Kabanata 29

1 0 0
                                    

Kabanata 29

"Mom! Mom! Please let me out of here! I-I want to see Yanvelle. Let me just see her. Just once Mom!" pakikiusap ko habang nasa loob sya ng kwarto ko at tahimik na pinagbabalatan ako ng mansanas. Nakaposas ang magkabila kong kamay sa hospital bed na tila iniutos ni Mom na gawin upang hindi ako makatakas.

"Son enough!" Nang sumigaw ni Mom ay natigilan ako. Wala na ang mapagpasensya kong ina. Wala na ang ina kong sinusunod lahat ng gusto ko. Wala na ang ina kong nginingitian lang ako. Dahil ngayon, ang nanay na kaharap ko na ngayon ay isang nanay na gusto nang disiplinaduhin ang anak nya. "Napapagod na ako sa sistema nating ganito Israel! Sobrang napapagod na ako! Can't you help me? Can't you help your Mom? Alam mo ba kung gaano kahirap sa aking sunduin ka sa presinto? Israel naman! Grow up! Hindi habang buhay ay kasama mo ako! Hindi habang buhay ay nandito ako. Papatayin mo ba ako anak ng maaga?" Umiiyak na si Mom, bagay na huli kong nakita ay noong mga panahong binubugbog sya ni Dad at nagmamakaawang wag syang iwan ni Dad. Sa puntong iyon tila nagising ako. Nagising sa katotohanang wala akong pinagkaiba kay Dad sa ginagawa ko ngayon kay Mom. Pinapahirapan ko rin ang sarili kong nanay. Mas pahirap kaysa sa pisikal na pananakit sa kanya ni Dad.

That time, natulala na lang ako. Umiiyak na tumayo sa gilid ko si Mom at pinagtatanggal ang mga posas. Doon ko napagtantong nawawala na nga yata ako sa wisyo. Ni hindi ko na nga alam ang ilan sa mga pinaggagagawa ko bago ako makarating dito. Maging kung paano ako nakapagbihis ng damit o ni ilang araw na ba akong nakahiga sa higaang ito. Wala na rin sa isip ko kung gaano na ba katagal ang pagkakawalay namin ni Yanvelle. Lahat malabo na, lahat putol-putol na sa alaala ko.

Doon na ako muling natakot.

"Sige umalis ka, puntahan mo iyong babaeng nagsuplong sayo. Iwan mo na ako! Makukulong ka dahil sa babaeng iyon alam mo ba iyon? Anak naman wake up!" Binubulyawan na ako ni Mom pero tulala ko lang syang nilampasan. Wala ako sa wisyo pero hinayaan ako ni Mom na makalabas. "Bibigyan kita ng isang oras Israel! Isang oras bago tayo lumabas ng bansa!" Rinig kong hiyaw nya kaya naman napatakbo na ako palabas. Pilit akong hinahabol ng mga nurse pero mabilis ako. Dumaan ako sa fire exit para makatakas.

Blanko ang isip ko at tanging gusto ko lang ay mapuntahan si Yanvelle. Ang balak ko pa sana ay maglakad lang subalit nang huminto ang isang taxi sa harapan ko at doon bumababa si Rudolf na blanko ang mukha na nakatingin sa akin ay pumasok na ako.

"Dude, hindi ka na mukhang ayos." Komento nya. Hindi ko naman sya pinansin.

"Manong sa Lemeryo Batangas." iyon lang ang sinabi ko.

"Pinapunta ako ng Mom mo para ihatid ka sa girlfriend mo. Umiiyak si Tita, maawa ka naman Israel. Maawa ka sa Mama mo at sa sarili mo—" hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang sumigaw na ako.

"Shut up!"

"Bro—"

"I said shut up! Shut up! Shut the fuck up!" Sa paghiyaw kong iyon, doon na sya napilitang manahimik. Bagay na ikinapagpasalamat ko. Dahil tiyak na kung hindi sya tatahimik ay mas lalo lang iinit ang ulo ko.

Ang plano ko ay kausapin si Yanvelle. Ang plano ay pakiusapan syang wag akong iwan. Ang plano ko ay makipagusap sa kanya ng ayos. Ang plano ko ay magsorry. Ang plano ko ay sabihing okay lang ang lahat at tuloy pa rin ang plano namin. Tuloy pa rin lahat ng mga pinapangarap ko. Pero lahat ng iyon gumuho nang sabihin nya sa aking umalis na lang daw ako.

"Babe..."

"U-Umalis ka na Israel." Doon parang may milyon-milyong karayom ang tumusok sa puso ko. Bakit nya ako pinapaalis? Okey pa naman kami noong huli kaming magusap. Nangako pa sya sa akin na hindi nya ako iiwan. Pero bakit pinapaalis nya ako?

The Law of CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon