, alam ko sa sarili kong pagiinarte lang iyon.

"Hintay naman Israel, nagmamadali? Mauubos ba ang tubig sa waterfalls kapag hindi agad tayo nakarating!" halos pasigaw ko nang tanong dahil talagang malayo na siya sa akin.

Bitbit ko ang bag na ipinadala niya, habang siya ay ganon din. Matapos naming magligpit ng mga gamit kanina ay naglakad naman kami ulit pababa subalit lumiko na kami ng daan. Hindi na kami dumaaan sa lugar na dapat daanan ng mga hikers. Hindi ko nga alam kung tama ba ang desisyon kong pagsama kay Israel, pero may choice pa ba ako e, halos magdadalawang oras na kaming naglalakad pababa. "Malayo pa ba?"

"Ang bagal mo, bilis-bilisan mo kaya!" hiyaw niya pabalik na talagang ikinangiwi ko. Akala ko ba ay kami na? Bakit ganito niya ako kung tratuhin? Hindi naman ganito iyong mga nababasa at napapanood ko ah?

Ako din ang nangiwi sa inisip ko. Mas maigi na rin na hindi siya kagaya ng mga iyon dahil hindi ko gugustuhing ma-cringy-an sa kaniya.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa naisip at mas minabuti na lang na maglakad ng maglakad. Umabot pa ng panibagong isang oras bago ako nakarinig ng lagaslas ng tubig. Dahil doon ay tuluyan na akong napatakbo palapit kay Israel para makahabol. Iyon na lang ang natitirang lakas ko gayunpaman ay masaya akong ibigay iyon lahat.

"Wow!" Hindi ko na napigilang maibulalas iyon nang tumambad sa aking harapan ang napakataas at napakagandang waterfalls. Ang lakas ng lagunos ng tubig mula sa itaas at talagang malinaw ang tubig. Mabato ang paligid, hindi mga simpleng bato dahil talagang malalaki. May nagtataasang puno sa paligid at may mga baging na nakalawit. Para itong isang maliit na paraiso, sobrang tahimik at tanging mga ibon lang ang nagiingay at ang lumalagaslas na tubig.

"Ang ganda!" komento ko bago napiling humarap kay Israel. Subalit wala na siya roon bagkus ay ibinaba na nito ang bag at nagsisimula nang maghubad ng t-shirt niya. Nanlaki naman agad ang mata ko at agad siyang tinalikuran. Nagtatanggal na rin kasi siya ng sinturon niya na talagang alam ko sa sarili kong hindi ko makakaya.

Virgin pa mata ko 'no!

Kagat ang labing huminga ako ng malalim para kalmahin ang nagsisimula na namang maginit na pisngi.

"What are you waiting for, hon? Aren't you gonna swim?" tanong niya sa akin bago ako nakarinig ng malakas na pagtunog mula sa tubig na tila may kung anong bumagsak doon. Nang lumingon ako kay Israel ay wala na siya sa likod bagkus ay naroon na siya at lumalangoy sa ilog na siyang binabagsakan ng tubig mula sa talon. "C'mon babe!" hiyaw niya pa sa akin habang kumakaway.

"Malalim?" pagtatanong ko. Umiling siya. Nakuntento na ako doon.

"Wait lang." Mula doon ay ibinaba ko na ang bag na dala ko at hinubad na ang high waist na pans ko. Mabuti na lang talaga at naglagay ako ng legging. Inilugay ko din ang medyo may kahabaan kong buhok. Huminga ng malalim bago nagpasyang tumalon pasunod sa nagaabang na si Israel. Subalit ang inaasahan kong mababaw na sinasabi ng tarantado ay malalim pala.

Tuluyan akong nag-panic sa ilalim nang lumubog na talaga ako at hindi ko na makapa ang ilalim. Panay ang pagkawag ko paitaas subalit mas nauuna talaga ang takot ko. Gusto kong humingi ng tulong subalit hindi na ako makasigaw sa ilalim. Mawawalan na sana ako ng pagasa nang mula sa itaas ay natanaw ko ang bulto ng isang tao na papalapit sa akin. Natatamaan siya ng sinag ng araw kung kaya naman hindi ko makita ang mukha niya. Gayunpaman wala na akong pakialam kung sino man siya. Kung si Israel siya ay papatayin ko siya kapag nakaahon na ako. Ang tanging nasa isip ko ay tulungan ako ng kahit na sino.

The Law of CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon