I like sharing my imaginations to anyone as long as they'll appreciate my effort. So, may I ask for a very simple favor, cordapyia/cordapyio? Could you at least vote and comment your thoughts regarding this story? I would really appreciate it so much if you do so. It will also serves as my motivation in updating the next chapter. Thank you 😊
⚜☪⚜
Nahinto sa pagkalikot ng cellphone si Alaina nang ihimpil ni Silas ang jeep nito sa parking lot ng isang mamahaling restaurant. Noon lang din niya napansin na nasa sentro pala sila dahil sa mga nakapaligid na nagtataasang mga gusali.
Nagtatakang dumako ang tingin niya sa kapatid na ngayon ay nakababa na pala ng sasakyan nito. Bumaba na rin siya at isinukbit ang bag sa balikat nang maisilid na ang cellphone roon.
Bago pa man makahakbang patungo sa restaurant ang kaniyang Kuya Silas ay pinigilan na niya ito. “Akala ko ba uuwi na tayo, Kuya?”
Hindi na naman kumibo ang binata kaya naiinis na lamang na hinarangan ni Alaina ang dadaanan nito. Salubong ang kilay na tiningnan niya ito sa mga mata.
“Nakakainis ka na, Kuya Silas! Hindi mo ba alam na nasasaktan din ako sa tuwing hindi mo 'ko pinapansin?”
Hindi man lang natinag ang seryoso nitong ekspresyon, ngunit hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang bahagyang pagtiim-bagang nito. Napapalatak na lamang siya saka umiwas ng tingin dito.
“'Tang-ina.” Mura niya, sinad'yang iparinig sa kaharap.
“Alaina!”
Napapantastikuhang sinalubong niya ang matalim nitong pukol sa kaniya.
“Ano? Gusto mo pa yatang mag-mura ako nang magmura rito para lang kibuin mo, e. Punyeta!” pakli niya't sinagi pa ito upang makaraan pabalik ng jeep.
Nang sumampa na siya ng sasakyan ay saka lang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
Napipilitang bumalik na lamang ng sasakyan nito si Silas. Biningi ang sarili sa mg hikbi ng bunsong kapatid habang bumabyahe pauwi sa kanila. Nahinto lang sa pag-iyak ang dalaga nang makalabas na sila sa sentro. Isang subdibisyon na lang ang madadaanan ay makakarating na sila sa kanila.
“O, ba't ginabi na yata kayong magkapatid?” untag ng kanilang ina nang maabutan nila itong paakyat ng second floor.
Bumeso lang dito ang dalaga at hinayaan nang ang Kuya Silas niya, na kasunuran niya naman, ang magpaliwanag kay Nanay Flor.
“May dinaanan lang po kami sa sentro...”
Pumanhik na lamang siya sa silid at nagpalit ng pambahay. Nang bumaba ay naabutan niya roon sa komedor na kompleto nang nakaupo sa hapag ang kaniyang pamilya maliban sa kaniya. Napilitang tumabi kay Silas ang dalaga dahil iyon na lang ang bakante, wala kasing upuan sa kabisera salungat ng kinauupuan ng kanilang ama.
Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang manigas sa kaniyang kinauupuan ang dalaga. Nilukob ng pangingilabot ang kaniyang sistema dahil sa kamay na nakahawak sa kaniyang hita. Hantad ang mga iyon dahil tanging malaking t-shirt at short shorts ang kaniyang suot.
Natigilan ang mga kasama niya sa hapag nang marinig ang pagkalansingan ng kaniyang kubyertos na nabitiwan niya't tumama sa plato dahil sa pagkagulat. Mas naramdaman pa niya ang paghigpit ng hawak ng kaniyang Kuya Silas sa kaniyang hita na bahagya n'ya pang ikinasinghap.
“Ayos ka lang ba, Alaina?” nag-aalalang tanong ng kaniyang Ate Adeline na siyang nasa kaniyang tapat.
Nanginginig ang mga kamay na muli niyang hinawakan ang kubyertos saka tipid na nginitian ang kapatid. “Opo, may naalala lang po ako. Sorry.” Aniya, nagririgodon ang dibdib sa kaba na baka may makakita isa man sa mga kasalo nila sa ginagawa ng kaniyang Kuya Silas.
Nagpatuloy na lamang sa pagkain at pag-uusap ang mga ito. Ang katabi niya naman ay nakikisali rin sa pag-uusap ngunit nananatiling nakadantay ang palad sa kaniyang hita, mabining humahaplos pataas-baba.
Kagat-labing napababa na lamang ang kaniyang mga mata sa kaniyang kandungan. Marahang ibinaba ang kutsara saka ipinatong ang palad sa kamay ng kapatid upang pahintuin ito sa ginagawa. Ngunit hindi natinag si Silas, tumigil lang ito sa paghaplos at mariing pinisil ang bilugan niyang hita.
Napapabuntong-hininga na lamang ang dalaga saka ibinalik ang atensyon sa pagkain. Panaka-naka niya pang nililingon ang kapatid na kaswal lang na nakikipag-usap sa kanilang mga magulang habang kumakain. Animo walang ginagawang kababalaghan sa ilalim ng mesa.
⚜☪⚜
Si Alaina na lang ang naiwang mag-isa sa kusina. Naghuhugas ito ng mga pinagkainan habang nanonood naman sa telebisyon sa sala ang kaniyang mga kasama sa bahay.
Nang matapos na sa ginagawa ay hindi muna niya inalis ang apron at tumitig lang sa lababo. Iniisip ang ginawang iyon kanina ng kaniyang Kuya Silas.
Sobra talaga ang kabog sa kaniyang dibdib kanina habang naghahapunan. Natakot siya hindi lang para sa sarili kundi para rin sa kaniyang Kuya Silas dahil sa ginawa nito.
Napaka-reckless. Naiiling kasunod ang pagbuntong-hininga ng dalaga.
Hinubad na niya ang apron matapos ipahid ang basang mga kamay roon. Nang makalabas sa komedor ay nabungaran niya sina Tatay George at Nanay Flor na nakaupo sa sofa habang nakaharap sa tv. Nakapatong ang ulo ng kaniyang ama sa balikat ng kaniyang ina habang magkahawak ang kamay ng mga ito.
Imbes na matuwa ay nakaramdam ng kahungkagan ang dalaga. Nakokonsensiyang napatitig na lamang siya sa mga magulang. Kahit wala naman siyang ginawang mali ay nakokonsensiya siya sa mga ito sa hindi malamang dahilan.
Wala nga ba bang dahilan para makonsensya ako ng ganito?
Iniwas na lang niya ang tingin sa mga ito at nagpasyang pumanhik na ng silid. Nang makaakyat sa ikalawang palapag ay nahagip ng kaniyang paningin ang kapapasok pa lang na si Silas mula sa terrace bago pa man niya mabuksan ang pinto ng kwarto. Maging ang binata ay natigilan din sa paghakbang nang makita siya.
Dumako ang kaniyang tingin sa seradura ng pinto na mahigpit na pala niyang hawak. Nakaramdam siya ng panggigigil. Gigil na sampalin ang nakatatandang kapatid at isuksok sa kukote nito na mali ang ginawa nito kanina. Ngunit maging sa pagbuka ng bibig ay nahihirapan siya.
“Alai—” bago pa man nito matuloy ang pagtawag sa kaniya ay nagmamadali na siyang pumasok sa kwarto. Sumandal sa pinto at nasapo ng dalawang palad ang mukha.
Napatitig na lamang si Silas sa nakasarang pinto ng kwarto ni Alaina, nakatayo pa rin sa bungad patungong terasa.
“O, Kuya, nanigarilyo ka na naman ba?”
Noon lang siya natauhan nang marinig ang tanong na iyon ni Adeline na kalalabas lamang sa banyo at naabutam syang nakatayo pa rin doon.
“Yeah. Isang stick lang naman, I just need to release some stress fron work. Good night.” Aniya at tinungo na ang sariling kwarto.
Naiiling na lamang na sinundan ng tingin ni Adeline ang kapatid hanggang sa makapasok ito ng sariling kwarto. 'Pag laon ay dumako ang kaniyang mga mata sa pinto ng kwarto ni Alaina, sandaling tinitigan iyon bago nagpasya nang pumasok ng sariling silid.
6/11/20
BINABASA MO ANG
Defiance | R18+
قصص عامةHanda siyang suwayin lahat para sa taong kaniyang minamahal. Handa silang suwayin lahat para sa pag-ibig na ipinagbabawal. Date started: June 5, 2020 Date finished: - Date published: June 10, 2020