Kabanata 14

57 5 0
                                    

Kabanata 14

Sa totoo lang ayoko talagang problemahin ngayon ang mga mangyayari sa hinaharap. Na kung saan ako idadala ng pagsama ko kay Israel o ng mga ginagawa namin. Kung saan ba patungo ang lahat ng ito o kung may papatunguhan ba talaga. Ayokong isipin iyon dahil masaya ako. Masaya ako ngayon, na tila lahat ng responsibilidad ko sa labas ng bundok na ito ay nakalimutan ko na at isinawalang bahala panandalian.

Pero sa pagtagal ko dito ay unti-unti na rin akong hinihila ng katotohanang may mga taong naghihintay sa akin. May mga taong umaasa at nagaalala sa akin. At sila iyong mga taong hindi ko kayang biguin bago pa man pumasok si Israel sa eksena.

"Malalim yata ang iniisip mo?" Hindi ko na ikinagulat ang biglang presensya ni Israel sa likod ko.

Matapos makaalis ni Kim kanina ay hindi na yata ako umalis sa kinauupuan ko. Hindi na rin ako nagkikilos para magsindi ng bond fire bagamat madilim na at tanging ang maliwanag na quarter moon na lang ang naging tanglaw ko sa gabing iyon. Inaasahan ko nang gabi na magigising si Israel at hindi naman ako nabigo.

Nang hindi ko siya sagutin ay umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Hinayaan ko naman siya at ang sarili kong sumandig sa matipuno niyang katawan. Ni pagkagutom ay hindi ko na yata naramdaman sa maghapong ito dala ng matinding pagiisip.

"M-May sinabi ba sa'yo si Kim kanina?" Hindi ko pa rin siya sinagot. "'Wag kang magpapaniwala doon. Sinungaling iyon." Imbis na sagutin siya ay hinayaan ko ang sariling pakinggan ang malalim na paghinga at tibok ng puso ni Israel. Na parang sa paraang iyon ay maiintindihan ko siya at makakatulong iyon sa mga bagay na gumugulo sa isip ko.

"G-Galit ka ba? I'm sorry sa mga nasabi ko kanina. I don't mean it babe. Hindi—"

Natigilan siya sa pagimik nang magtanong na ako.

"Israel, anong plano mo after ng hiking? Anong plano mo sa atin?" Alam kong natigilan siya sa naging tanong ko. Gayunpaman ay hindi siya nanahimik. Sumagot siya ng naaayon sa naiisip niya.

"Hmm, were going to beach after hiking or we can go to France if you want." Masigla sabi ni Israel bagay na ikinangiti at ikinayakap ko sa kaniya.

"Tapos?"

"We will rent a condominium in France then we will travel there. Maraming tourist spot doon, I can even take you to Eiffel tower. Mag-pi-picture tayo ng maraming-marami doon and also we can take a videos if you want." Sa mga sinabi niya ay mas isiniksik ko ang mukha ko sa kaniya. "Mom will definitely give me money for that. She can't say no to her only son." Doon na ako mas humigpit ang yakap sa kaniya.

Lahat ng sinabi ni Israel ay pangarap kong gawin. Pangarap kong mangyari, lahat-lahat iyon. Pero alam ko sa sariling may mali. May hindi tama. Iyon ang bagay na tiyak kong ikinaiiyak ko ngayon. Mabuti na lang talaga at madilim kaya naman hindi niya nakikita iyon.

Sa mga sinabi niya ay bumalik na lang sa alaala ko ang pagkakaiba ng estado ng buhay naming dalawa. Gayunpaman na-realize ko rin kung gaano kalalim ang nararamdaman ko na sa kaniya. Dahil umaabot na ako sa puntong gusto ko na siyang paniwalaan.

Umaabot na sa puntong gusto ko na siyang samahan at gusto ko nang um-oo sa mga sinabi niyang magagandang bagay ng hindi iniisip ang pangarap ko at ang pamilya kong umaasa din sa akin.

"Will you come with me there, babe?" Tango, isang mabilis na tango ang isinagot ko bagamat hindi talaga buo ang isip sa desisyon. "I knew you would."

Mabilis kong pinahid ang mga luha sa aking mata nang iangat ni Israel ang mukha ko. Hindi ko ipapahalatang nalulungkot, nagdadalawang isip o ni ipahalatang umiyak ako. Ayoko siyang magisip ng masama at magalit ulit kagaya kanina. May sakit si Israel, kailangan ko siyang tulungan.

Hindi ko inaasahang darating ang panahon na magkakagusto ako ng ganito katindi sa isang lalaki. Na ultimo ang totoo kong nararamdaman ay kaya kong isawalang bahala para sa kaniya.

Napakaswerte ng kulugong ito.

"I like you so much, Velle."

Matapos niyang sabihin iyon ay saglit niyang hinalikan ang labi ko na nagdulot ng bulta-bultaheng kilig sa akin. Napapatingala ako sa kaniya habang pinagmamasdan ko ang mukha niyang maaliwalas hindi katulad kanina na halos magbanggaan na ang kaniyang kilay sa sobrang pagsasalubong.  Hindi ko na napigilang hawakan ang mukha niya dahil doon.

"I like you too, Israel." Nangiti na siya sa puntong iyon. Kung kaya naman napangiti na din ako.

"Ngayon, ano nga ang sinabi sa'yo ni Kim?" Bigla niya pa akong pinitik sa noo bagay na talagang nakapagpawala ng ngiti ko. Sapo ang noo ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Masakit iyon ano ka ba!" Natatawang muli na lang niya akong inilapit sa kaniya at hinalikan ang noo ko. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Ayaw mo pa kasing sabihin, ang simple-simple ng tanong ko gusto mo ay pilitin ka pa bago umimik," reklamo niya sabay kagat sa pisngi ko na talaga ikinagulat ko. Hindi naman masakit kaya lang nakakagulat talaga.

"Bakit ka ba nangangagat?"

"Nakakagigil ka kasi!" Kakagat pa sana siya ng takpan ko na ng palad ko ang labi niya.

"Tama na, 'di nakakatuwa."

"Oo na, so, ano nga ang sinabi sa'yo?"

"Wala."

"Anong wala?"

"Wala nga!"

"Pwede ba naman iyon Yanvelle?"

"E, sa wala siyang sinabi. Anong magagawa ko?"

"Wala ka talagang sense kausap!" Reklamo na niya kaya naman natawa na ako bago ko kinagat din ang pisngi niya. Hindi ko mapigilang hindi mapahagikhik sa biglaang panlalaki ng mata niya. Ang cute tingnan ni Israel sa naging reaksyon niya habang nakatingin sa akin na tila hindi makapaniwala.

"Why did you do that?"

"Ano? Ikaw lang pwede gumawa ako hindi?" Umalis na ako sa pagkakasanday sa kaniya doon kaya naman magkaharapan na kami this time. "Unfair iyon Israel, dapat kang parusahan!" Medyo malakas kong turan bago ko sya dambahin at halikan sa labi.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwi na lamang naglalapat ang labi namin ay parang iyon pa rin ang una. Walang pagbabago sa kilig na nararamdaman ko at hindi ko maunawaan ang pagtibok ng puso ko. Malalakas iyon na tila ba konti na lang ay lalabas na sa dibdib ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at sumabay sa bawat paggalaw ng labi niya sa akin. Dinadama ko ang banayad na paghagod ng labi niya kagaya ng kung gaano kabanayad ang paglaguslos ng tubig ng talon at ilog. Ang mga kuliglig sa paligid ay nakikisabay din at maging ang payapang pagsimoy ng dalisay na hangin dahilan ng pagsasayaw ng mga dahon sa paligid.

Doon ay tuluyan na akong napaupo sa ibabaw niya habang wala sa sariling ipinulupot na ang braso ko sa leeg niya. Habol ang hininga namin nang maghiwalay sa halik na pinagsaluhan. Sapo niya ang mukha ko habang nakatukod ang isang kamay niya upang balansehin ang sarili.

Babalik sana kami sa paghahalikan nang tumunog ang tiyan ko. Doon na lumawak ang ngiti niya.

"Gutom na ang baby Yanyan ko." Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Ginutom mo ako! Kasalanan mo!" paninisi ko pa.

Natawa siya lalo bago ako saglit na halikan sa labi saka binuhat bago siya tumayo. Gayunpaman ay sabay kaming natigilan nang may mapansin sa paligid. Napakarami nang alitaptap na pumapalibot sa amin na nagbibigay liwanag sa madilim na paligid.

"Wow." Mangha akong nangangat ng tingin kay Israel na ngayon ay nakangiti na palang nakatingin sa akin. "Ang ganda 'no?" namamangha pa ring saad ko. Matapos ay muling ibinalik ang tingin sa paligid bagamat buhat ako ni Israel na parang bata.

"Ang ganda nga."

I M _ V E N A

The Law of CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon