Kabanata 21
Napagusapan namin na ala-sais subalit 6 na pero wala pa sya. Hindi ko napigilang mapabuntong hininga muli. Napakakupad naman nya. Nawawalan na naman sana ako ng pasensya kung hindi lang may biglang umakbay sa akin. Nang lingunin ko ito ay si Rudolf iyon. Agad na sumama ang mukha ko.
"Ano na naman iyon?" Walang ganang tanong ko.
"Sino iyon?" usisa nya. Nangunot ang noo ko.
"Sinong sino?"
"Iyong babae kanina, chics ahh!" Nangiwi ako ng wala sa oras sa sinabi nya.
"Wag mo kong tanungin di ko din kilala." Nangiwi na sya. Sa loob ng magaapat na taon ko sa kolehiyo si Rudolf ang palagi kong kasama. At dahil palagi ko nga syang kasama, kilalang-kilala ko na sya. "Wala akong pera ngayon Rudolf hindi kita mapapautang." Tuluyan syang nangiwi.
"Grabe ka naman, nalapit lang ba ako sayo kapag mangungutang?"
"Oo." Lalo syang nangiwi.
"Seryoso?" Doon na ako tumigil sa paglalakad para titigan sya.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Nangiwi muli sya habang napabuntong hininga na lang ako bago itinuro ang isang babaeng abala sa pagbibilang ng pera sa harapan ng canteen. "Umalis ka na nga sa harapan ko at tulungan mo iyong best friend mong pulubi." Saglit na nangunot ang noo nya sa sinabi ko bago binalingan ang itinuturo ko. Ngunit nang makilala nya iyon ay agad na nanlaki ang mata nya.
"Hoy! Anong pulubi! Gago!" Binatukan nya pa ako bago tumakbo palapit sa babaeng itinuro ko. "Julia!" Nangingiwing hinimas ko na lang ang ulo kong binatukan ng walang hiya. Hindi ko na lang sila pinansin at mas piniling magpatuloy sa paglalakad.
Siguro ay mas maiging umuwi na lang ako. Hindi naman na yata darating si Yanvelle. Marami pa akong aasikasuhin at bibilhin para bukas. Ang balak ko ay magha-hiking na lang ako. Nakakaburyo dito sa University. Bahala nang bumagsak, pumapasok lang naman ako dahil iyon ang gusto ni Mom.
Nang makalabas ay dumiretso ako sa parking space sa harapan ng Arc University para sana kunin ang Mustang ko. Kaya lang hindi pa man ako tuluyang nakakasakay ay syang pagtunog naman ng cellphone ko.
Doon na ako napangisi. Dumating na ang kanina ko pang hinihintay na tawag.
"Hello po Sir Israel? Ako po ito s-si Yanvelle Alvarez, andito na po ako sa harapan ng school nyo dala po ang thesis na pinapagawa nyo. Asan na po kayo?" Halata sa kanyang hinihingal sya dahil paputol-putol ang pagsasalita nya. Gayunpaman hindi ko maitatanggi na masarap pakinggan ang boses nya. Hindi muna ako umimik at iniikot ang paningin sa paligid. Doon ko na sya namataan, nakatayo sya sa harapan ng gate ng Arc. May dala syang bag at nakasimpleng wide leg pants na binagayan ng long sleeve. Nakapuyos ang buhok nya at nakatalikod sa dereksyon ko kaya hindi ko makita ang mukha nya. Tuluyan akong napangisi ng mapansing maliit lang talaga sya. Halos hanggang balikat ko lang. Medyo payat din sya, hindi, sexy pala.
Mabilis kong binuhat ang mga paa ko palapit sa kanya. Pilit ko pang inayos ang hitsura ko bago tumayo sa likod nya at pasimpleng ibinulsa ang mga kamay sa jacket na suot. Tinanggal ko ang ngisi sa mukha at pinanatiling walang ekspresyon iyon.
"You're late." anang ko. Mabilis naman syang napabaling sa akin. Doon ko nasilayan ang maganda nyang mukha. Hindi naman pala scam ang profile nya sa facebook, maganda talaga sya. Mas simple lang syang tingnan sa personal. Mapilantik ang kilay nya. Bilugan ang maiitim nyang mata, matangos ang ilong at may makapal na kilay. Mas kaakit-akit tingnan ang natural nyang mapupulang labi. Sobrang kinis din ng mukha nya na tila hindi binibisita ng kung ano mang tagihawat. Hindi sya iyong babaeng lilingunin ng lahat sa sobrang ganda. Pero sya iyong klase ng babaeng tiyak na lilingunin ko.
Hindi ko napigilang mapataas ng kilay dahil sa naisip.
"I-I'm sorry, amm, heto na pala kuya iyong thesis mo." mabilis nyang turan bago ibinigay sa akin ang mga papel na hawak. Napatitig lang ako sa kanya subalit agad na syang nagiwas ng tingin. Mas maganda din pakinggan ang boses nya sa personal. "Bale lahat-lahat ay 5,000 dahil 200 pesos per page." Halatang balisa sya at hind kompartableng kaharap ako. Pinigilan ko naman ang ngisi dahil doon at mas piniling tumango-tango na lang. Kinuha ko ang mga papel na inaabot nya at tiningnan ko iyon isa-isa.
"Mali ang statement of the problem. Hindi konektado sa title ng thesis ko." pagsasabi ko ng totoo. "Sa Chapter 2 naman may ilang details ang hindi konektado. Halatang sa internet lang kinuha ang Related Literature. Hindi rin tama ang Statistical Treatment na ginamit. Kaya mali ang result." Sa loob ng halos mag-a-apat na taon ko sa college hasado na ako masyado sa pagbabasa ng mabilis. Kapag Criminal Law ang course, masyadong maraming kailangang basahin at kabisaduhin. Kaya naman ang mabagal magbasa at maka-pick up ng detalye ay maiiwan sa ere. Tamad lang talaga akong magpapasok kaya naman kinailangan kong mag-take ng summer class. "At dahil mali ang result, mali ang conclusion." Doon ko na sya binalingan. "Miss Yanvelle, sa tingin mo bibilhin ko pa ang basurang thesis na ito?" Hindi ako iyong klase ng taong mahilig mag sugar coating. Sinasabi ko ang mga naiisip ko gayundin naman ang mga bagay na napapansin ko. At alam kong sa mga tingin pa lang ng babaeng kaharap ko ngayon na naiinis na sya sa akin.
Mas maganda syang tingnan kapag ganitong naiinis sya at nagpipigil. Napangisi ako.
"T-Teka lang, ibig sabihin hindi mo na bibilhin?"
"Sa tingin mo ba talaga ay bibilhin ko yan?" Doon na umawang lalo ang labi nya. Sa puntong iyon napako ang mata ko sa labi nya. Imagining myself kissing her lips non-stop. Harbouring and nibbling it.
Damn baby, why do you have to open your mouth like that?
Gayunpaman ako na ang pumigil sa sarili ko. Mabilis kong binasa ng dila ko ang labi ko bago saglit na lumunok.
You will scared the hell out of her Israel if you kiss her here.
Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili. "What are you staring at?" Pilit akong ngumisi para naman hindi nya mapansing iba ang iniisip ko ngayon.
"Paano naman po ang hirap ko sa Thesis na ito. Maayos ko pong ginawa yan ano pong mali ang sinasabi nyo Kuya." Agad na bwelta nya. Halatang pinipigilan ang emosyon bagay na alam kong hindi ko nagustuhan. Sa lahat ng ayaw ko iyong mga taong mapagpanggap. Pinipilit nila ang sariling huwag ipakita ang tunay na nararamdaman nila. Mga taong niloloko na ang kausap, niloloko pa ang sarili nila.
Dahil doon ay mas pinili ko pang asarin sya. "Nasabi ko na, hindi ko na uulitin." Gayunpaman mukhang ayaw nya talagang magalit sa akin. Pigil na pigil nya ang emosyon nya bagamat nababasa ko naman sya. Hindi ko alam kung dala ba ng bored o ano pero mas inasar ko pa sya. "What are you staring at? Mali naman talaga ah?" For me, Yanvelle is interesting. Gusto ko iyong pabago-bago nyang emosyon. Natutuwa ako sa iba't-iba nyang reaksyon. "Alam mo kase, kung bobo ka huwag kang magtatayo ng writing service lalo kung sa online pa. Mapapahiya ka lang at magaaksaya ng panahon. At saka—" hindi ko na natapos ang lahat ng nais ko pa sanang sabihin nang bigla syang humakbang palapit sa akin. At doon ay walang pagaalinlangan akong hinalikan bagamat maraming taong nakakakita sa amin.
Gulat na gulat ako dahilan kung bakit ganon na lang kalakas ang tibok ng puso ko. Subalit alam kong hindi na lang dahil sa gulat iyon nang tumagal pa ang paglalapat ng labi namin sa isa't-isa. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng labi nya. Ramdam na ramdam ko iyon na halos habulin ko ang babae nang bigla na itong tumakbo palayo.
"Fuck!" Hindi ko napigilang hindi mapamura dahil agad syang nawala. Gayunpaman nauwi iyon sa pagngisi ng muli kong maalala ang labi nyang nakalapat sa labi ko.
Nang gabing iyon, mabilis na kumalat sa social media ang balita. Kaya naman hindi na ako nagtaka nang maging si Rudolf ay i-chat ako at nakiusisa. Chismoso amputs!
Gayunpaman hindi ko sya nireplayan. Naging abala ako sa pagchachat kay Yanvelle na hindi naman halos nagreply. Sinubukan ko rin syang tawagan pero hayun at hindi naman sumasagot.
Dahil doon, mas lalo kong ginustong makilala sya. Na umabot sa puntong nagplano na akong isama sya sa pagha-hiking ko bukas.
I M _ V E N A
BINABASA MO ANG
The Law of Creation
RomanceCompleted Life doesn't happen by itself, we need to make it happen. (2nd Law of Karma) *** In her relentless pursuit of a better life for her family, Yanvelle's world spirals when a chance encounter with Israel-a mysterious stranger-leads to a kiss...