Masunurin at mabait na anak at kapatid si Alaina sa kaniyang mga magulang pati na sa nakatatanda niyang dalawang mga kapatid. Kailan man ay hindi niya nagawang suwayin o sagut-sagutin ang sino man sa kaniyang pamilya. Bawat utos at pagbibilin ng mga ito sa kaniya ay malugod niyang sinusunod nang walang pagrereklamo.
Natutuwa ang kaniyang mga magulang sa pag-uugali niyang iyon na inakala nang mga ito na hindi na mababago pa sa kaniya. Ngunit ang kasabihang walang sino man ang hindi kayang magbago ay naging isang halimbawa si Alaina. Nang dahil lamang sa pagmamahal na hindi rin niya inakalang uusbong sa kaniyang murang damdamin.
![](https://img.wattpad.com/cover/228707233-288-k696392.jpg)
BINABASA MO ANG
Defiance | R18+
Художественная прозаHanda siyang suwayin lahat para sa taong kaniyang minamahal. Handa silang suwayin lahat para sa pag-ibig na ipinagbabawal. Date started: June 5, 2020 Date finished: - Date published: June 10, 2020