Hindi po ako nagpo-promote o sang-ayon sa mga ganitong relasyon sa totoong buhay. Paalala, ito'y kathang-isip lamang o likha ng malikot kong imahinasyon. And please, read at your own risk, ka-cordaps.
⚜☪⚜
“Alaina, gumising ka na riyan at pupunta pa tayo sa sentro!” katok sa pinto ng silid ng dalaga. Ang Nanay Flor niya iyon.
Pupungas man at nais pa sanang matulog ngunit pinili na lamang bumangon ni Alaina. Sa edad na desi siete anyos ay hindi niya ugaling magreklamo sa utos nino man sa loob ng kanilang bahay. Mas nanaisin na lang niyang sundin ng tahimkk ang ipinag-uutos sa kaniya kaysa makipag-argumento pa.
Nang makabangon mula sa higaan ay inayos na niya ang tinulugan saka lumabas ng kwarto. Nasundan pa niya ng tingin si Nanany Flor na naglalalakad pababa ng hagdanan. Napabuntong hininga na lang ang dalaga at tinungo ang banyo sa ikalawang palapag.
Nang nasa harap na ng pinto ay agad niya iyong binuksan sa pag-aakalang walang nasa loob niyon. Hindi naman kasi naka-lock. Ngunit laking gulat na lamang ni Alaina nang mabungaran doon ang panganay niyang kapatid na si Silas. Hubad na hubad ito at walang anumang saplot habang nakatayo sa harap ng dutsa.
Buhat sa pagbabanlaw ng katawan ay napabaling na lang ng tingin si Silas nang marinig ang malakas na pagsinghap mula sa labas ng banyo. Noon niya lang napagtantong bukas na bukas iyon at nakabalandara sa harapan ng kaniyang kapatid ang hubo't hubad niyang katawan.
“Alaina!” at saka niya maagap na inabot ang tuwalyang nakasabit sa gilid ng pintuan saka iyon mabilis na ipinulupot sa kaniyang beywang.
Hindi naman magkandaugaga ang dalaga at napatalikod na lang mula sa kapatid. Hindi naman siya tumakbo ngunit habol-habol niya ang paghinga. Ni hindi niya maipikit ang mga mata dahil sa bawat pagpikit niya ay ang walang saplot na katawan ng Kuya Silas niya ang lumilitaw sa kaniyang gunita. Lalo na ang nakita niyang nakalawit sa ibabang parte ng katawan nito.
Naman, e!
“Ba't ba kasi hindi ka man lang kumatok?” rinig pa niyang wika ng kapatid matapos nitong sambitin ang pangalan niya.
“E, hindi naman po kasi naka-lock ang pinto, at saka ba't kasi hindi ka man lang po nag-shower curtain?”
Sa unang pagkakataon ay nagawa niyang sagutin nang pabalang ang kapatid. Kung tutuusin naman talaga ay pareho silang may kasalanan. Kung kumatok lang siya e 'di sana niya mabubungaran ang naliligong kapatid. At kung nag-lock ng pinto saka nagtabing ng shower curtain ang magaling niyang kuya ay wala sana sila sa ganoong sitwasyon.
“E, kung kumatok ka sana!” palatak pa nito na halatang hindi naman magpapatalo bago siya nilagpasan nang makalabas ng banyo.
Hindi na lang umimik si Alaina upang hindi na humaba pa ang pagtatalo nila ng kapatid. Nang lingunin niya ito ay nakatalikod na Silas na lang ang nakita niya, nakatapis ng tuwalya ang kalahati ng katawan at lantad na lantad ang matipuno nitong likod. Dumudulas pa mula sa buhok nito ang tubig pababa sa katawan.
Umiwas na lang ng tingin ang dalaga at kagat-labing pumasok na lang sa banyo. Sinigurado pa niyang naka-lock iyon.
Nakabihis na si Alaina nang bumaba sa komedor ng kanilang bahay. Naabutan niya roon ang kaniyang nanay at dalawang kapatid na nag-aagahan na.
“Bilisan mo nang kumilos at isasabay na tayo ng kuya mo papuntang sentro.” Anang kaniyang ina kaya agad na bumaling ang kaniyang tingin sa nasa kabilang dako ng mesa na kaniyang kaharap matapos maupo sa tabi ni Nanay Flor.
BINABASA MO ANG
Defiance | R18+
Ficțiune generalăHanda siyang suwayin lahat para sa taong kaniyang minamahal. Handa silang suwayin lahat para sa pag-ibig na ipinagbabawal. Date started: June 5, 2020 Date finished: - Date published: June 10, 2020