Kabanata 28
"Ang bagal mo Velle, uso ang maglakad ng mabilis!" hiyaw ko na nang mapansing malayo na ang distansya naming dalawa. Kanina ay nanguha kami ng mangga. Kasalukuyan ko pa ngang dala ang mga iyon. Ang balak ko ay huhugasan ko muna iyon kapag nakabalik na ulit kami sa may tabing ilog subalit ang plano kong iyon ay natigil nang masilayan ko si Alecxis na nakatayo di kalayuan sa posisyon ko. Pangisi-ngisi pa ang gago habang sumisipol ng bahagya. Tuluyan akong natigilan sa paglalakad. Subalit nang ang tingin ni Alecxis ay lumampas na sa akin doon ko na naikuyom ang kamao ko.
"She's sexy cous, who is she?" Hindi ko alam kung bakit lubos ang naging pagiinit nang ulo ko sa tanong na iyon ni Alecxis. Gayunpaman pinilit ko pa rin na huwag magalit kahit kating-kati na ang kamay ko na basagin ang mukha nya. Sa totoo lang ay wala akong balak na sirain ang araw namin ni Yanvelle dahil lang sa kanya kaya naman pinipilit kong kalmahin ang sarili ko.
"What the fucking hell are you doing here Alecxis?" Doon na lang nya ibinalik ang tingin sa akin.
"Why cousin? Hindi ba ako pwedeng mag-hiking?" Malokong tanong nya halatang nangaasar. Matapos ay muli nyang binalingan si Yanvelle na tila noon nya lang nakita. Hindi ko na napigilan pagawang ng labi ko. Ginagago nya talaga ako. "Oh, now I know. Kaya naman pala apat na araw ka nang nagha-hiking ay hindi ka pa nakakaakyat ng bundok. May iba ka naman palang inaakyat." Nang tingnan nya mula ulo hanggang paa si Yanvelle, doon na nalagot ang kakaunti kong pasensya. "What's your name mademoiselle?"
I know I fucked up again that time, marami akong nasabing hindi magagandang salita sa harapan ni Yanvelle at talagang pinagsisisihan ko ang mga iyon. Kaya naman nang muling magising sa loob ng tent ay agad akong bumangon at lumabas. Madilim sa labas kaya naman doble ang takot ko na baka iniwan na talaga nya ako. Subalit nang makita ko syang nakaupo di kalayuan sa may tabing ilog doon na ako nakahinga ng maluwag.
Thanks god!
Sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon. Muli kong natutunang pasalamatan ang diyos dahil hanggang ngayon ay narito pa rin sya. Na hindi sya umalis at hindi nya ako iniwan kahit na kitang-kita nya kung gaano ako kagulo kanina.
Nangiti ako doon bago huminga ng malalim. Nang makalma ang sarili ay nagpasya na akong lumapit sa kanya.
"Malalim yata ang iniisip mo?" Inaasahan kong sasagot sya at lilingunin ako subalit nanatili syang nakatitig lang sa kawalan kung kaya naman umupo ako sa tabi nya at inakbayan sya. Alam ko sa loob-loob ko ay may takot akong nararamdaman. May takot na baka alam na talaga nyang may mali sa akin at balak na nya akong iwan."M-May sinabi ba sayo si Alecxis kanina?" Hindi sya sumagot bagay na ikinalala ng kaba ko. "Wag kang magpapaniwala doon. Sinungaling iyon." Mas lumala iyong kaba nang tahimik lang talaga nyang isinandal ang sarili sa akin na tila walang balak magsalita. Tila napapagod. "G-Galit ka ba? I'm sorry sa mga nasabi ko kanina. I don't mean it babe. Hindi—" natigilan ako sa balak na pagpapaliwanag nang magtanong sya.
"Israel, anong plano mo after ng hiking? Anong plano mo sa atin?" Natigilan ako sa tanong nyang iyon. Sa totoo lang ay kung hindi nya pa tinanong ngayon ay hindi ko iisipin iyon. Hindi kase ako iyong taong palaisip sa mga bagay na mangyayare sa hinaharap. Hindi ko hilig pangunahan ang mga bagay. Go with the flow, iyon yata ang tawag doon. Hindi ako iyong taong sinasalungat ang daloy ng buhay. Kung anong mangyare sa hinaharap bahala na si tadhana. Kaya nga maging ang course ko na kinuha ay kinuha ko lang dahil iyon ang sinabi sa akin ni Mom na kunin ko. Yeah, hindi ako masikap na tao. Hindi ko kailangan niyon dahil nandito naman si Mom. Kampante ako sa kung anong meron lang ako ngayon and I hope Yanvelle too. But I think that's impossible.
Masikap na tao si Yanvelle, mahilig din syang mangarap hindi tulad ko na kontento na sa mga bagay na pinaghirapan ng magulang ko. Magkaiba kami, kaya naman gusto kong maging katulad nya rin. Gusto kong maramdaman nyang katulad nya ay nangangarap din ako. At ngayon iisa lang ang pangarap ko, iyon ay makasama pa sya ng mas matagal.
"Hmm, were going to beach after hiking or we can go to France if you want." masiglang sabi ko. Doon na nya ako niyakap. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay muli akong nangarap. Iniisip sa mga ilusyon ang mukha naming dalawa habang magkasama sa beach o sa France.
"Tapos?"
"We will rent a condominium in France then we will travel there. Maraming tourist spot doon, I can even take you to Eiffel tower. Mag-pi-picture tayo ng maraming-marami doon and also we can take a videos if you want." Sa mga sinabi kong iyon ay mas isiniksik nya ang mukha sa akin. Nagpatuloy naman ako. "Mom will definitely give me money for that. She can't say no to her only son." Huminga ako ng malalim bago muling nagtanong. "Will you come with me there, babe?" Tango, isang mabilis na tango ang isinagot nya sa akin bagay na nakapagpangiti sa akin. "I knew you would." I never though that I would like someone like this to the point that I make a plan for our future. Kahit na hindi malinaw at napakalabo ng mga pangarap na iyon, alam ko sa sarili kong iyon talaga ang gusto ko. Iyon ang makapagpapasaya sa akin ng husto. Iyon ang mga unang bagay na pinangarap ko matapos ang napakaraming taon na pinaniwalaan kong ilusyon lang ang pangangarap. Iyon ang unang bagay na pinangarap ko matapos ang maraming taong hindi paniniwala sa salitang pangarap. "I like you so much Velle." I like her to the point that I don't really want to loose her anymore. I like her to the point that I don't think it's just a like anymore. It's more than like. I know it.
Kaysa pagkaisipan ang sariling nararamdaman ay mas pinili ko na lang na halikan ang labi ni Yanvelle. That night, in the middle of the quarter moon, and pure air hit us caused by the trees around us. The quiet rush of water and its peaceful flow. Even the chirping of crickets around sounds like music between the two of us. I kissed her. I gave her a soft and gentle but romantic kiss.
Nang maghiwalay kami, hindi ko na napigilang titigan ang maganda nyang mukha na isang dangkal lang ang layo sa akin. I can't get off my eyes of her. She's the epitome of the word perfection. Now I think, I fell. I fell deeply in love with her. I think this is what they called love. Bagay na hindi ko mapaniwalaan noon dahil hindi ko pa naman nararanasan not until today.
"I like you too Israel." Napangiti ako sa sinabi nyang iyon.
Akala ko that time, wala nang katapusan iyong kasiyahan. Akala ko magpapatuloy pa. Akala ko walang puputol. Pero mali ako, because when the time comes that I realized that I fell in love to the woman whom I just met, that's when god start his another trick again. Like I was being punished for all the wrong I have done. And she is my living punishment.
"Good God! Israel bakit mo sinunog!" balisang hiyaw sa akin ni Velle.
"I'm so sorry Velle. I'm drunk and you said your in cold. My plan is to set up fire but—"
"But ano? Nakalikha ka ng malaking sunog! Nagsunog tayo ng kabundukan Israel! Malaking sunog punyeta naman!" Naghihisterikal na sya at alam kong sa loob-loob ko ay ganon na din ang nararamdaman ko. Hindi na para sa sarili kundi para na kay Velle. It was fucking accident! For goodness sake, hindi ko iyon sinadyang sunugin. Wala iyon sa plano ko. Ang gusto ko lang naman ay huwag syang lamigin. Ang gusto ko lang naman ay mainitan sya kahit papaano. Damn alcohol! Damn self!
Isang pagkakamali lang ang nangyare pero lahat ng kasiyahan ko nitong mga nakaraang araw ay pinutol ng pagkakamaling iyon. I wish I didn't drink that fucking alcohol. Edi sana hindi biglang nagkagulo. Edi sana kasama ko pa sya hanggang ngayon. Hindi sana ako nakakulong ngayon sa seldang ito na syang pinagdalhan sa akin ng mga pulis nang hulihin nila kami.
Hindi ko na napigilang magwala ng mga oras na iyon. Wala akong pakialam nang bigla akong pasukin ng mga pulis sa kulungan at hampas-hampasin ng mga batuta nilang dala. Basta paulit-ulit lang akong sumisigaw at nagwawala.
"Get me out of here! Let me see her! I want to see her! I fucking want to see her!"
Everything was messed up. Hindi ko sila makausap dahil hindi rin nila ako makausap ng kalmado. Hindi ko naman na maggawang kontrolin ang isip ko dahil naghahalo ang inis at pagaalala. Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat? Bakit kailangan kaming makulong e, aksidente nga lang kase iyon. Bakit ba hindi sila naniniwala?
Sobrang hirap, lalo nang dumating na si Mom sa police station. Ni hindi nya ako binalingan ng tingin at hinayaang kunin ako ng mga nurse mula sa mental institution.
Hindi ako baliw!
Isang bagay na alam na alam ko naman. Hindi ako nababaliw! Hindi ko na lang talaga makontrol ang sarili kong emosyon dala ng pagaalala.
I M _ V E N A
BINABASA MO ANG
The Law of Creation
RomanceCompleted Life doesn't happen by itself, we need to make it happen. (2nd Law of Karma) *** In her relentless pursuit of a better life for her family, Yanvelle's world spirals when a chance encounter with Israel-a mysterious stranger-leads to a kiss...