kabanata iv

382 7 1
                                    

Tulad ng nakaraang mga araw, hindi pa rin magawa ni Alaina na tingnan nang matagal ang kaniyang Kuya Silas. Lalo na noong ipaalam niya rito ang napanaginipan niya isang linggo na ang nakakaraan.

Ipinagpapasalamat na lamang ng dalaga na maging ito ay pilit din na umiiwas sa kaniya. Mas inaagahan na nito ang pagpasok sa trabaho kaya hindi na niya ito nakakasalubong o nakakasabay sa pagkain tuwing umaga. Ngunit pagdating ng gabi ay talagang hindi nila maiwasang magkaharap, katulad na lamang ngayon.

“May pasok na kayo sa lunes, hindi ba, bunso?” untag ng kaniyang ina habang naghahapunan sila.

Nasa tabi niya ang Ate Adeline, kaharap nito si Silas na katabi naman ni Nanay Flor at karaniwan namang nasa kabisera ang kanilang Tatay George.

Dumaplis siya ng tingin sa ina bago itinuon muli ang atensyon sa pagkain. “Opo.”

“Agahan mo na ang gising nang makasabay ka rito sa Kuya Silas mo. Wala man lang bang naiwang project ang mga guro n'yo bago kayo pinag-sembreak?”

Natigilan siya sa paglalagay ng pagkain sa kutsara sa naging pahayag na iyon ni Nanay Flor. Ni hindi na niya natuunan pa ng pansin ang itinanong nito sa kaniya dahilan para makatanggap siya ng siko mula kay Adeline.

“Ah, w—wala po! Tinapos na po namin bago ang sembreak.”

“Mabuti naman kung ganoon. Ikaw naman, Adeline, kumusta...”

Lihim na napabuntong-hininga na lamang si Alaina bago sumulyap kay Silas na noon din ay pasimpleng nakasilip sa kaniya. Agad silang nag-iwas ng tingin sa isa't isa at kaswal na pinagpatuloy na lang ang pagkain.

“Kuya,” tawag niya sa atensyon nito na abala naman sa pagbabanlaw ng mga hinugasang pinagkainan nila.

Bahagyang natigilan si Silas nang maulinigan ang malumanay na tinig ng bunsong kapatid. Nag-igting ang mga panga't muli na lamang pinagpatuloy ang ginagawa, ni ang pagsulyap ay hindi ginawa kay Alaina.

“Kuya, kailangan na nating tigilan 'to.” Ani Alaina, tinutukoy ang pag-iiwasan nilang magkapatid, nakahawak ito sa laylayan ng damit habang nakayuko ang ulong nakikiusap sa kaniya.

Nasa kaniya-kaniya nang kwarto ang mga kasama nila sa bahay kaya malaya na silang makakapag-usap. 'Yon nga lang, kailangan nilang mag-ingat sa mga salitang kanilang bibitawan. Mahirap na't baka tumungo sa kusina ang isa sa mga kasama nila, marinig pa ang kung ano man na pinag-uusapan nilang magkapatid.

“I'm going to sleep. Matulog ka na rin.”

Doon na napaangat ng tingin ang dalaga nang marinig ang sinabi ng kaniyang Kuya Silas. Nagpupunas na ito ng kamay sa apron na suot nito bago iyon inalis at isinabit sa lagayan niyon.

“Kuya!” Hindi maitago ang pagmamakaawa sa boses ni Alaina na siyang nagpitigil sa kapatid nito na papaalis na ng komedor.

“Kuya, sorry na. Alam ko namang galit ka sa 'kin dahil... dahil sa sinabi ko sa 'yo. Pero hindi ko naman alam kung bakit ganoon ang nangyari! Maniwala ka naman sa 'kin, oh?”

Nararamdaman naman ng dalaga na hindi nagustuhan ng kaniyang Kuya Silas ang inamin niya rito. Galit ito sa kaniya. Kung tutuusin naman ay may karapatan itong magalit sa kaniya. Sino ba naman ang hindi magagalit kung ang kapatid mo mismo, aaming nanaginip na nakikipagniig sa 'yo?

Sino ba naman talaga ang matutuwa ng ganoon? Kahit panaginip lang, mali pa rin iyon sa mata ng lahat. Kagat-labing wika na lamang ng dalaga sa sarili.

Subalit, taliwas sa kung anumang tumatakbo sa isipan ng dalaga ang nararamdaman ni Silas. Hindi ito galit sa bunsong kapatid, ngunit sa sarili mismo nito.

Hindi na lamang umimik si Silas. Mas piniling tuluyang lisanin ang komedor nang sa ganun ay hind na marinig pa ang paghikbi't pagsinghot ni Alaina.

“Alaina, kumain ka na't bababa na iyon mayamaya si Silas. Nakapag-agahan na iyon at nagbibihis na lang.”

“Opo.” Halos walang buhay na tugon niya sa ina nang maupo na sa harap ng hapag.

Mabuti na lamang at hindi nakikita ni Nanay Flor ang pagiging matamlay ng dalaga dahil abala ito sa paghuhugas ng mga pinaglutuan nito. Kung hindi baka tanong ang unang agahan ni Alaina.

“'Nay, aalis na po ako.”

Nanigas ang likod ng dalaga bago pa man maisubo ang huling kutsara ng kaniyang pagkain. Dumulas sa kaniyang ilong ang pabango ng nakatatandang kapatid kaya alam niyang malapit lang ito sa kaniyang puwesto.

“Hintayin mo na itong kapatid mo't patapos na rin naman.” Anito saka bumaling sa kaniya. “O, Alaina, tapusin mo na 'yan nang makaalis na kayo nitong Kuya Silas mo.”

Tipid na opo na lang ang tinugon niya saka uminom ng tubig matapos lunukin ang huling isinubo. Kinuha na niya ang bag na ipinatong sa katabing upuan bago bumeso sa ina't sumunod na sa kapatid.

Nang makasakay sa sasakyan hanggang sa pagbyahe ay dili kibuin ng dalawa ang isa't isa. Nakatutok lang ang mga mata ni Silas sa harapan habang nagmamaneho ito. Samantala, si Alaina naman ay nakatuon ang tingin sa labas ng jeep, nagmamasid sa mga nadadaanan nila.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng eskwelahan ni Alaina ay saka lamang bumaling ang dalaga sa kapatid. Matamlay ang mga mata nitong tumutok kay Silas.

“Thank you po sa paghatid, Kuya Silas. Pero h'wag mo na po akong susunduin mamaya, magko-commute na lang po ako pauwi.”

Bago pa man makabaling dito si Silas ay mabilis nang nakababa ng jeep si Alaina. Sinundan na lamang nito ng tingin ang nakatalikod na dalaga habang naglalakad papasok ng eskwelahan nito.

⚜☪⚜

“Mauuna na kami, Lai.” Beso sa kaniya ni Fionne na sinundan naman ng isa pa niyang kaibigan na si Mai.

“Sige, mag-iingat kayo.” Nakangiti niyang sambit nang kumaway na ang mga ito paalis.

“Ikaw rin!”

Kumaway na lang din siya pabalik sa mga ito hanggang sa hindi na niya matanaw ang mga ito.

Elementary pa lang ay magkakaibigan na silang tatlo nina Fionne at Mai. Kambal ang dalawa ngunit hindi identical ang mga ito. Transferee ang mga ito sa elementary school na pinapasukan niya noon nang makilala niya ang kambal. Naging kaklase niya noong grade v, noon na rin naabuo ang pagkakaibigan nila. Hanggang ngayon na graduating senior high students na ay magkakaibigan pa rin sila't nasa iisang paaralan lang pumapasok.

Magsisimula pa lang sa paghakbang ang dalaga patungo sa waiting shed sa kabilang kalye nang may humintong jeep wrangler sa tapat niya. Ang Kuya Silas niya.

Napabuntong-hininga na lamang si Alaina nang makita ang seryosong mukha ng kapatid na nakatuon lang ang tingin sa harapan ng sasakyan.

Sinabi ko nang h'wag na 'kong sunduin, e!  Himutok na lamang niya sa sarili, wala nang nagawa pa kundi ang lumulan ng jeep.

Nang aakyatin na niya ang likod ng sasakyan ay bigla siyang pinigilan ni Silas. Hindi lumilingon na sinabi nitong maupo siya sa passenger's seat. Nagdalawang-isip pa ang dalaga kung susundin ito, pero sa huli'y nagmatigas siya't naupo sa likuran.

“Hindi mo ba ako narinig, Alaina?” bakas ang inis sa pananalita nito, nagawa pang tingnan siya ng matalim mula sa rearview mirror.

Hindi na lamang niya ito kinibo. Inabala na lang ang sarili sa hawak na cellphone na agad niyang kinuha mula sa bag nang makasakay na ng sasakyan. Paraan niya iyon upang hindi matuon ang kaniyang atensyon sa nakatatandang kapatid na ngayon ay dumako na ang masamang tingin sa kaniyang hawak.

Naiinis na pinausad na lamang ng binata ang sasakyan patungo sa daan naa taliwas sa daan pauwi sa kanila.

6/10/20

Defiance | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon