Simula
Noong magdesisyon akong sumama kay Israel alam kong tumatakas lang ako sa lahat ng responsibilidad na nakaatang sa balikat ko. Alam ko rin na naghahanap lang ako ng daan upang matakasan ang sampal sa mukhang kahirapan. Upang matakasan ang katotohanang walang mangyayari sa buhay namin kung hindi ako gagalaw at mananatili lang na umaasa sa magulang. Kasi nga unlike sa ibang kabataan hindi ako mayaman. Kailangan kong paghirapan iyong mga bagay na hinihingi lang nila sa kanilang mga magulang. Hindi ako privilege.
Ayon sa nakita ko sa facebook mayroon daw labing dalawang batas ang Karma. Ikalawa doon ang Law of Creation. Sabi doon, Life doesn't happen by itself, we need to make it happen. Bagay na madaling unawain pero mahirap gawin. Ang hirap lalo kung parang wala namang pinupuntahan lahat ng paghihirap mo. Na parang lahat ng bagay ay paulit-ulit na lang na nangyayari sa harapan mo. Na tila ba walang pupuntahan lahat ng paghihirap na ginagawa mo. Iyong tipong nakakasawa at nakakapagod na. Iyong umaabot sa puntong hindi mo na talaga malaman kung para saan pa ba ang ginagawa mo. Iyong parang nakalimutan mo na ang purpose ng pagkilos mo dahil pagod ka na.
"Sir, narito na po si Alvarez." Tumawag muna ang SPO 1 na kasama ko sa telepono sa harapan ng Investigation Room. May kinausap siya doon. Tumango bago ibinaba iyon. "Pasok ka na raw." Walang imik na sumunod lang ako sa utos at pumasok sa investigation room.
Doon bumungad sa akin ang isang kwarto na tanging isang metal na lamesa at dalawang upuang magkaharap lang ang nasa loob. May tao rin doon at mukha pa lang nito ay nakikilala ko na. Chief of Police Hermand Happuch ang ama ng sikat na Lieutenant na si 1st Lieutenant Seline Happuch. Isa sa mga volunteer sa Marawi City. Kilala sila mapa-dyaryo, telebisyon, radyo o magazine dahil sa edad na 26 ng anak ay marami na itong nagawa at naitulong sa bansa.
"M-Magandang gabi ho."
"Magandang gabi rin hija. Maupo ka." Tumango ako bago humarap sa kanya. Hinintay ko syang magtanong subalit pinakatitigan nya lang ako. "Sa wari ko ay 18 ka pa lang hindi ba?" Tumango muli ako. "Napakabata."
"Hindi po ako terorista, NPA o ano man. Aksidente po ang nangyari," mabilis na paglilinaw ko dahil hindi ko na gusto ang paraan ng pagkakasabi nya ng salitang 'napakabata'.
"Wala naman akong sinasabing ganon hija."
"Wala rin naman po akong sinabing sinabi ninyo iyon. Nililinaw ko lang." Doon na siya natawa na para bang napakaliit na bagay lang nang nangyayari ngayon.
"Naiintindihan mo naman siguro na kahit anong gawin nating pagiimbistiga kung wala kang ebidensya na makapagpapatunay ng ginawa ninyo sa bundok ng mga oras na iyon ay talo kayo hindi ba?" Nakagat ko na ang labi ko dahil sa sinabi nya. "Ididiin kayo ng korte at paparusahan kayo ng panghabang buhay na pagkakakulong. Arson at terrorism ang sinampang kaso sa inyo ng hukuman. Lahat ng taong bayan ay naniniwala doon lalo at kilala si Israel Delo Santos bilang sakit sa ulo." Nanginginig ang mga kamay kong pinagsalikop ang mga iyon. Lubos kong naiintindihan ang pinupunto niya. Higit sa kahit sino man sa mga oras na ito. "Pero dahil nga isang mayamang negosyante ang ina ni Delo Santos. Malulusutan niya iyon at maaabswelto siya habang ikaw? Ikaw ang sasalo ng lahat ng paratang. Nauunawaan mo?"
"Pero Chief, wala po akong kasalanan."
"Walang krimenal ang umamin agad sa kasalanan niya."
"Hindi po ako krimenal!"
"Kung ganon ay patunayan mo! Maglabas ka ng ebidensya! Kinikilala kayong terorista ng mga mamamayan ngayon. Sa tingin mo, malilinis ang pangalan mo sa pagsasabi mo lang ng wala kang kasalanan?" mariin nang saad ni Captain. Herman Happuch.
Humigpit na ang kapit ko sa kamay ko nang dahil doon. Alam ko sa sariling may video ako ng pangyayari. Nakuhanan ko lahat at pwede kong ilabas iyon ngayon ano mang oras. Pero ang malaking kapalit naman niyon ay ang pangalan ni Israel. Maaabswelto ako habang siya ay kakasuhan ng arson. Malalaman ng lahat at masisira ang pangalan niya. Sisirain ko siya para makapagsimula ako. Iyon ang magiging sistema.
Dahil doon ay muling nangilid ang luha ko at nanginig ang kamay ko.
Sa puntong iyon parang gusto ko na lang maiyak ng maiyak. Ang siste ay pinapipili niya ako sa pagitan ng kinabukasan ko o kinabukasan ni Israel. Sa maikling panahon ng pagsasama namin ni Israel alam ko sa sarili kong umukit na siya ng malaking parte sa puso ko na hindi ko na lang siya gusto. Kase ang totoo, mahal ko na siya.
Paano ko magagawang idiin ang taong mahal ko para sa kinabukasan ko?
"Makinig ka sa akin hija, kung walang ebidensya makukulong ka." Tuluyang nagpatakan ang mga luha sa mata ko.
Alam ko din na kapag nakulong ako, game over na. Tapos na ang pangarap ko at ang pangarap ng pamilya ko para sa akin. Hindi ko na matutupad lahat ng pangako ko sa kanila. Parang hindi ko yata kakayaning araw-araw silang makita na nadi-disappoint sa akin. Hindi ko yata kakayaning mapunta sa wala lahat ng pinaghirapan ko. Dahil ang katotohanang mahal ko na ang pamilya ko bago pa dumating si Israel ang gustong isampal sa akin ng pagkakataon para sabihing piliin ko ang pangarap ko this time.
Hindi ko akalaing aabot sa puntong kailangan kong sirain ang kinabukasan ng taong mahal ko para makapagsimula ako at matupad ko pa ang mga pangarap ko at ng pamilya ko.
Mahirap lang kami at kung ako iyong makukulong walang chance na makalaya pa ako, pero siya, mayaman naman sila 'diba?
Umiyak na ako ng umiyak dahil sa pinagiiisip.
Magagalit siya, bibiguin mo siya Yanyan! Sisirain mo siya! Sisirain mo ang pangako mo sa kaniya! Nangako ka 'diba?
Humahagulgol na ako dahil doon. Nakikipagtalo na ako sa sarili ko at hindi ko na alintana ang panonood ng police na nasa harapan ko.
Tangina! Bakit kailangang ganito kahirap! Nangako ka kay Israel, Yanvelle! Nakangako ka sa kaniya e!
Pero, mas nauna kang nangako sa pamilya mo! Nangako kang ibabangon mo sila sa hirap. Paano mo gagawin iyon kung nasa kulungan ka na?
"Mahal ko siya e! Mahal na mahal ko siya." Humahagulgol na saad ko. "Hindi ko na kaya, ayoko na." Ayoko nang ganito! Ayokong pumili. Bakit biglang nagkaganito ang lahat. Akala ko ba pagkatapos naming maghiking mag-be-beach naman kami? Bakit nasa prisinto kami ngayon?
Sa puntong iyon parang bumalik sa alaala ko ang lahat ng pinagsamahan namin ni Israel sa bundok. Lahat-lahat ng ginawa namin doon. Lahat ng saya, lahat ng kilig, tawanan at asaran. Pero sa puntong ito mas nangibabaw ang mga umiiyak na mukha ng mga magulang at kapatid ko.
Paano ko magagawang idiin ang taong mahal ko para sa kinabukasan ko?
I M _ V E N A
BINABASA MO ANG
The Law of Creation
RomanceCompleted Life doesn't happen by itself, we need to make it happen. (2nd Law of Karma) *** In her relentless pursuit of a better life for her family, Yanvelle's world spirals when a chance encounter with Israel-a mysterious stranger-leads to a kiss...