kabanata xiii

429 6 1
                                        

After so many months ay nakapag-update rin. 🤣🤣 Nakaka-miss iyong excitement habang sinusulat ko itong Defiance.

⚜☪⚜

“Ano po kasi, may conference po ngayon ang buong faculty. Kinansela na lang po ang lahat ng klase.” Sagot ni Alaina saka umiwas ng tingin sa nang-uusisang titig ng kaniyang ina.

Nag-aalalang tumango na lamang si Flor bago hinayaang pumanhik na sa silid nito ang dalaga. Noon naman nakahinga ng maluwag si Alaina at nananamlay na umakyat na lamang sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Pagkapasok sa kaniyang silid ay ibinagsak niya lang ang bitbit na bag sa sahig ng kaniyang kwarto bago humilata sa kaniyang higaan. Tumitig siya sa kisame, hindi maiwasang alalahanin ang ginawa nila kagabi at kaninang umaga ng nakatatanda niyang kapatid. Mariing naipikit niya na lamang ang mga mata at napahilamos sa mukha dala ng frustasyong nararamdaman.

Kailangan kong gumawa ng paraan para mahinto na ang anumang kahibangang pinaggagagawa namin ni Kuya. Aniya sa sarili at naiiling na bumangon na lamang sa pagkakahiga upang magbihis ng pambahay.

“‘Nay, dumating na po ba si Alaina?”

Tinambol ng kaba ang dibdib ni Alaina nang marinig ang boses na iyon mula sa sala. Nasa kusina siya ng mga oras na iyon at nagbabantay sa piniprito niyang isda na siyang ulam nila ng gabing iyon.

“Aba'y kaninang umaga pa. Wala daw pasok kaya nagsiuwian na lang silang mga estyudante.” Rinig niyang sagot ni Nanay Flor kay Silas na siyang nagtanong dito.

“Nasa kwarto niya po ba? May kailangan lang po kasi akong itanong.”

“Nariyan sa kusina, nagpresenta na siya na lang daw ang magluluto ng ulam natin ngayon.”

Hindi na niya narinig pa ang tugon ni Silas sa pahayag na iyon ng kanilang ina. Nakarinig na lamang siya ng mabibigat na yabag papalapit sa kinaroroonan niya. Hindi na siya mapakali at nagdadalawang-isip kung haharapin ba ang kapatid o magtatago na lang nang makaiwas dito.

Ngunit huli na nang magdesisyon siyang magtatago na lang dahil nasa bungad na ng kusina ang kapatid niyang si Silas nang akma niyang papatayin ang apoy ng niluluto niya.

“What the fuck are you doing, Alaina?” mariin ang pagkakasabi nito ng mga katagang iyon, tunog nagtitimpi ng galit.

Tuluyan nang nawala sa isipan ng dalaga ang pinipritong isda nang lingunin niya ang nakatatandang kapatid. Balot na ng kaba ang kaniyang dibdib ngunit naguguluhan sa ipinapakitang ekspresyon ni Silas.

Bakit ba ito nagagalit, may nagawa ba akong mali? Nagtataka na lamang niyang untag sa sarili.

“Anong problema mo, Kuya?” gaano man siya kinakabahan ay sinubukan niyang harapin ito nang maayos at parang hindi siya naaapektuhan ng presensya nito.

“Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na wala kayong pasok? Ni tumawag o simpleng text ay hindi mo man lang ginawa. Alam mo ba na para akong tangang naghintay ng halos isang oras sa harap ng eskwelahan niyo?” halos maglabasan ang litid nito sa leeg sa kontrolado ngunit mariing sambulat sa kaniya.

Napabuntong-hininga na lang ang dalaga at nakaramdam ng konsensiyang umiwas siya ng tingin dito. “Nakalimutan ko kasing susunduin mo pala ako sa school, sorry.” Pagsisinungaling niya rito kahit na buong maghapon niyang pinag-isipan kung tatawagan o ite-text ba ang kaharap na niya ngayon para ipaalam na wala silang pasok buong maghapon.

“I know your lying, Alaina. It's written all over your face. Ang sabihin mo ay iniiwasan mo lang ako dahil ayaw mo akong makasama.” Asik nito sa kaniya at humakbang upang makalapit sa kaniyang direksyon.

Natataranta namang napamulagat ang dalaga rito habang papalapit na ito nang papalapit sa kinatatayuan n'ya. Ayaw niyang masyado silang naglalapit dahil nasa paligid lamang ang pamilya nila. Baka kung may makakita at mag-isip ng hindi maganda lalo na't mukhang nawawalan na yata ng kontrol sa sarili ang nakatatanda niyang kapatid.

“K-Kuya, please...” nangungusap ang mga matang tiningala niya ito nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya, halos ilang dangkal na lamang ang layo ng kanilang mga katawan nang huminto ito.

Seryoso ang bukas ng mukha nitong hinaklit siyasa braso at inilapit ang mukha sa kaniya. Diretso ang titig sa mga mata niyang nangungusap at bakas ang pag-aalala sa maaaring makakita sa kanila na nasa ganoong sitwasyon.

“I want you to know what I hate the most, Alaina,” anito at bumaba ang tingin sa labi niyang nanginginig na sa kaba saka humigpit ang hawak sa kaniyang braso. “Ayaw na ayaw ko sa mga taong manloloko at sinungaling.” Saka nito siya muling pinakatitigan sa mga mata.

Hindi na maawat ang kabog sa kaniyang dibdib habang nakatingin sa kaniyang Kuya Silas. Masyado itong nakakaintimida at para nang hinahalukay ang kaniyang tiyan sa sobrang kaba. Nakagat na lang niya ang ibabang labi at hindi na nasupil pa ang kumawalang hikbi mula sa kaniyang bibig.

“'Tang-ina.” Turan na lamang nito saka siya kinabig upang ikulong sa bisig nito.

“I'm sorry, baby.” Malumanay na wika nito ngunit mas lalo lamang bumalong ang kaniyang pag-iyak. Naninikip ang dibdib niya kaya mahigpit na lamang siyang napakapit sa magkabilang gilid ng damit nito.

“Alaina, ano iyang naaamoy k—Silas, anong ginawa mo sa kapatid mo?”

Napapikit na lamang ng mga mata at mas lalong humigpit ang kapit ni Alaina sa damit ni Silas nang marinig ang boses na iyon ng kanilang ina.

Nang akma nang sasagot ang lalaking nakayakap sa kaniya ay bigla na lamang napasigaw ang kanilang Nanay Flor.

“Sunog na ang isda, Silas!” madali itong naglakad patungo sa stove ngunit naunahan na ito ng binata sa pagpatay sa apoy ng kalan.

“Ano ba kasing pinagtatatanong mo riyan kay Alaina at napabayaan iyang niluluto niya?!” istriktong utas ng kanilang ina kay Silas at nameywang pa itong tiningnan ang magkapatid.

Nahihiyang bumitiw na mula sa bisig ng Kuya Silas niya si Alaina at nakayuko ang ulong hinarap ang kanilang ina. “Sorry po, ma. Hindi ko po kasi napatay iyong apoy habang nakikipag-usap kay Kuya. Nakalimutan ko po.”

Nagsalubong na lamang ang mga kilay ni Flor habang pinagmamasdan ang bunsong anak. “Ano ba kasing pinag-uusapan n'yong magkapatid at naabutan ko pa kayong magkayakap?” nag-uusisa ang tinig na untag nito.

Hindi naman alam ni Alaina kung ano ang isasagot sa ina kaya pinaglaruan na lamang niya ang mga daliri habang nakayuko at nakatingin doon. Saglit lang ay naramdaman na lamang niya ang pag-akbay sa kaniya ni Silas at kinabig pa siya palapit sa gilid nito.

“Isasama ko po sana sa susunod na linggo itong si Alaina. May pupuntahan po akong ibang branch ng ZT Mall sa Quezon City, dalawang araw po akong mananatili roon dahil may pinapa-check iyong boss ko roon. Tinanong ko po itong si Alaina kung gusto n'ya sumama. Pumayag naman po, na-excite lang po siguro kaya nakalimutan na ang niluluto n'ya. Hindi ko nga rin po napansin.” Litanya ni Silas na ikinamilog na lamang ng mga mata ng katabi nitong dalaga.

Mabuti na lamang at nakayuko si Alaina kaya hindi iyon napansin ng kanilang ina.

Ang galing mag-isip ng palusot nitong si Silas na lihim na lamang niyang ikinailing sa isipan.

“Excitement din ba ang dahilan kaya naabutan ko kayang magkayakap, Alaina?” kinabahan siya nang sa kaniya na bumaling si Nanay Flor. Nangingilatis ang tingin na ipinupukol nito sa kaniya.

Marahan na lamang siyang nag-angat ng ulo upang matingnan ito. “Opo.” Mabuti na lamang at hindi siya nautal sa pagsagot.

Napabuntong-hininga na lamang ang kanilang ina at pinaalis na sila sa kusina. Ito na lang daw ang magpapatuloy sa nilulutong ulam ni Alaina. Pinagpahinga na nito si Silas at inutusan naman si Alaina na i-switch on ang ilaw sa bungad ng kanilang bahay.

2/2/21

 

Defiance | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon