Hindi mapakali ang dalaga habang naghihiwa ng gulay na ihahalo sa tinolang lulutuin sana ni Nanay Flor na ngayon ay ang Kuya Silas na niya ang nagpresentang magluluto. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi siya mapakali at minamadali na lang ang ginagawa dahil naroroon lang din sa kusina si Silas na pinakukuluan na ang manok.
“Ouch!” daing ng dalaga nang aksidenteng dumulas ang kutsilyo sa kaniyang daliri.
Sa pagmamadali niyang matapos ang ginagawa upang makaalis na sa kusina ay nagkanda-hiwa-hiwa na rin siya. Nabitawan na niya ang kutsilyo't nakangiwing napatingin na lamang sa dumudugong daliri.
Natuod na lamang sa kinatatayuan si Alaina nang may kumuha sa kaniyang kamay at nakaramdam ng pamamasa sa daliring nasugatan. Nang balingan niya ang kaniyang Kuya Silas na ngayon ay subo-subo ang kaniyang daliri at sinisipsip ang lumalabas na dugo mula roon ay dagli niyang inagaw ang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak nito. Pero dahil sadyang malakas ito at siya nama'y pinanghihinaan kaya hindi rin siya nagtagumpay. Lalo na nang pinaningkitan siya nito ng mga mata habang sinisipsip ang kaniyang daliri.
Napaiwas na lang siya ng tingin nang biglang may lumitaw na imahe sa kaniyang isipan mula sa napanaginipan niya kagabi dahil sa pagsipsip nito.
“Bakit ka ba kasi nagmamadali? Hindi ka man lang nag-iingat.” anito, bakas ang inis sa tono ng pananalita bago binitiwan ang kaniyang kamay.
Bumaba ang kaniyang tingin sa daliring hindi na dumudugo. Medyo namamasa na lang.
“Mag-uusap tayo mamaya pagkatapos ng tanghalian.” Seryoso nitong saad at hinarap nang muli ang kaserola.
Hindi tuloy magkanda-ugaga ang dalaga nang magsimula na silang mananghalian. Noon lang din napansin ni Nanay Flor at Tatay George ang namumugto niyang mga mata. Katulad nang idinahilan niya kay Silas lang din ang inirason niya sa mga ito. Wala ang Ate Adeline niya dahil kahit weekend ay may trabaho ito. Interior designer kasi.
Sa buong durasyon nang pagkain, habang siyang nababalisa ay hindi naman umiimik ang kaniyang Kuya Silas, pwera na lang kung tinatanong ito ng kaniyang magulang na kailangan nitong sumasagot. Maliban doon ay inabala na lang nito ang sarili sa pagkain at mukhang may iniisip na malalim.
Pagkatapos makapaghugas ng mga pinagkainan ay heto na nga siya sa tapat ng kwarto ni Silas. Pinagpapawisan ng mga kamay at nagdadalawang-isip kung kakatukin ba ang pinto ng silid ng kapatid.
“Bahala na nga!” aniya't sunod-sunod ang ginawang pagkatok hanggang sa bumukas ang pinto ng silid at bumungad sa kaniya ang nakahalukipkip na si Silas. Seryoso ang bukas ng mukha nito habang nakatingin sa kaniya.
Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok ang kapatid na hindi maitago ang pagkailang sa kaniya. Naiiling na lamang sa sarili si Silas habang sinusundan ng tingin ang papasok na si Alaina.
“Sit there.” Turo ng binata sa mahabang sofa na agad namang tinalima ni Alaina.
Mas malaki ang kwarto ng kaniyang Kuya Silas kompara sa kwarto niya. Navy at royal blue ang motif ng kwarto nito. Minimalist ang kapatid kaya hindi maabubot ang silid, kahit na siya ay ganoon din naman. Ang sa Ate Adeline niya lang yata ang masyadong madekorasyon ang kwarto dala na rin ng pagiging designer nito. Katabi ng full-size bed nito ang bedside table na napapatungan ng lampara. Sa kabilang bahagi naman ng kama ay ang isang mahaba at dalawang single seater sofa na may salaming center table. Sa likod ng sofa nakapuwesto ang isang malaking bintana ng silid kung saan makikita sa ibaba niyon ang bakuran ng bahay nila. Nakalapat naman sa kaliwang bahagi ng pintuan ang dalawang matatangkad at malalaking kabinet ng mga damit ni Silas.
Maaliwalas ang kwarto sa tanghaling tapat lalo na't hindi naman magamit. Ngunit nang maisara na ng kaniyang Kuya Silas ang pinto ng silid ay tila ba sumikip ang kwarto. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkaalinsangan habang hindi mapakaling nakaupo sa sofa.
“Naiilang ka ba sa 'kin, Alaina?” untag nito, siyang upo sa single seater sofa sa kanang bahagi niya.
Tuwid itong nakaupo, pinagdekwatro ang mahahabang biyas at mariing tumitig sa kaniya. Nangingilatis na naman.
Mas lalo tuloy hindi mapakali si Alaina, ni hindi magawang makipagtagisan ng tingin sa kapatid.
“Why are you acting like that? Umupo ka nga ng maayos.”
Napayuko na lang siya ng ulo nang marinig ang inis sa boses nito. Gusto na lang niyang lumabas sa kwarto nito at magkulong sa sariling silid. Hindi man lang ba napapansin ng Kuya Silas niya na ng ideya nitong pag-uusap nila.
“Kuya!”
Napahawak na lamang siya sa magkabilang balikat nito nang hatakin siya't paupuin sa kandungan nito. Mas humigpit lamg ang pagkakahawak nito sa beywang niya nang sinubukan niyang tumayo.
“Stay still.” Anito na siyang nagpahinto sa kaniya at napatitig na lamang sa mga mata nitong nanunuot hanggang buto kung tumingin. Para namang sinilaban ang kaniyang pisngi nang mapansin ang lapit ng kanilang mga katawan.
“Kuya...” anas niya sa pangalan nito at mas humigpit ang kapit sa balikat ng kapatid.
Ngumisi ang kaniyang Kuya Silas na siyang mas lalong nakapagparigodon sa kaniyang dibdib.
Ano ba'ng tumatakbo sa isip nito? Naguguluhan niyang tanong sa sarili habang nakatitig sa mga mata nito.
“You're so beautiful, Alaina.”
Bahagyang napaawang ang kaniyang labi sa sinabi nito. Ilang beses na rin naman siya nitong sinabihan ng ganoon pero bakit tila may kakaiba ngayon? Tila mas malambing at damang-dama niya ang bawat kataga. Saka, bakit iba ang kislap ng mga mata nito habang nakatingin sa kaniya?
Nang maramdaman ang paghaplos ng kamay nito paitaas sa kaniyang tagiliran ay nangilabot siya sa kiliting hatid niyon. Kasabay nang paghigit sa kaniya ni Silas upang mas mapalapit dito ay ang pagdiin ng kapit niya sa balikat nito saka sunod-sunod na bumagsak ang kaniyang mga luha.
Si Silas naman na hindi inasahan ang kaniyang pagluha ay napatulala na lamang sa dalaga. Naglaho ang ngisi sa labi at napirmi ang palad na humahaplos sa tagiliran ni Alaina.
Nang matauhan ay noon lang nag-angat ang isang kamay ng binata saka sinapo ang mukha ng kapatid. Nag-aalala ang tinging pinukol niya sa nakapikitat umiiyak na dalaga. Pinalis niya ng palad ang namamalisbis na luha sa magkabilang pisngi nito.
“Shh... Sorry, tahan na.” Aniya't napabuntong-hininga na lamang nang mas bumalong pa ng iyak ang bunsong kapatid.
Napamulat ng mga mata si Alaina nang maramdaman ang paghawak ng kapatid sa kaniyang baba saka inangat iyon upang magsalubong ang kanilang mga mata. Tila kinirot ang kaniyang puso sa nakitang lungkot doon.
Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi nito saka bumaling sa ibang direksyon. Doon niya mas nakita ang nangingilid na luha sa mga mata nito.
“Kuya,” sapo niya sa pisngi nito, mas lalong nilulukob ng lungkot ang dibdib.
“I'm sorry.” Anas niya bago kinintalan ng halik ang pisngi nito at sinubukang muling tumayo mula sa kandungan ng kapatid.
Sa ginawa niyang iyon ay bumaling sa kaniya ang tingin nito. Nagtatanong at nagbabadya pa rin ang pagbuhos ng luha mula sa mga mata nito.
Nakayukong humakbang siya sa ng ilang beses upang makalayo rito. Bakas naman sa mukha ng binata ang pagtataka sa kaniyang ginawa.
“K—Kagabi,” simula niya, nakayuko pa rin, lumunok upang maalis ang nararamdamang bara sa lalamunan bago nagpatuloy, “nanaginip a—ako. In that dream, me and y—you were there.”
Sa sinabi niyang iyon ay mas matamang napatitig sa kaniya ang kapatid. Mariing nakikinig at hinihintay siyang magpatuloy.
Ngunit akma pa lamang na ibubukang muli ang bibig ay nauna nang umalpas ang hikbi ng dalaga. Ganoon man, wala siyang balak na huminto sa nais isiwalat sa kapatid.
Pinunas niya ng likod ng palad ang luha't sinabing, “We're making love, K—Kuya.”
6/10/20

BINABASA MO ANG
Defiance | R18+
Ficción GeneralHanda siyang suwayin lahat para sa taong kaniyang minamahal. Handa silang suwayin lahat para sa pag-ibig na ipinagbabawal. Date started: June 5, 2020 Date finished: - Date published: June 10, 2020