kabanata vii

334 6 0
                                    

Hiyang-hiya si Alaina. Nasa loob na siya ng sariling kwarto, nakapagbihis na rin mula sa uniform na suot maghapon. Nakaupo siya sa dulo ng kama at nakatitig sa nakasarang pinto ng silid. Tila ba ayaw na niyang buksan pa iyon at lumabas ng sariling kwarto.

Nilulukob ng hiya ang kaniyang buong sistema. Hiya sa naging akto niya kanina sa kaniyang Kuya Silas habang nasa jeep sila nito't nag-uusap tungkol nga sa ginawa  nito nang nakaraang gabi.

Matapos niya kasing magmura sa harap nito't nanunuyang isambulat sa kapatid ang ginawa nitong hindi raw nito sinasadya ay antimanong pumasok sa kaniyang isipan ang pagpapaligayang ginawa sa sarili habang iniisip na ang nakatatandang kapatid ang gumagawa niyon sa kaniya. Iyon, hindi niya kailanman maitatangging inisip niyang maging totoo. Kung susumain ay mas malala pa siguro iyon kumpara sa ginawa ni Silas na paghawak at paghaplos sa hita niya?

Naihilamos na lamang niya ang palad sa mukha saka nagpasyang tumayo na at lumabas ng kwarto. Tila ba namimigat ang kaniyang mga paa sa paghakbang patungo sa komedor. Natigilan na lamang siya't ilang beses na napabuntong-hininga.

“Alaina, ayos ka lang ba? Ba't ang lalim naman yata ng mga iyon?”

Nagulat man sa pagsulpot ng kapatid na si Adeline habang nakatayo siya sa ituktok ng hagdan at nakatitig lang sa unang palapag ay pinilit niyang humarap nang maayos dito. Ngumiti siya matapos salubungin ang nag-iinspeksyong titig nito sa kaniya.

“Okay lang ako, Ate. Iniisip ko kasi iyong defense namin next week.” Palusot na lang niya.

Sandaling tumitig sa kaniya ang kapatid, tila ba tinitimbang kung nagsasabi siya ng totoo. Paglaon, hindi man buong nakumbinse si Adeline ay pinili na lang nitong huwag usisain si Alaina.

“O, siya. Halika na sa komedor, mukhang tayo na lang ang hinihintay nina Tatay.”

Noon lang lihim na nakahinga ng maluwag ang dalaga. Mabuti na lang at wala sa mood nitong matanong itong kaniyang Ate Adeline, kung hindi ay hindi ito titigil sa pang-uusisa sa kaniya hangga't hindi siya nagsasabi ng totoo.

Habang nasa hapag, halos mangalay na ang leeg ng dalaga sa pag-iwas ng tingin sa kaniyang Kuya Silas na noon pa, sa kamalas-malasan niya, ay nasa tapat lang niya nakaupo. Nakatuon lang ang atensyon niya sa pagkain habang ang mga kasama sa hapag ay sinasabayan ng pag-uusap ang pagkain ng mga ito. Kaya ilang minuto pa ang nakaraan ay namalayan na lamang ng mga ito na tumatayo na siya mula sa kinauupuan dahil tapos na rin siyang kumain.

Nagtatakang tiningnan s'ya ni Adeline na katabi lang niya ang upuan at sinabing, “Tapos ka na? Ang bilis naman yata, hindi ko pa nga nakakalahati itong sa 'kin.”

Tipid na ngiti ang ibinigay niya rito bago nagrason na may kailangan pa siyang gawing assignments at report bukas sa klase. Mukhang nakumbinse naman ang mga ito kaya nilisan na niya ang komedor nang hindi man lang nasusulyapan ang nakatatandang kapatid.

Noon lang siya nakahinga nang maluwag nang papaakyat na sa ikalawang palapag. Pagkarating sa tapat ng silid ay natigil siya sa pagpihit ng seradura ng pinto niyon. Nilingon niya ang pinto patungo sa terasa, bumuntong-hininga bago nagpasyang bitiwan ang doorknob upang tunguhin ang terasa kung saan madalas tumambay si Silas tuwing gabi habang naninigarilyo ang binata.

Hindi niya mawari sa sarili kung bakit pa niya piniling pumunta ng terasa gayong sigurado naman siyang pupunta rin doon ang kapatid. Ganoon na nga ang nangyari. Hindi pa iilang minuto na nakatayo siya sa tabi ng balustrada ng terrace habang nakatingala sa mabituing kalangitan at yakap ang sarili dala ng malamig na simoy ng panggabing hangin ay bigla na lamang may yumakap sa kaniya mula sa likuran. Hindi agad na nakapag-react si Alaina, marahil sa hindi naman niya inaasahang gagawin iyon ni Silas na alam naman niyang pupunta rin sa terasa.

Nang matauhan dahil na rin sa mas humigpit pang yakap sa kaniya ng kapatid ay hindi sinasadyang nasiko niya ito sa tagiliran. Antimano ang pagbitiw ni Silas saka napapaatras na sinapo ang nasaktang tagiliran. Napapadaing pa ito sa ginawa niyang iyon. Mukhang malakas nga talaga ang pagkakasiko niya rito dahil halos mapatungo ito habang sapo ang nasaktang parte ng katawan.

Nang harapin niya ang kapatid ay bumadha sa kaniyang mukha ang konsensiya sa nagawa. Naaawang nilapitan na lang niya ang nasasaktang kapatid upang tulungan ito sa pagpapahupa ng sakit, hindi na inalintana pa ang ilang na nararamdaman dito.

“Kuy—”

“Gotcha!” bulalas nito sabay hapit sa kaniyang beywang saka ipinaglapat ang kanilang mga katawan. Mahigpit ang pagkakapulupot ng braso nito sa kaniyang beywang na tila ba wala nang balak pang siya'y pakawalan.

Natulala na lamang si Alaina sa pagkagulat, taliwas sa nababalisa niyang puso na naghuhuramentado sa pagtibok.

“K—Kuya...” anas niya na lamang nang maramdaman ang isa nitong kamay na lumipat sa kaniyang ulo saka hinagod-hagod iyon.

“Shh... Just stay still. Let's stay like this for a minute.” Mahinahong anito at mas hinapit pa siya palapit dito. Nakahilig na ang kaniyang ulo sa dibdib nito habang ang magkabilang kamay niya naman ay nanatiling nasa kaniyang tagiliran.

Hinayaan na lang niya ang kapatid. Kahit ba nahihirapan siyang intindihin kung bakit nagdudulot ng kiliti at kilabot ang sobrang pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Kahit sobrang sarap sa pakiramdam ng amoy nito na nasasamyo ng kaniyang ilong na handa siyang samyuin buong magdamag. Kahit na rinig na rinig niya ang nakakatuwang tibok ng puso nito na tila ba sumasabay sa naghuhuramentado niyang puso.

Naipikit na lamang niya ang mga mata at hinayaan ang sarili na magsawa sa bisig ng kaniyang Kuya Silas.

6/13/20

Defiance | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon