kabanata xvii

401 10 8
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang madatnan ng dalaga ang nakatatandang kapatid sa kwarto nito na tila hindi maganda ang timpla matapos nitong makipag-usap sa kung sino mang kausap nito sa telepono. Kahapon ay tumungo nga sa bahay nila iyong kaibigang tinutukoy ni Nanay Flor na siyang nagsukat sa kanila para sa gown at tuxedo nilang dalawa ni Silas.

Linggo ngayon at kauuwi lang nila mula sa simbahan. First mass ang in-attend-an nila kaya alas sais pa lang ng umaga nang makauwi sila ng bahay. Matapos makapagbihis ay dinaluhan na ni Alaina ang ina sa kusina upang tulungan ito sa paghanda ng kanilang almusalan. Mayamaya pa ay pumasok naman sa kusina si Adeline na nakapagbihis na rin ng pambahay.

“Bunso, mamaya gawin na natin iyong mga invitation cards. Na-layout ko na rin naman na iyon kaya gupit-gupit at kaunting designs na lang ang kailangan.” Anito habang naglalakad patungo sa ref.

“Okay po, pagkakain na lang po natin gawin.” Tumango lang naman si Adeline matapos nitong magsalin ng gatas sa hawak na baso bago iyon binalik sa ref.

“Sina Tatay at Kuya, nasaan?” takang tanong ng gitna niyang kapatid na pinagkibitan niya lamang ng balikat.

Ang Nanay Flor na lamang nila ang sumagot sa tanong ni Adeline. “Nasa garahe, may inaayos doon sa jeep ni Silas. Mabuti pa ay tawagin mo na muna ang mga iyon nang makapag-almusal na. Saka na 'ka ko sila magtrabaho 'pag may laman na ang tiyan.”

“Sige po.” Agad namang tumalima si Adeline at sinunod ang utos ng ina.

Tinapos na lamang ni Alaina ang paghahanda sa hapag at saktong pag-upo niya ay siya namang dating ng tatlo. Mabilis na umupo sa tabi niya si Silas, si Tatay George naman ay sa kabisera at sa kanan nito ay ang Ate Adeline niya naman kung saan ay sa kaliwang bahagi niya. Ang Nanay Flor naman ay sa kaliwang bahagi ng asawa umupo matapos mailapag sa mesa ang tupperware na kinalalagyan ng kanilang ulam.

“Mabuti naman at hindi na kayo nagpapilit pa.” Anang Flor at pinagsandok na ng pagkain ang asawa.

Mahina namang tumawa si Adeline sa pahayag na iyon ng ina, “Hay naku, 'Nay. Ito nga pong si Kuya parang atat na atat, hindi pa nga ako tapos magsalita ay binitiwan na iyong ginagawa at nagmamadaling pumasok ng bahay.” Umiling-iling pa ito at kumuha na rin ng pagkain.

Napalingon tuloy si Alaina sa katabi nito na noo'y nakatingin din pala sa kaniya. Napapangiting ibinalik na lamang niya ang atensyon sa plato, ramdam pa niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi dahil sa tinging ipinupukol sa kaniya ni Silas.

“Anak, wala ka pa bang girlfriend?”

Humigpit ang pagkakahawak ni Alaina sa kubyertos nang marinig ang biglaan na lang na tanong na iyon ng kanilang ina. Subalit ilang segundo lamang ay nahigit niya ang hininga at lumuwag ang mahigpit na pagkakahawak sa kubyertos nang maramdaman ang palad ni Silas na dumapo sa kaniyang hita. Hindi niya ito magawang lingunin dahil oras na mag-angat siya ng ulo ay siguradong mapapansin ng mga kasama nila ang ekspresyong nakaguhit sa kaniyang mukha.

“Wala po, 'Nay. I already like someone but I think she's not yet ready. Hindi pa po ako sinasagot.” Tugon ng binata at mabining hinaplos ang kaniyang hita, tila pinapahiwatig nito na huwag na lang niyang pansinin ang inungkat na paksa ng kanilang ina.

Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga at nagpatuloy na sa pagkain.

“Sino ba ang babaeng iyan at nakuha pang tanggihan ka? Gwapo ka naman at may maipagmamalaki na. Aba, hijo, anyayaan mo nga rito nang makilatis namin.” Pahayag pa ng kanilang Nanay Flor na sa hindi niya malamang dahilan ay nagpagkirot sa kaniyang puso.

Wala sa sariling napainom na lamang siya ng tubig at nagmamadali nang inubos ang kaniyang pagkain.

“I can't tell you anything about her right now. Handa naman po akong maghintay hanggang sa maging handa na rin po siya. But I'll let her know that you want to see and know her.” Ani Silas na mas lalo lang nagpakirot sa kaniyang dibdib.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Defiance | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon